My Sunshine

62 5 4
                                    

"Ano ka ba, Freya. Tigilan mo yan!" Rinig kong sigaw ni Alpha saakin. Bago pa ako makagawa ng isang hiwa sa kanang kamay ko ay inagaw na niya saakin ang blade.

Tinapon niya iyon sa kung saan. Napatingin ang mata kong walang humpay sa pag-iyak sakanya. Nakita ko na namumula na rin ang mata niya na ano mang oras ay iiyak na rin.

Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Kumuha niya ng tissue at pinunasan ang may dugo kong kamay.

"Sinabi ko namang itigil mo na diba, Freya? Tama na, wag mo nang saktan ang sarili mo." Pakiusap niya saakin. Umiling ako at napatingin sa sahig, pagkatapos ay tumulo na naman ang luha ko. Nahulog ang luha ko sa mga hiwang ginawa ko sa braso ko. Hindi ko alam pero bakit hindi manlang ako nakaramdam ng sakit o hapdi? Ga'non na ba talaga ako kamanhid para hindi na makaramdam ng sakit?

Niyakap ako ni Alpha, sinasabing magiging maayos ang lahat, kahit para saakin ay hindi na. Iniwan niya ako eh, pinagtabuyan at sinaktan n paulit-ulit. Bago ako iwan at sumama sa ibang babae.

I can still hear his last words before he broke up with me. Ang mga katagang iyon ay hindi matanggal-tanggal sa isip ko at para bang sirang plaka na hindi nagsasawa ng paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko

"Hindi na kita mahal, Freya. Iba na ang mahal ko, hindi mo ba maintindihan 'yon? Tapos na ako sayo." Seryosong paliwanang niya saakin. Napahikbi ako nang maalala na naman iyon.

"A-Alpha. Ayoko n-na." Iiling-iling na bulong ko sakanya. Napahigpit ang hawak ko sakanya. Napasakit lang kasi nakipaghiwalay nalang siya saakin.. kung ano ang sinasabi ng iba, iyon ang pinaniniwalaan niya. Ni hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon ng magpaliwanag. Pinaniwalaan niyang nakikipagrelasyon ako kay Gust, iyong kaibigan ng pinsan ko na kababata ko din at classmate naman ni Light. Kasama ko siya sa kwarto ko noon at napakataas ng lagnat ng lagnat ko. Pinuntahan ako ni Gust noon at humiga sa tabi ko, pero sa kasamaang palad, nakita kami ni Light dahil pinuntahan din niya ako noong araw na iyon. Akala niya ay may ginawa kaming masama ni Gust, iyon ang pinaniwalaan niya na dahilan ng pagkalaki ng galit niya.

Kahit hinang-hina ako, pinilit kong magpaliwanag at nagmakaawa. Pero malaki ang galit niya sakin. Iyong tipong nasigawan niya rin niya ako ng mga salitang hindi dapat niya binitawan kasi nakakasakit sa puso at pagkatapos ay hiniwalayan na niya ako.

Noon, sinabi ko kay Gust na lubayan niya muna ako. Ginawa niya naman, palagi siyang humihingi ng tawad pero sinasabi ko sakanyang wala siya kasalanan at napapatawad ko na siya.

Napahikbi ulit ako ng maalala iyon.
"Tahan n-na, Freya. K-kailangan mong maging m-matatag, hmm?" Sabi saakin ni Alpha, bago ako makatulog sa bisig niya dahil sa pagod. Pagod na akong umasa na babalikan niya ako at maramdamang muli ang pagmamahal niya saakin. Gaya noon.

"Freya, papasok ka pa ba? Wag nalang kaya? Ako na ang bahala sayo, sasabihin ko nalang kung may kailangan tayong ipasa." Sabi ni Alpha saakin. Natulog siya dito sa apartment ko kasi hindi niya daw ako maiwan. Baka may gawin na naman daw akong masama sa sarili ko.

Ngumiti ako habang nilalagay ang libro sa bag ko. "Papasok ako, Alpha. Kailangan kong pumasok." Sabi ko sinarado at isinuot ang bag ko.

"Pero... pero paano kung makita mo na naman sila?" Natigilan ako sa sinabi ni Alpha. Napahinga ako ng malalim at ngumiti ng mapait.

Tinignan ko siya, "Hayaan mo muna sila, depende nalang kung masasaktan na naman ang puso ko sa makikita ko mamaya." Ngiting sabi ko sakanya.

Walang nagawa si Alpha kaya pumayag din siyang pumasok ako sa school. Sa una ay ayaw talaga niya akong paalisin sa apartment ko, pero wala siyang nagawa. Choice ko daw iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Sunshine [ONE-SHOT]Where stories live. Discover now