WITH YOUR SMILE ♥
~~~~~
Alam mo bang nung nakita kitang ngumiti ay nagkagusto nako sayo?
Alam mo bang nung narinig ko ang malamusika mong tawa ay tuluyan nang nahulog ang loob ko sayo?
Alam mo ba na sa tuwing makikita kita o makakasalubong ay nagkakaroon ng mga paru-paro sa tiyan ko?
Nung highschool pa ako ganito sayo, yung lihim na kinikilig sa tuwing nanjan ka.. at lihim na umaasa na sana ay mapansin mo rin ako.
At ngayon pareho na tayong nasa college. Third year HRM student ka at ako naman ay second year Engineering student.
Sa lawak nang school naten ay naiikot ko nang ilang beses sa isang oras na vacant ko makita ka lang at makumpleto lang ang araw ko.*Nahuli pa nga ako ng mga kaklase ko na sumisilip-silip mula sa kabilang room tuwing tuesday at thursday ng first subject eh. Kasi alam ko na andun ka. Pagkatapos naman agad-agad akong lalabas ng room namin kahit hindi pa nagpapaalam sa teacher namin, makasabay ka lang lumabas ng building. At nung nasa may first floor na, diko maiwasang malungkot.
"Haynako, nakasimangot ka nanaman jan. Lika na nga kaen na lang tayo babes!", sabi nang kaibigan ko na kaklase ko rin. Alam niya lahat ng nararamdaman ko para SAYO.
Nung nasa canteen na kami, nandun din kayong magbabarkada. Close ko nga yung mga kaibigan mo eh. Nakakatext at nakakausap ko sila. IKAW nga lang ang hindi eh.
Ang ganda ng kwentuhan niyo at nagtatawanan pa kayo. Ang cute mo talaga, lalo na ngayon at nakangiti ka lumalabas tuloy yung mga dimples mo. Mas nahuhulog tuloy ako.
"Uy Yuni! Blooming ka ngayon ah!" kantyaw sakin ni Kuya Drei, isa sa mga kabarkada niya.
"Eh pano ho inlove!"
Bigla namang uminit yung mukha ko nung marinig ko yung sinabi ni Ate Kaye, ang bestfriend NIYA. Napayuko na lang ako dahil sa hiya dahil alam kong nangangamatis nanaman ako, at dahil don nagtawanan ulit sila.
Nang iangat ko ang ulo ko, napatingin ako sayo. Hindi ka nakatingin sakin at hindi ka na rin nakikitawa sakanila, kundi ay kumakain ka na lang. Ganun na lang yun. Parang wala siyang narinig. Wala naman talaga siyang pakialam sakin ah. Eh sino ba naman kasi ako sakanya? Eh baka nga kanina niya lang nalaman yung pangalan ko eh. At baka wala pang isang oras e limot niya na yun agad. Aw. Ansakit naman nun.
~
"Ate Kaye, anong gusto niya sa isang babae?", Tanong ko kay Ate Kaye isang araw.
"Hum, ewan ko eh. Diko pa naman siya narinig na pumuri ng ibang babae maliban saming mga kaibigan niya eh."
"Pero sa tingin mo ate? May nagugustuhan na kaya siyang iba?"
"Haha. Siguro. Haynako. Umamin ka na kasi. Suportado ka naming lahat noh."
Sana nga ganun kadali yun. Kaso ang hirap eh. Meron pa nga yung kapag makakasalubong kita at mag-isa ka lang, nkasimangot ka. Yung parang sobrang badtrip kana at dina maipinta yang mukha mo? Gustong-gusto kitang lapitan at kausapin, tanungin kung anong problema at kung okay ka lang ba. Hindi mo alam kung gaano kahirap pigilan ang sarili ko para hindi gawin yun kasi nga baka mainis ka sakin at dedmahin mo lang ako. Suplado ka pa naman.
Tapos uwian nun, naghihintay ako ng masasakyan na tricycle nang makita kitang naglalakad papunta sa direksyon ko. Grabe yung lakas ng tibok ng puso ko. Pero nung makita mo ako at nagtama ang mga tingin natin, sumimangot ka at tumigil ka agad. Pagkatapos ay agad kang sumakay dun da tricycle na dumaan kahit puno na. Ganun mo ba talaga ako kaayaw? Na hindi mo matagalan ang presensya ko kahit meron naman tayong ilang metro na distAnsya sa isat-isa?