Chapter 1 - Royalty

7 0 0
                                    


Chapter 1

Ang bansa ng Isle ay pinamumunuan ng tatlong pamilya. Nagsimula ito nang matagpuan ang bansa ng lalaking magkakaibigan na sina Bien Accord, Cyle Amity at Pors Armistice sa kanilang paglalayag. Ang tatlong magkakaibigan ay tinawag na 'The Royal Trio of Peace". Ito ay dahil sila rin ang nagdala ng kapayapaan kasabay ng pagtagpo at pagdating nila sa bansa. Simula noon, ang pamilya na ng mga Accord, Amity at Armistice ang namumuno sa bansang ito sa mga sumusunod pang termino at henerasyon.

Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit itinaguriang isa sa mga kakaibang bansa ang bansa ng Isle. Ito ay dahil kada simula ng bawat henerasyon, tatlo ang hinihirang na hari at tatlo rin naman ang reyna. Sa iisang grandeng palasyo lamang nakatira ang tatlong pamilya. Ngunit, may sari-sarili rin namang lugar ang bawat pamilya. Kaya naman, kahit nakatira sila sa iisang palasyo, bihira lamang magkita-kitaan ang mga anak ng mga hari at reyna. BUkod pa rito, sa bawat henerasyon, inaasahan ang bawat mag-asawa ng magbunga ng isang anak na lalaki na magmamana sa kanilang pangalan at ang susunod na mamumuno sa bansa ng Isle. Ang mga lalaki naman ay malayang mamili ng kanilang reyna.

Sa kasalukuyang termino, inaasahan na sa susunod na henerasyon, si Francis ang inaasahang mamumuno sa ngalan ng mga Amity samantalang si Leonel ang sa pamilya ng Armistice. Tanging ang pamilya Accord lamang ang hindi nagkaroon ng lalaking anak. Kaisa-isa lamang ang naging anak nina Camil at Car na si Hope. Hindi na sila makapaggawa ng isang anak pa dahil hindi nagtagal, ang haring Car ay nagkaroon ng sakit na cancer. Dahil dito, maagang namaalam ang asawa ni Camil. Kaya naman, inaasahan na ang nakababatang kapatid ni Car na si Mendo ang inaasahang magmamana ng posisyon bilang ikatlong hari ng bansa ng Isle sa susunod na termino.

Ngunit, taliwas ang gusto ni Camil. Gusto niyang manatili sa pamumuno ang kanyang dugo. Hinahangad niyang ang magmamana ng kanyang korona ay ang kanyang anak na si Hope.

~~~~~~~~~~TRI~~~~~~~~~~

Masaya ang araw ngayon para sa pamilyang Armistice dahil ikasampung taong kaarawan ng kanilang nakababatang anak na si Sarah. Dahil dito, napagdesisyunan ni Haring Angeli at Reyna Mariel na isantabi ang lahat ng kanilang trabaho upang ipagdiwang ang araw na ito kasama ang kanilang anak na sina Leonel at Sarah. Ang pamilya naman ng Amity at Accord ay nagbigay din ng kani-kanilang regalo para sa kaarawan ni Sarah. Ang pamilyang Amity ay nagbigay ng isang mamahaling barko na gagamitin ngayon ng pamilya upang mamasyal sa dagat. Samantala, ang pamilya naman ng Accord ay nagbigay ng isang kwintas na gawa sa pinakamamahaling dyamante.

Magtatagal ng dalawang araw ang pamamasyal ng pamilya Armistice sa dagat kaya naman marami ang kanilang inimpake para sa kanilang paglalayag. Bawat miyembro ay may kanya-kanyang baul na pinaglalagyan ng kanilang gamit. Nagpaalam na ang pamilya Armistice sa mga taong nakaabang sa kanila at sinimulan nang imaneho ni Haring Angeli ang barko.

~~~~~~~~~~TRI~~~~~~~~~~

Kinabukasan, isang malakas na bagyo ang dumaan. At dahil dito, labis na nag-alala ang Haring Rome, Reyna Acu at Reyna Camil. Umaasa sila na hindi magiging huli ang lahat at magiging ligtas ang buong pamilya.

"Harm" tawag ng Haring Rome sa mayordomo (butler) ng pamilya Amity "Send out people to search for the Armistice family. Give me updates on anything you'll find asap. We need to make sure that nothing bad happens to Armistice Family"

"Forgive me for intruding, King Rome. Pero I do not advise sending out people to search for the Armistice family right now. The storm is still heavy. There might be more casualties when more are set out to sea" pagmumungkahi ni Reyna Camil "While it is nice to provide rescue for the Armistice family immediately, kailangan pa rin natin siguruhin ang safety ng bawat citizen ng bansa ng Isle"

Sumang-ayon naman ang hari. Gusto niya talagang siguraduhin na magiging ligtas ang pamilya ng Armistice pero kasabay nun, gusto niya ring ligtas ang mga taong pinamumunuan niya.

"My king, will we still continue the search for the Armistice family?" tanong ni Harm.

"No, Harm. Just give me updates for now. Thank you for your service. You're dismissed" pagpapaalam ng hari sa kanilang mayordomo.

"Mon" tawag naman ng Reyna Camil sa mayordomo ng pamilya Accord "make sure that every citizen of Isle is safe. Ok?"

Tumango naman si Mon at saka umalis na. Kasabay naman nun, pumasok naman ang mayordomo ng pamilya Armistice na si Ny.

"Ny, what brings you here?" tanong ni Reyna Acu

Yumuko naman si Ny upang magbigay galang sa mga reyna at hari.

"Your highnesses, news just came from our meteorologists. It is expected that the storm will get heavier in the next six hours" nababagabag na sinabi ni Ny.

Mukhang mas lalong nag-alala naman ang mga reyna at hari. Hindi na nila alam ang kanilang gagawin upang saklolohan. Ang tanging magagawa na lamang nila ngayon ay ang maghintay na tumila ang ulan at magdasal na magiging ligtas ang pamilya ng Armistice.

"Also, some Armistice supporters have gone out to sea. They said that something had to be done to rescue King Angeli and Queen Mariel. The seamen tried to prevent them but they were just too stubborn" dagdag pa ni Ny.

"Stop them immediately! We cannot risk anymore lives" utos ng hari kay Ny

Yumuko naman si Ny at dali-daling umalis. Samantala, ang mga reyna at hari ay nananatiling nababagabag sa mga pangyayari. Maya-maya, isang balita ang nagmula kay Harm na may iba pa ring mga tao ang nagmatigas at nagpatuloy sa paglalayag sa dagat. May ilang napigilan ngunit may ibang nagpumilit.

~~~~~~~~~~TRI~~~~~~~~~~

Kinabukasan, tumila na ang ulan at kanina pa nagsimulang maglayag ang mga pinadala ng hari ang sasaklolo sa pamily ng Armistice. Tatlong oras na ang nakalipas mula nung naglayag ang mga sasaklolo sa mga Armistice ngunit wala pa ring nahahanap.

Limang oras pa ang lumipas at isang malaking balita ang natanggap ng mga reyna at hari. Nahanap na ang walang malay na si Reyna Mariel na nasa ibabaw ng isang sirang kahoy na malamang ay nanggaling sa barko. 

The Royal IsleWhere stories live. Discover now