Pa-fall.
Paasa.
Yan sana ang mga katagang gusto kong sabihin sa kanya
Pero kasi naman eh..
Sinabihan nya ako ng "I love you"
Lininaw pa nga nya eh,
"I love you, gusto kitang maging boyfriend."
Ganito pala feeling ng nasabihan ng I love you ng taong mahal mo no?
At kung iisipin sobrang di mo sya mareach dahil isang kung sino ka lang na di katulad nya na sikat.
Sana pala nag isip muna ako ng mahabang panahon nang sinabi nya iyon
Hay Aeron,ang tanga mo talaga! uto-uto!
"WTH!! SINABI KO BANG PAKIELAMAN MO TONG MGA GAMIT KO HA!?" sigaw ni Aeron sa kapatid "PAKIELAMERA"
"Hahahahahaha gosh kuya! Ang gaaay mo bleeeh" sabi ng kanyang kapatid na si Exah at kumaripos ito ng takbo pababa ng hagdanan
Tinitigan ni Aeron ang diary nya noon,
Ang bakla nga naman kalalaki nyang tao ay nagde-daily diary sya
wala kasi masyadong kaibigan si Aeron noong nasa hayskul sya kaya't sa isang diary nya naisulat ang mga bagay bagay na nangyari sa buhay nya
Ngunit kung sya ay tatanungin ayaw na nya,
ayaw na ayaw nya na balikan ang mga yun kaya't kanyang tinapon ang kanyang "2013 Diary" limang taon na nga naman ang nakalipas, bakit pa nga ba nya kakailanganin yun? Eh puro kahihiyan at katangahan ang pinaggawa nya noon?
"Bakit ngayon ko nga lang ba iyo naisipan itapon?" tanong nya sa kanyang sarili.
Napayuko si Aeron nang may nakitang litrato sa tabi ng basurahan.
Ah, si tutut. Ayaw nya na pangalanan, ewan bitter pa rin ata sya.
Pero tutut na lang daw muna icodename sa kanya sabi ni Aeron.
Matagal tagal na rin ng nakita nya ang muka ng babaeng iyon, may nakaipit pa pala sa diary nya, ang galing, ang galing galing manadya ng tadhana.
binalewala nya ang litratong iyon at lumabas na ng kwarto
........
Bumalik sya
Sa basurahan.. haha
Kinuha nya yung picture
Sayang nga naman ang pagkakadevelop nito kung di nya ito itatago diba!?
So ayun
Kinuha nya
tinago, ibinulsa
Oo eh, namiss nya
Dyan naman tayo mahilig at mahusay
Sa pagpapakatanga.
Magaling Aeron, idol hart hart ♥♥
Pero mahal mo talaga eh,
kahit na sinaktan ka
kahit na niloko ka
kahit pinagtripan ka lang
pampalipas oras
at pinusta ka lang
Mahal mo pa rin.
Ewan,
Bakit nga kasi ganyan noh?
Nakakabwisit.
Nakakaleche.
Nakakatanga.
Mapapahiling ka na sana..
Sana..
Sana wala na to bukas.
Eh matindi siya, five years si tutut pa rin!
"Hay aeron, nag iba man ang itsura mo pero ang pagpapakatanga mo di ka pa rin iniwan"
reklamo nya sa kanyang sarili.
hay love, nakakafrustrate ka.
Nakakainis.
BINABASA MO ANG
Potential Love Story
Любовные романыpaano mo ba talaga malalaman kung mahal ka niya? paano nga ba? malalaman mo ba yun sa mata? anong itsura ba ng mata kapag inlove? kilos? anong kinikilos ng taong inlove? papaano pag acting lang lahat? papasakayin ka oo ka naman. papaano pag pinlano...