The Girl who wears a raincoat

226 4 5
                                    

Lumipas ang mga araw. Linggo.Buwan. Hanggang sa maging Taon.
Sa mga nagdaang taon. Marami na ang nagbago, tulad ng pamumuhay paguugali at  pati na rin mga paniniwala ng mga tao. Sigurado ako na ikakatutuwa ng kahit sino ang lahat ng ito. Dahil mas, madali, mas malahulugan at kapani-paniniwala na ang pamumuhay.

Sa tingin ko, naging masaya naman ako. Sa palagay ko?
Noong umaabot pa ang ngiti ko sa aking mga mata. Noong tumatawa pa ako na parang wala ng bukas. At higit sa lahat noong nagagawa ko pang umawit ng masaya para sa iba.
Nabuhayan ako ng loob noong malaman ko na pwede ko pa siyang makita ulit. Sa wakas, mayayakap ko siya. Mahahalikan. At maipaparamdam ko na sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Wala akong pakialam kung gaano ako katagal maghihintay. Kung hanggang kailan ako mangungulila. Kaya kahit wala akong ideya kung saan, kailan at paano.
Tinanggap ko.
Tinanggap ko ang kasunduang inalok sa akin ng diyos ng kamatayan.Dalamandaan at limampung taon ng nakakalipas.
...
Nandito ako ngayon sa rooftop ng isang building. Pinagmamasdan ko ang mga ilaw ng sasakyan sa ibaba. Nakakaaliw pala silang tingnan.
Siguro matutuwa siya kapag dinala ko siya rito.
Si Cess.
Lalong bumigat ang mabigat ko ng dinaramdam. Lalong sumakit ang puso kong matagal ng may sugat. At lalo lang sinampal sa akin ang katotohanan na matagal ng nasa aking harapan.
Wala na siya. Patay na siya. At hinding hindi na siya babalik pa kailanman. Upang punasan ang mga luha ko.
Kaya pinilit kong maging matatag. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako ulit iiyak pa ng dahil sa kaniya. Na kakalimutan ko na siya- si Cess. 
Tangina! Ang bading lang pakinggan.
Sa lahat ng mga pinangako ko. Wala akong natupad kahit isa.
Kaya naisipan ko na lang magpakamatay. Oo nga pala, magpapakamatay pala ako dito ngayon. Hindi upang magsightseeing at magflashback.
Pinikit ko na ang mga mata ko. Ihinakbang ko na ang isang paa ko. Kasunod ng isa ko pang paa.
Sa wakas nagawa kong tumalon. Hinihintay ko na lang na magkadurog- durog ang katawan ko.
Tanggap ko na. Masaya na ako na sa ganito matatapos ang buhay ko. Kung ito lang ang paraan para matapos na ang aking paghihirap.
Laking gulat ko na para akong nakalutang sa ere.Dahan- dahan kong minulat ang mga mata ko.
Syet!
Anong kamalignuhan ito?!
Ganito na ba ako kalayo ang isip ko sa realidad.
Tangina! Ano 'yun?
"Sa tingin mo ba, magiging masaya si Pauline kapag nalaman niyang nagpakamatay ka Lyric? Isa pa, malaking kasalanan ang gagawin mo sa mata ng diyos. Kaya maari kang mapunta  sa impyerno. Dahil ang diyos lang ang pwedeng kumuha ng buhay na hiniram mo sa kanya."
Natulala ako na makita sa harapan ko ang isang bata na may lollipop. Kinumpas niya ang kamay niya at bumaba na ang katawan ko sa lupa.
"S-sino ka?" Ngumiti siya sa akin.
"Ako si Boss. Ang diyos ng kamatayan." Lalong lumapad ang ngiti niya. Parang nagsabi siya ng isang joke.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Takot. Saya. Pagkamangha.Pag-asa?
Ang dami kong gusto itanong sa kanya.
"B-bakit?" Sa dami ng gusto kung sabihin. Iyan lang lumabas sa bibig ko. Sa takot ko na rin siguro. Mayroon kasi siyang aura na parang nakakatakot.
"Hmmm...." Humalumbaba siya na parang nagiisip ng malalim. Tinapon niya aog stick ng lollipop niya bago tumingin sa akin.
"Ano ba yan! Hirap namang sagutin ng tanong mo. Kung bakit ako nandito, dahil ililigtas kita. Kung bakit kita ililigtas, sabihin na lang natin na naawa ako sa'yo. Kung bakit ako naawa sa'yo, dahil lalo lang kayo magkakalayo ni Cesz kapag nagpakamatay ka. Nasagot ko ba ang tanong mo Lyric?"
Tumingin siya sa akin ng may awtoridad sa kanyang mga mata. Biglang bumilis ang tibok ng puso. Ng marinig ko ang pangalan niya.
Cess?
Kïlala niya si Cess!
"Ki-kilala mo si Cess?"
"Syempre naman Lyric! Diyos ako ng kamatayan diba. Natural, na kilala ko ang mga kaluluwa na kinukuha ko. Sabihin na rin natin na si Cess ay isang maituturing na 'kaibigan."
Biglang pumula ang kanyang mga mata. Kasabay nito ang pagguhït ng isang ngiti sa kanyang mukha. Ngiti na maraming pwedeng kahulugan.
"Diba ikaw ang diyos ng kamatayan. Pwede bang kunin mo ma lang ang kaluluwa ko ngayon mismo. Pagod na kasi ako. Pagod na pagod."
Alam ko na nagsisimula namang magkarera pababa ang mga luha ko. Pero wala akong pakialam. Desperado na kasi akong mamatay. At masasabi ko na ito ang perpektong pagkakataon.
Naiiling siyang tumingin sa akin. Awa. Puno ng awa ang kanyang mga mata.
"Lyric hindi ko pwedeng gawin ang gusto mo. Oo at diyos ako ng kamatayan. Pero 'di ibig sabihin 'nun na pwede ko kuhanin na lang basta ang gusto ko kuhanin na kaluluwa. Maaring mawalan ng balanse ang mundo. At hindi niya yun magugustuhan."
Sabay turo niya sa itaas gamit ang hintuturo.
"Tangina naman! Kung totoong 'andiyan siya bakit hïnayaan niya akong magkaganito. Bakit kinuha niya lahat sa akin. Kung alam niyang masasaktan ako. Lecheng, balanse iyan! Pakialam ko! Basta. Gusto ko nang mamatay!"
Naglakad siya papalapit sa akin. Mas lalo kong nasilayan ang maamo niyang mukha. Hindi mo talagang aakalain na siya ang diyos ng kamatayan.
"Haaay... Alan mo iyan ang kulang sa inyong mga tao. Wala kayong tiwala sa kanya. Naalala niyo lang siya kapag may hihikingin kayo. Tapos kapag nabigo kayo sa kanya niyo naman sinisi ang lahat. Lyric... Ang mundo hindi laging puno ng saya. Kailangan niyong maranasan ang kalungkutan para matutong maging mas masaya."

Kailangan niyong maranasan ang kalungkutan. Para matutong maging mas masaya?
Parang hindi naman.
"Tsk... Akala ko matuvlungan mo ako mukhang hindirin pala."
Tumayo na ulit sa ako sa dulo ng rooftop. Itutuloy ko na lang ulit ang balak ko.
"Haay... Makulit ka pala talaga Lyric. Alam mo sinabi ngang kapag nagpakamatay ka, maaring di na talaga kayo magkita. Pero  kung talagang ikatatahimik mo ang muling pagkikita niyo ni Cess. Mukhang wala na akong magagawa kundi' ang pagbigyan ka."
Napatigil ako sa nais kong gawin. Humarap muli ako sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Maari pa kayo magkita. Aabutin pa ng matagal na panahon. Pero sigvrado akong magkikita kayo ulit."
"Gaano katagal?"
"Isang daan o mga dalawandaan o higit pa."
Paan mangyayari iyon. Sigurado naman akong patay na ako ng mga panahon na iyon. Patay na rin naman si Cess.
"Paano. Totoo kasing may reincarnation. Kaya lang maaring mabago na ang mga kapalaran niyo. Dahil hindi niyo na alam kung ano ba ang nangyari sa nakaraang buhay niyo. Kaya kailangan  mabuhay ka ng matagal para makita mo siya t mapanatili ang takbo ng kapalaran niyo."
Reincarnation. Akala ko isa lamang 'yung kalokohan. Nabuhayan ako ng pagasa. Maari pala iyon. Kaya lang...
"Paano naman ako mabubuhay ng ganun katagal?"
"Kung sigurado ka na ba diyan. Pwede kita pagkalooban ng walang hanggang buhay. Sa isang kodisyon. Pumatay ka ng isang birhen na babae."
Pumatay? Alam kong desperado na akn. Pero hindi naman aabot sa punto na papatay ako ng inosenteng buhay.
"Alam mo Lyric, hïndi mo naman kailangan gawin ito. Binibigyan lamang kita ng ideya."
"Ga-gawin ko."
Napalunnk ako ng laway. Pero parang natuyo na ang lalamunan ko.
Napailing na lang si Boss.
"Haay...pagibig nga naman."
...
Dito mismo sa lugar na kinatatayuan ko. Naganap ang lahat. Sinabi ko ang lahat kay Melo at Pitch. Noong una inisip nila na nasisiraan na ako ng bait.
Hindi ko naman sila masisi.
Pero nung nakikita nila na hindi ako tumatanda. Wala na silang ibang nagawa kundi maniwala sa akin.
Sa simula natutulungan pa nila ako. Binabalitaan nila ako kapag may natutuklasan silang bago. Ilang beses kaming nabigo.
Sabi nga nila 'walang permanente sa mundo kundi pagbabago at sa-akin.
Unti-unti silang nawala.Tumanda, nagkasakit at namatay. Hanggang dumating sa punto na naiwan nila akong mag-isa.
Mahirap. Mahirap mamuhay sa mundo na nag-iisa. Walang kaibigan. Walang nagmamahal sa iyo. Walang mangangaral sa iyo kuog kagaguhan man ang ginawa mo.
Biglang bumukas ang pinto sa likuran ko. Si Ryan lang pala.
"Lyric kanina ka pa namin hinahanap. Tara na, magsisimula na ang gig."
"Sige."
Nauna na siyang bumaba. Sumunod na ako sa kanya.
Matagal ko rin kinalimutan ang pagkanta. Kinangailang ko magpalipat-lipat ng lugar at magpalit ng pangalam. Pero hindi ko tinatanggal ang Lyric para magamit kong nickname.Dahil na nga rin sa kondisyon ko.
Hanggang mapadpad ako rito sa Cagayan de Oro.
Maganda ang mga tamawin dito. Sariwa ang hangin. At mababait ang mga tao.
Nakilala ko rito si Ryan. Nalaman niya na magaling ako kumanta. Kaya kinuha niya akong bokalista ng banda nila na 'FactSheet'.
Pagtapak ko pa lang sa entablado. Bumungad agad ang hiyawan ng mga tao. Nagbigay naman ito sa akin ng pansamantalang saya.

The girl who wears raincoat (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon