the past

10 0 0
                                    

chapter four

Nandito na ko sa bahay ng asawa ko. After naming umalis kanina sa hospital dumiretso na kami sa opisina ni judge Remualdez. Don ko lang nalaman na napaghandaan na ang nangyaring kasalan. Dahil pagdating namin don kami pa ang hinihintay ng judge o di ba special. Ganon nga siguro kapag may kuneksyon ang tao samahan pa ng salapi.

After ng kasal umuwi na kami dito sa bahay niya. Sa kanya kc hindi ito yung bahay ng magulang niya. Kasama naming umuwi dito yung mga bisita niya. Oo bisita niya lang kc wala akong ibang kilala don kundi ang kanyang secretary lang.

Nandon sila sa baba ano pang inaasahan mo kapag ang mga lalaki nagsamasama. Eh di ano pa,kundi inuman. Mas pabor yun sakin dahil alam kung matatagalan pa sila sa baba at matatagalan pa para magkaharap kami ng taong iyon.

Hindi ko siya itinuturing na asawa. Ginamitan niya ko ng blackmail upang mapasunod ako sa mga gusto niya. Hindi ko rin naman pinagsisisihan ang disesyon ko para din naman sa kuya ko yun eh!

Andito na ko sa terrace ng kwarto  niya. Dito ako tinuro ni nanay Meding,siya yung kasambahay dito. Nung makita niya ako kanina,nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata. Sino nga namang magiisip na ang taong tinulungan mong lumayo sa demonyo ay makikita mong kasama nito at higit sa lahat isa ng asawa.

flashback..

Nagtitiklop ako ng mga tuyo naming linabhan ng marinig ko ang humahangos na katok ni nanay Meding.

"carmen...carmen.... asan ka ba?"patuloy pa rin ito sa pagkalampag ng aming pinto.

"bakit ho nanay Meding"sabe ko sabay silip sa bintana. "sandali lang po at bubuksan ko ang pinto"

Nagmadli akong lumabas ng kwarto dahil baka importante ang pakay ni nanay Meding. Pagbukas ko ay nakita kong humihingal pa ito sa sobrang pagmamadali.

"bakit po nay Meding?may nangyari po ba kay tatay Anton?"

"walang nangyari sa tatay Anton mo ineng"habol ang hiningang paliwanag nito "asan ba ang nanay mo at ako'y may kailangang sabihin sa kanya"tanong nito.

"nasa palayan po naghatid ng pagkain nina kuya at tatay may patanim po kami ngayon,pasok po muna kayo maya-maya lang po nandito na yun "

"ay ganon ba o sige ako'y paupuin mo at sobrang mahalaga itong sasabihin ko sayong ina." nay Meding

"sige po pasok po kayo,saglit lang po at maghahanda ako ng pagkain"

Naghanda ako ng pagkain para kay nanay Meding at dinala ko ito kung saan ko siya iniwan kanina.

"kain po muna kayo"

"salamat ineng,akoy may itatanong sayo pwede ba?"tanong nito.

"oho ano po ba yun?"

"nanligaw ba sayo ang bagong salta na anak ni mayor Salazar ha ineng"nay Meding.

"po bakit niyo po naitanong?"

Hindi pa ito nakakasagot ay dumating na ang kanyang ina.

"oh tiyang Meding bakit po kayo napasugod"nanay Carmin

"ay buti at dumating kana,akoy may sasabihin sayo na importante tungkol dito sa dalaga mo."sabi nito sa nanay ko.

Kinabahan ako sa narinig,wala naman akong ginawa upang puntahan nito ang aking ina ng tanghaling tapat. Bumaling ang tingin nito sa akin

"iha ang anak ba ni mayor ay binasted mo ha?"nay Meding

"po"

"kc akoy pumunta sa munisipyo kanina upang kumuha ng padala ng aking anak, napadaan ako sa bahay nina mayor at narinig kong naguusap ang mag-ama at sabi ng anak ni mayor na hindi nga raw siya papayag na mapunta ka sa iba na sinangayunan ni mayor."nay Meding

In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon