6

388 11 0
                                    

"Aly!" tawag saken nung kung sino.

Pauwi na kase ako dahil tapos na naman ang lahat ng klase ko kaya mag papahinga na muna ako sa condo ko.


Nag patuloy ako sa aking paglalakad dito sa hallway ng school at hindi nilingon kung sino man ang tumawag sa akin.



Bigla akong napatigil ng may tumama na kung ano sa braso ko.


"Aray" inpit na sabi ko at tinignan kung sino bang namato na yon.



"Ano? Kung hindi pa kita binato ng libro hindi ka titingin saken ha!"



Dennise? Ano na naman kaya kailangan nito at tinatawag ako at ang Dennise naka cross arm pa at tinarayan na naman ako .




"Baket na naman ba?" tanong ko dito pagkatapos kung pulutin yung libro na ibinato nya saken at tsaka lumapit sa kanya para maibigay ito sa kanya.



"Kanina pa kita tinatawag pero patay malisya ka lang" sabi nito at hinampas pa ako sa braso.



"Dennise masakit" inda ko dito at hinawakan yung braso ko kung saan nya ako pinalo. Nakita ko naman na mukhang nag alala sya at nilapitan pa ako at hinimas yung braso ko.



"okay sorry na baby" malambing nya sabi saken .




"binato mo na nga ako ng libro tapos pinalo mo pa ako sa braso" paawang sabi ko kay Dennise 😂




"Sorry na nga . Ikaw kase, baket kase hindi mo pa ako pinansin edi sana hindi na kita nabato ng libro ko" malumanay na sabi nya at lumapit pa sya saken at tumiay para alisin ang pag kakalagay ng hoodie ko sa ulo ko.


"Dennise" sabi ko dito at inilagay ko ulit yung hoodie ko sa ulo ko.


"Ano ka ba! Wag mo nga ilagay yang hoodie na yan sa ulo mo Aly" at inalis nya ulit iyon sa ulo ko.



"eh ayoko ko nga . Baket ba?" tanong ko dito at inilagay yung hoodie.



"Baket ba kase lagi kang nakaganyan? Hindi nila makikita ang kagwapuhan ng baby ko . ano ka ba!" at tinanggal nya na naman ulit yon.



So ganon nalang ba ang gagawin namin ngayon dito? .




"Isa! Aly ha subukan mo talaga" banta nya saken ng subukan ko ulit ipatong yung hoodie sa ulo ko.




"Baket ba kase?!" irita kong sabi kay Dennise na ngayon ay nakangiti pa sa akin.



"Hindi nga kase makikita ng iba kung gaano kagwapo ang baby ko" nakangiting sabi nito at saglit pang yumakap saken.



At dahil nga nasa hallway kame ngayon may mga ibang nakakakita samen dito .




"Ang pogi naman pala ni mysterious guy e "



"Magkakilala sila?"




"Siguro"




"Ang cute nya bes"




"Bagay sila"




Iilan lang yan sa mga naririnig namin sa mga dumadaan na nakakakita samin ngayon.



"Tignan mo daming nagwa-gwapuhan sayo baby at bagay daw tayo oh" sabi naman nitong magandang dilag na nasa harapan ko.





"Baket mo ba ako tinatawag kanina?" tanong ko nalang dito.





AD HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon