Friday na ngayon,at hindi pa rin nagpaparamdam si Luke sa 'kin.Hindi rin siya pumasok ngayon.Ano bang nangyayari?
Pagkatapos ng klase,dumeretso ako sa bahay nina Luke.
''Oh,Chanel,ikaw pala.Si Luke,nandoon sa kwarto niya.'' -salubong sa akin ng ate ni Luke.
''Thanks,Ate Raina.'' umakyat na ako sa kwarto ni Luke.Kumatok muna ako bago ako pumasok. ''Luke,pwede ba tayong mag-usap...''
''Okay.Ano naman 'yon?'' malamig niyang sagot.
''Galit ka ba sa 'kin? Bakit? Wala naman akong ginawang masama ahh!'' sabi ko sa kanya.Pinigilan ko ang sarili kong mapaiyak.
''Wala?! Pinagmukha mo 'kong tanga Chanel! Nangako kang di ka na lalapit sa Dylan na 'yon!'' pagtataas niya ng boses.
''Napakababaw na dahilan,Luke.Bakit? Nagseselos ka ba?'' nagulat ako sa naitanong ko.Shit! Chanel! Bullshit!!!
Tumawa si Luke ng nakakaloko. ''Bakit naman ako magseselos...? Magkaibigan lang tayo.Kaibigan lang kita! Mas nasaktan pa nga ang ego ko Chanel! Alam mo ba 'yon?!''
Kaibigan ka lang! Parang nag-e-echo sa pandinig ko 'yung sinabi niya. ''Anong ibig mong sabihin...?''
''Anong ibig kong sabihin,hah??!'' nilapitan niya ako at hinawakan sa magkabilang braso nang mahigpit. ''Niyaya ako ng hambog na Dylan na 'yon ng pustahan...tungkol sa'yo! May galit siya sa akin kaya nagkaroon kami ng pustahan. Kapag naka-close ka niya.Magpapatalo ang team ko sa basketball.At kapag pumalpak naman siya,magpapatalo ang team niya! At pumayag ako sa pustahan na 'yon.Not knowing,na mas pipiliin mo pa pala siya kaysa sa 'kin!''
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.Kaya pala ganoon na lang ako kung palayuin ni Luke kay Dylan,dahil lang pala sa pustahan.Hindi dahil,ayaw niya akong masaktan dahil sa lalaki.Ego niya pa pala ang iniisip niya :'//
Tuluyan na akong napaiyak ''Great! Ang galing! Hindi ako makapaniwala na dahil sa galit niyo sa isat-isa nadamay pa ako! Sorry hah?'' sarcastic kong sabi ''akala ko kasi kapakanan ko yung iniisip mo! 'yun naman pala,sarili mo lang 'yung iniisip mo! You and you're stupid pride!''
Bintiwan niya 'yung mga braso ko. ''Chanel...I-im sorry...'' gulat na gulat 'yung hitsura niya plano niya pang punasan yung mga luha ko pero itinulak ko siya palayo ''Hindi 'yun yung ibig kong sabihin.Chanel,listen to me...''
''No!'' lumabas ako ng kwarto niya at mabilis na tumakbo palabas ng bahay nang umiiyak.Hindi ko na napansin si Ate Raina na nagtatanong kung bakit at maging si Luke na kanina pa ako tinatawag.
Grabe! Sobrang sakit na nito!
-----BAKITBESTFRIENDKOPA?!!-----