Slurpee Love Story

164 5 9
                                    

Part 1

May kagandahan ang panahon ng hapong iyon kaya imbes na diretsong uwi si Lisa ay naisipan niyang puntahan ang bagong bukas na establisyemento sa kanilang lugar, ang 7Eleven.

May kalayuan ito sa kaniyang paaralan pero hindi niya ito inalintana, dati pa kasi itong pinaguusapan ng mga kamag-aral niya. Na yung lugar na dapat ay tambayan lang daw ay  tila restaurant kung ituring mga taga doon.


Hindi niya ito maintindihan dahil ni siya man ay hindi pa nakapunta doon. Hindi naman kasi siya nalabas ng bahay, at hindi pa siya nakakaluwas mula probinsya. Wala rin 7Eleven sa lugar nila. Ngayon pa nga lang siya makakapasok eh. Dahil sa maglilimang buwan nang bukas ang 7Eleven sa lugar nila ay ginagawa itong restaurant ng mga tao. Blockbuster dahil pinagpipilahan kahit katabi lamang ang McDo.

Pumasok siya sa loob na di alam kung anong bibilhin. Isang inumin nga lang ata alam niya sa 7Eleven eh. Narinig lang din niya. Walang iba kundi ang slurpee. Diretso siya sa counter para umorder nito.

Mabait naman siyang nagorder pero naiyamot ang cashier at tinuro si Lisa dun sa mga machine. Di rin nito tinanggap ang bayad ni Lisa. Who the eff walks up to the cashier to order slurpee, wala si Lisa lang. Si Lisa na walang muwang na self-service ang 7Eleven.

Good thing may mangilan-ngilan pang pumipila para kumuha ng Gulp at Slurpee nila. Nakipila rin si Lisa at inilabas ang phone para lang pindot-pindutin lamang dahil wala naman talaga siyang kausap. May social anxiety lang siya but aren't we all?

At dahil busy si Lisa sa pagpindot-pindot nung turn na niya, di niya alam kung paano kukuha. Hihilahin ba yung leber pataas, pababa. Hindi niya siya nakatingin if pano kumuha yung mga nauna sa kanya para sana may magaya nang biglang.

"Excuse me, ako na nga mauna. Tagal mo.", at inungusan siya ng babaeng nagmamay-ari ng mala-anghel na boses na iyon. Base sa uniporme nitong suot ay kapareho sila ng paaralang pinapasukan. Wait... transferee?

Tinarayan man siya ng babae ay natutuwa pa rin siya sa pagdating nito. Dahil may gagayahan na siya.

Kumuha siya ng baso sa kinuhanan ng babae. Sinundan niya rin ito pagkuha ng yelo at--- "Ginagaya mo ba ako? Nang-aasar ka ba?" lingon nito sakanya.

"Hindi ah, magkasunod lang kaya tayo. OA mo naman Miss."

"Ows, talaga. Mauna ka na ngang kumuha"

"Hehehe", at nilagyan ni Lisa ng slurpee ang baso niyang may yelo.

"Hahahahahahahaha", tawang malutong ng babae sa kanya. "Alam ko na hahaha, wait... First time mo ba dito?", obyus na tanong ng babae sa kanya dahil kung hindi niya first time dito at naglagay siya ng yelo sa slurpee niya eh ibang level na yon hahaha. .

Mahinang napakamot si Lisa ng kanyang ulo at marahang tumango-tango.

"Hays ano pa nga ba. Ako nga pala si Chaeng.", sabay abot ng kamay nito kay Lisa. "I'll educate you na lang hahaha. Ganito kasi yan. Take it from the expert. Ang slurpee yan yung hawak mo ngayon. And hindi na yan ginagamitan ng yelo hahaha, well depende sa saltik mo pero usually wala na obyus naman na malamig na agad diba?"

Tango-tango lang si Lisa kay Chaeng.

"Eto namang hawak ko is Gulp, nilalagyan talaga siya ng yelo. And pwede mong paghalu-haluin lahat ng drinks sa gulp, pero yung lipton lang talaga yung habol ko so lipton lang kukunin ko.", sabay nito ininuman ang punong baso at nung mangalahati ay nilagyan ulit.

"Chaeng, bat mo nilagyan ulit. Mahuli ka nga babayaran mo yan."

"Whaaat? Pft. Gurl, the one you witnessed right there is what is called 'the 7Eleven culture' bagito ka pa lang kaya di mo alam yun."

And nagbayad na sila. Everything went well after that. Naging close sila and naging eating buddies sila sa 7Eleven. Lisa is happy getting her daily dose of brain freeze, yung hindi niya lang inexpect is mas napapasaya na pala siya ni Chaeyoung kesa sa paborito niyang drink.

Pero Lisa will be Lisa.

Lumalim ng lumalim at lumalim yung pagkacrush ng bata sa unnie niya.

There came a point na halos manikip na ang bahay nila sa dami ng santong tinatawag ni Lisa para maging successful yung balak niyang umamin.

And the day came.

"Chae, may gusto sana akong ibigay sa'yo", sabay kuha ng pink envelope sa bag niya.

"Lisa, sorry talaga ah. Ang busy ko ngayon eh, mamaya na lang yan pwede ba. Mallate na ako sa practice eh", at nagmamadaling umakyat ng entablado si Chaeng para magpractise ng isasayaw nila.

Naupo naman si Lisa para panoodin na lamang siyang sumayaw habang hawak pa din yung envelope. Hihintayin na lang niya si Chaeng para sabay na silang magpapa7Eleven muna bago umuwi.

But to no avail. Anong oras na natapos ang practice nila Chaeng.

"May ibibigay ka diba? Akin na"

"Pwede bang pa7Eleven muna tayo, bago ko ibigay sayo? May kinalaman kasi yun dito eh..."

"Ano ba Lisa. Pagod yung tao eh, Malalaman ko pa din naman yan pag nabasa ko yan eh, daming arte."

"Sorry... ", at lumambot naman ang expression ni Chaeng nung makitang nasaktan ito.

"Sorry din. Pagod lang talaga ako. Uwi na tayo?", and she totally forgot about the thig that Lisa is to give her.

Dumating ang bukas at hinintay pa rin ni Lisa si Chaeng pero nanatili lang sa bag ni Lisa ang envelope. Hindi kasi siya makatiming na mabigay ito. At gusto niya sanang dun niya mismo sa 7Eleven ipapabasa kay Chaeng. Pero hindi siya makabwelo.
"Pagkatapos na lang ng contest nila Rosè, makakapag7Eleven na ulit kami"

Nanalo sila Chaeng at nandun pa rin si Lisa para suportahan siya. Pero right after the event ay lumabas si Chaeng at ang new found friend niya kunong si Chanyeol.

Ayos lang naman kay Lisa eh. Kaso each and everyday na lumilipas mas napapalayo ang loob nila ni Chae sa isa't isa. Di na rin sila nakagala dahil madalas. Si Chanyeol na ang kasama nito.

Finnish na, ani Lisa.

And where do broken hearts go? Edi sa 7Eleven. At least si Lisa. Ginawa niyang alak ang slurpee. Masakit pa rin naman sa ulo pag nabrainfreeze eh. Broken ang bata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Slurpee Love Story (ChaeLisa Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon