Talia POV.
Gabi na pero hindi parin ako makatulog, kahit anong position hindi parin talaga ako makatulog. Napatingin ako sa kaliwa ko, buti pa itong katabi ko tulog na. Napagod siguro kanina, pati ako napagod pero hindi ako inaantok.
Dahan dahan ako bumangon ako at lumabas ng tent. Naramdaman ko naman ang lamig ng paligid buti nalang naka jacket ako. Buti nalang hindi madilim ang paligid dahil may nakalagay na ilaw sa bawat puno na nakapalibot dito.Nakarinig naman ako ng ingay sa di kalayuan sa pwesto ko. Di ko masyado makita kasi medyo may kadilim ang parte na'yon. Lumapit ako dito nakarinig ako ng yapak ng paa papalayo ito sa pwesto ko.
"Sino yan?!" Sigaw ko dito. Lumapit pa ako, di kona kita ang dinaanan ko kasi nga madilim. Gusto ko tumakbo nalang palayo dahil natatakot na ako pero may pumipigil sa'kin.
"Lumabas ka dyan! Magpakita ka sa--- aaaahhhhhhh!!" Sigaw ko dahil muntik na'ko mahulog sa may bangin ng may humawak sa kamay ko."Kumapit ka ng mabuti, miss!" Kumapit ako ng mabuti sa kamay niya at hinila ako pataas.
"Ayos kalang miss?" Imbis na sagutin ang tanong niya tiningnan ko lang siya pero di ko makita mukha niya dahil sobrang dilim ng parte na'to."Sino ka? Magpakilala ka sa'kin?" Pagsusungit ko, malay ko ba kung sino to.
"Ayos ah, imbis na magpasalamat ka, sinusungitan mo pa ako." Natatawa siya habang sinasabi niya yon.
"Taliaaaa!! Nasa'n ka?" Napatingin ako sa may sumigaw. Pagtingin ko pabalik sa stranghero nagligtas sa'kin.
"Salamat pala, teka hoy nandyan ka paba?" Di ko kasi talaga makita ang paligid.Tumayo ako sa pagkakaupo ng maramdaman ko ang kirot sa tuhod at siko. 'nagkasugat pa yata ako' naglakad akong paika ika, hanggang makita ko ang ilaw at sa di kalayuan nakita ko si Clark, tawag ng tawag sa pangalan ko. Naglakad ako papalapit sa kanya na parang walang nangyari agad niya naman ako napansin at nilapitan ako na alalang alala.
Hinawakan niya ako sa balikat.
"Saan ka ba nanggaling ha! Alam mo bang nag alala ako!" Sinigawan niya 'ko. Gusto ko siya sapakin para maramdaman ko rin kung paano mag alala na sinasabi niya. Pagkatapos kasi namin maligo kanina di na naman niya ako pinansin na parang walang nangyari tapos ngayon concern siya sa'kin. Umiwas ako ng tingin pero nanigas ako ng yakapin niya ako.
"Sasusunod kung aalis ka sabihan mo ko, naintindihan mo?" Mahinahon but full of authority. Napatango nalang ako para wala na siya sasabihin pa.
"Tara na matulog na tayo" hinawakan niya ang siko ko kaya napa daing ako at narinig naman niya yon.
"Anong nangyari dyan?" I rolled my eyes dahil sobrang OA niya kunting sugat lang naman yan.
"Oh, may sugat pa sa tuhod.""Nadapa lang ako ng pabalik dito, wag ka ngang oa" nauna ako maglakad na paika ika naramdaman ko na kasi ang kirot.
"Hoy!! Ibaba moko Clark, Isa ibaba moko!" Binuhat niya ko na pangkasal, ganon."Tumahimik ka pwede, natutulog na sila!" Suway niya sa'kin.
"Tsaka kailangan natin gamutin yang sugat mo" pinaupo niya ako sa may puno na may bench may upuan kasi dito. Bumalik siya sa tent at nagkuha ng gamot, may dala siya. May pagka Boy scout din pala.Sinimulan niya gamutin ang sugat ko sa siko. Habang ginagamot niya yon, panay naman ang sermon niya sa'kin. Kesyo kung saan ako pumupunta kahit gabi na, hindi daw ako nag iingat atbp. Sinimulan naman niya ang tuhod ko di naman nag tagal natapos niya din.
"Tapos na yan, matulog na tayo" tatayo na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya.
" Clark, pwede ba tayo mag usap?" Gusto ko siya kausapin para malaman ko kung bakit niya ginagawa sa'kin to. Bakit niya ko pinahihirapan. Bakit niya ko iniiwasan.
"Bukas nalang Talia malalim na ang gabi, matulog na tayo." Naglakad siya pabalik sa tent pero bago yon binato ko siya ng sapatos ko, natamaan naman siya sa ulo. Buti nga sayo!
Napahinto siya, napahawak sa ulo at lumingon sa'kin."Para saan yon?!" Di ako sumagot at lumapit sa kanya. Agad ko siya sinampal ng pagkalakas para magising siya at marealize niya ang mga ginawa niya sa'kin.
"Bakit moko sinampal?" Nag tanong ka pang gago ka."Bakit, di ba pwedeng sampalin Kita?!" Sigaw ko sa kanya.
"Pero bakit?!" Di niya ba talaga alam? O nagmamaang maangan lang siya.
"Limang araw di ka pumasok, Alam mo bang nagalala ako! Wala akong idea kong anong nangyari sayo. Akala ko noong maospital ako makikita kita pero Wala Hindi ka pumunta para bisitahin ako. Akala ko noong pumasok ka makakausap na Kita ng maayos at marinig ko ang paliwanag mo pero iniiwasan moko! H-hindi ko alam kong anong nagawa ko para ganituhin moko. Bakit?bakit ka ganyan Clark?" Hindi ko napigilan tumulo ang luha ko kaya napayuko nalang ako. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa balikat ko. Napatingin ako sa kanya habang puno ng luha ang mata ko.
"Alam ko nasaktan rin kita pero di ko naman inisip na ga----" hinalikan niya ko, mabilis kaya medyo nagulat ako pero pinikit ko nalang ang mga mata ko at dinama ang mainit naming mga halik.Alam ko na ngayon, kung bakit ako apektado sa pag iwas niya sa'kin, kung bakit nasasaktan ako. Dahil sa oras na'to, masasabi ko.
Mahal ko na ang lalaki kasama ko ngayon.******************
Pauwi na kami ngayon dahil bukas pasukan na naman. Magkatabi kami ni Clark, nasa likod parin kami naka pwesto pero di tulad ng papunta kami dito walang imikan ngayon kasi magka holding hands kami ngayon at nakasandal ako sa balikat niya. Sobrang saya ko kung alam niyo lang. Totoo pala sabi nila, iba talaga pag inlove parang lahat ng nakapaligid sayo masaya lang.
"Bakit ka nakangiti?" Napatikom ang bibig ko ng magsalita siya.
"Wala naman" I bite my lips dahil nakakahiya, nakita niya pa.
Actually guy's okay na kami ni Clark he explained everything kagabi pagkatapos ng... Alam niyo na hehehe.
Kaya daw siya umiiwas sa'kin dahil may tinatapos siyang activity dahil ilang araw siya absent kaya lang Di niya alam pa'no ako kakausapin kaya tumagal ng ganon ang pag iwas niya sa'kin."Matulog kana muna dyan, malayo pa byahe natin" tumango ako at pinikit ang mga mata.
Naramdaman ko tinapik niya ang balikat ko. Hapon na pala ng makarating kami sa harap ng bahay ko.
"Susunduin kita dito bukas " Sabi niya at tumango ako bago siya umalis hinalikan niya ako sa pisngi. Nag paalam naman ako sa kanila lahat at pumasok sa gate. Nagtaka naman ako bakit bukas ito.
"Hmmmm hmmmm!!" Palinga-linga ako sa paligid dahil parang may umuungol. Narinig ko ulit at parang sa guard house nanggaling, nilapitan ko ito, laking gulat ko ng makita si manong guard naka gapos at may takip ang bibig.
"Nako po! Anong nangyari manong guard!" Sigaw ko habang tinatanggal ang tali sa kanya.
"Miss Talia, Ang mommy mo!" Si mommy, agad ako tumakbo sa loob ng bahay. Nagulat ako sa sobrang kalat ng bahay lahat ng gamit nakakalat ang sofa sira sira. Pumunta ako sa may kitchen dahil sa ungol na narinig ko naman. Nakita ko ang limang Yaya namin at si manang minda. Tinulungan ko sila tanggalin ang nakatali sa kanila.
"Miss Talia! Buti dumating ka!"
"Manang Anong nangyari dito? Nasaan si mommy?" Nag alala ako.
"May kumuha sa kanya mga armadong lalaki, hindi ko sila nakilala dahil naka maskara sila."
"Ano po?!" Di ako maka paniwala. Tumakbo ako sa taas at tiningnan ko ang kwarto nila katulad sa sala nakakalat din ang gamit. Pero parang wala namang nawala sa gamit dito.
Tiningnan ko din ang kwarto ko pero dito ako nagulat dahil lahat nakakalat closet at cabinet ko nakatumba mga damit. Lahat kalat! Ano bang ginawa nila sa bahay namin. Para silang may hinahanap dito.Napaupo ako dahil sa galit at nanghihina ang tuhod ko. Ang mommy ko saan nila dinala!
Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Daddy pero di siya ma contact.
Anong gagawin mo Talia, magisip ka!
Si Clark! Tama tatawagan ko si Clark.Sinagot niya naman agad ang tawag.
"Hello? Bakit ka napatawag, namiss moko?" Di ko alam pero umiyak ako ng marinig ko ang boses niya.
"Clark! S-si mommy!" Napahagulhol nalang ako dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ngayon.
Narinig ko pa ang boses niya sa kabilang linya hanggang mapatay ang tawag.Nasaan ka ba mommy?
End.
Chapter Sixteen.
YOU ARE READING
My Mr. Playboy Secret (Complete)
ActionDalawang taong nagkalapit ng hindi inaasahan ang Mr. Playboy at Ang babaeng transferee. Paano kaya kung malaman ni girl na ang isang Playboy ay may malaking sekrito. Abangan...