Kabanata 5

3.8K 95 2
                                    

'Pakasalan mo ko'

Umismid ako ng maalala ang sinabi ni Khalid kanina.

Sira-ulo talaga ang isang iyon!

Sya? Pakasalan ko? Ba't ko naman sya papakasalan!?

Napatingin ako sa sing sing na isinuot nya saken.


'Yun na ba ang proposal nya?'

Kung ganon engaged na kami!?

O__O

Magfiancee na kami!?

O_O

Teka! Wala pa nga kaming isang buwan na magkakilala--KASAL AGAD!

At isa pa, hindi naman ako nag 'Yes' ah?

'Diba dapat dadaan muna kami sa boyfriend-girlfriend thingy?'

O_O

Eh?

'Ano ba kreisha!? Pangalan lang nya ang alam mo pero di mo sya kilala!'

Tumingin ako sa paligid. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng Khalid na yun pero kung idedescribe ko para itong detention room. Nakaupo ako ngayon sa isang upuan at feeling ko para akong naoffice.

Kanina sa sasakyan inaabangan ko kung babawiin nya ba ang sinabi nya o may kasunod bang 'joke lang' yung sinabi nya pero nakarating na kami't lahat dito sa bahay nya--este sa mansyon pero wala!

Oo! Nasa mansyon niya ako at kung bakit ako nandito? I have no idea.

d>>_<<b

Nakakainis talaga ang isang yun! Dinala ako dito tapos bigla ako'ng iniwan!

Abala ako sa pagiisip ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa non ang isang--matanda?

o_O

Na sa tingin ko ay nasa mga 70 na ang edad.

Kahit medyo naguguluhan pa ko sa mga nangyayare ay tumayo pa rin ako at tumango bilang paggalang.

Nginitian naman nya ako. "Hahaha! Upo ka, upo ka" utos nya at sinunod ko naman.

o_O

'Anong nakakatawa?'

Umupo sya sa isang swivel chair at pinagsalikop ang dalawang kamay sa lamesa.

Hindi na ko nagpaligoy ligoy pa. "Magandang gabi po" bati ko muna. "Sino po kayo?" agad kong tanong.

Wala na kong pakealam kung medyo bastos ako o ano. Hindi na kase ako makapagantay na malaman kung ano bang ginagawa ko dito at kung sino ba ang taong nasa harap ko.

"Hahaha!" tawa na naman nya.

Kumunot ang noo ko.

Isa pa'ng tawa ng matandang to iisipin ko ng nababaliw to!

-.-

"Si Khalid.." panimula nya. "Nabalitaan ko ang nangyare sa kanya" dugtong nito. "Ilang araw syang nawala at nalaman kong ikaw ang tumulong sa kanya" sabi nya at nginitian ako. "Salamat"

Ahhh, siguro ang tinutukoy nya ay yung nangyareng pagbugbog kay Khalid at yung ginawa kong pagtulong dito.

'Halos isa'ng linggo na ang lumipas ah..Masyado nama'ng late update itong si Tanda'

Ngumiti din ako pabalik. "Hehe maliit na bagay--este wala po yun. Kahit naman po sino gagawin din ang ginawa ko"

Tumango sya. "Pwede mo bang ikuwento saken ang nangyare?" tanong nya.

My Heartless Husband (On Going)Where stories live. Discover now