ALEX POV
"Alex!" napatigil ako sa aking paglalakad at tinignan kung sino ba ang tumawag saken.
"Ai" sabi ko naman ng makita ko sya papalapit sya saken.
Nang makalapit sya saken ay agad na inakbayan nya ako at sabay na kame nag lakad.
"Kamusta?" --Ai.
"Makapagtanong ka naman parang ang tagal natin di nag kita a? Kahapon lang magkasama tayo" natatawang sabi ko dito.
"magkasama nga pero si Den lang naman kausap mo" --Ai.
Kahapon kase nung tapos na yung training nila halos si Dennise lang kausap ko.. kase naman si Dennise ang kulit keso daw na nagagandahan ako sakanya, baka daw crush ko na daw sya di ko lang daw sinasabi, at sinabi nya saking kung magsasabi daw akong liligawan sya wag daw ako mahiya. Oh diba ang hangin ng babaeng yon pero kahit ganon yon masayang kasama si Dennise at totoong maganda nga naman sya kaya di narin ako mag tataka yung isang araw magkagusto ako sakanya.
"Ang kulit kulit kase ni Dennise e"
"Sus.. Baka mamaya nyan mainlove kayo sa isat isa ha.. Pero wag kang mag alala dude suport kita haha" --Ai.
"Loko ka haha"
"Oo nga pala .. Napapansin ko lang nung makilala mo yung mga kaibigan ko nag iba ka na" napakunot uno ko sa sinabi ni Ai.
"Panong nag iba?" takang tanong kay Ai.
"Nung nakilala mo kami/sila parang naging masiyahin ka na pag kasama mo sila tapos ang daldal mo pa pero nung ako lang kumakausap sayo ang tagal mo bago mo ako kausapin nakakapagtampo lang dude" kunwaring naman sya nag pupunas ng mata nya akala mo'y umiiyak sya.
"Parang kang bakla Ai di bagay sayo" natatawang sabi ko dito kaya naman tumugil na naman sya sa kaartihan nya haha.
"eh talaga naman sinasabi ko eh.. Nung ako lang kumakausap at tumatabi sayo di mo ako agad kinakausap parang hangin lang ako sayo pero bakit sila Greg ang daldal mo nung unang beses kitang pinakilala sa kanila" --Ai.
"Syempre kinikilala pa kita noon kase nga hindi naman agad agad ako nag titiwala sa ibang tao na di ko pa lubos na kilala.. Hirap akong magtiwala sa taong hindi ko pa lubos na kilala"
"Baket ganon sila Greg naman bago mo palang nakilala ah?" --Ai.
"Syempre nandon ka alam ko naman na di mo ko ipapakilala sa kanila kung hindi sila mabait na tao diba? Kaya din siguro ako sumama sayo noon kase nga narealize ko na hindi ka naman siguro masamang tao para di pag katiwalaan diba?"
"pero baket di ka parin nag iiba pag pumapasok dito school nakasuot parin hoodie parang takot ka parin sa ibang tao pag kami naman kasama mo tinatanggal mo yang hoodie mo?" --Ai.
"Mahabang kwento"
"Huh?" takang tanong pa nito.
"basta wag na nating pag usapan yon" sabi ko naman at pumasok na kame sa room pero wala pa ang prof namin kaya maupo nalang muna kame.
Napansin ko naman na may ilang nakatingin saken kaya mas binaba ko paharap yung hoodie para medyo matakloban yung mukha ko.
Napansin din siguro ni Ai na may mga makatingin saken kaya naman tinignan nya ako na may pagtataka.
"Baket tinitignan ka nila?" tanong nito saken.
"hindi ko din alam" medyo pabulong kong sagot kay Ai.
May sasabihin pa sana si Ai ng may mga babaeng lumapit samin.
"Hi Alex" sabay sabay nila bati saken halata mong nag papacute samen ba ni Ai o saken?