''Chammy,mauna ka na sa cafeteria may aasikasuhin lang ako.
''Hah...o,sige! Sunod ka na lang...'' napipilitang sagot ko.
Pumunta na ako sa Cafeteria at pumwesto sa paborito naming table.Naka-order na kasi ako ng food.
''Hi,Chanel...pwede maki-share sa table...?'' -Dylan
Akala ko si Luke na...Ngumiti pa rin ako kay Dylan ''Sure!''
''Thanks! Si Luke nga pala...?'' -Dylan
''May aasikasuhin daw siya,eh...Ewan ko ano...''
''Ahh...ganoon ba? Pero,okay na rin 'yun atleast nagkaroon ako ng chance na makasama ka.Nahihiya kasi akong lumapit sa'yo pag nandyan si Luke...''
''Huh? Bakit naman...?'' takang-tanong ko.
''Ewan ko ha? Pero pakiramdam ko kay Luke,binabakuran ka niya?'' sagot ni Dylan
Napatawa ako.Masarap mang isipin,pero napakaimposible talaga. ''You're just imagining things...Best friend lang turing niyon sa'kin at ganoon din ako sa kanya.''
pabiro ko siyang hinampas sa braso.
''Nakakaistorbo ba 'ko sa inyo?''
Narinig ko 'yung pamilyar na boses ''Luke! Of course not!'' sagot ko.
Hindi pa rin nagbago 'yung galit na aura ni Luke.Bakit naman kaya?
''Tara,Pare,Join us...'' alok ni Dylan
''Of course! AKO naman talaga ang dapat na naririto at hindi ikaw!'' pabalang na sagot ni Luke kay Dylan.
Nanlaki yung mga mata ko sa gulat ''Luke!''
''Ahh...Chanel,it's okay.Mauuna na ako...'' -Dylan
''Dapat lang!'' sagot pa rin ni Luke.Saka umupo sa tabi ko.
''Chanel,pwede ka bang yayain sa Sunday labas tayo...kung wala kang lakad?'' sabi ni Dylan,hindi man lang nagpapatinag sa masasamang tingin ni Luke sa kanya
''Ahh---''
''May lakad kami sa Sunday kaya hindi siya pwede. 'Di ba,Cham...''
Siniko ako ni Luke. ''Hah...Ah...Oo!!! Sorry,Dylan baka next time na lang,okay lang ba...?'' apologetic na sabi ko.
''Okay...next time,maybe...'' sabi niya sabay ngiti sa'kin... ''Sige,alis na'ko,Chanel,Pare!''
''Tch.'' -Luke
-----BAKITBESTFRIENDKOPA?!!-----