~8~ Acceptance

112 4 1
                                    

        LALO silang naging malapit ni Kiel, pagkatapos ng tagpong iyon. Nakukutuban na rin si Missy sa gustong mangyari ni Kiel, ngunit wala pa iyon sa isip nya. Si Clint pa rin ang priority nya hanggang ngayon.

        "Boyfriend, gusto mo?"Alanganing tanong nya, nakita nya itong mag-isa sa ilalim ng puno ng manga.

        "I'm fine." Hindi ito lumingon, tuloy ito sa pagguhit ng larawan ng isang babae.

        "Wow, sino sya? Ako ba yan? Hindi ko yata kamukha? Mas maganda pa ako eh." Tuloy lang ito pagguhit.

        "Hindi buhay yung mata, dapat ay mukhang masaya. Here." Inayos nya ang mata, pero dahil hindi sya marunong magdrawing, nagulo lang nya.

        "Ano ba?! It's not you! Okay! Ang kulit mo naman eh!" nilukot nito ang papel.

        "Sorry, sino ba yun? Clint bakit hindi mo sabihin sakin." Naluluha na naman sya, pero hindi na katulad dati. Ngayon pagod na ang mata nya.

        "Sabihin ang alin." Inayos nito ang mga gamit.

        "Lahat, let's talk about us."

        "There's no more us." Huminto ito at tumingin sa kanya. Blanko ang expression nito.

        "Kailan pa? Ahm.. Clint look, hindi ako tanga pero--"

        "Kung hindi ka tanga bakit ang kulit kulit mo pa?" Putol nito sa sinabi nya.

        "Don't you think i deserve an explanation? Im not some girl na you've just met last week para bigla na lang hindi pansinin. Hindi ako katulad ng mga papel na dino-drawing mo na kapag nairita ka na itatapon mo na lang." Tumulo ang luha nya.

        "No, let's leave it this way."

        "Clint matatanggap ko naman kung ayaw mo na, just let me know Why? Masakit kasi, we've been together for a long time,ano to? Isang umaga nagising ka na lang ayaw mo na?" kusang lumalabas ang mga salita sa bibig nya. 

        "The truth is, napagod ako. I mean, masyado kang clingy. Bata ka pa Missy."

        "So this girl, what about her? Hindi sya clingy? Matanda na sya?" Lumalabo na mata nya, pati pandinig nya. lahat nagiging blurred sa kanya.

        "Ayoko na Missy, why not let me go? Please?" Tumingin ito sa kanya, nagsusumamo ang mata.

         Nasaktan sya, nagmamakaawa itong palayain na nya. Wala na syang magawa, pagod na rin sya.

         "Hindi ako selfish Clint. Paliwanag lang ang gusto ko, pero hindi mo pa maibigay. Pero kung dyan ka masaya, pagbibigyan kita. Sorry kung naging makulit ako. Mahal lang kasi talaga kita, alam mo yun kung gano kita kamahal. alam mo din na gagawin ko ang lahat para sayo. Pero hanggang dito na lang tayo, salamat dahil pinagbigyan mo akong maging parte ng buhay mo."

          Tumalikod na sya, hindi nya alam kung nananaginip sya. Pero nakita nya si Kiel, naghihintay sa kanya. Pagtapos nun, nawalan na sya ng malay.

                               ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

            "Nasan ako? Kiel?"

            "I'm here. Nag-collapsed ka, wala ka pa palang kinakain since yesterday. Bakit ganun?Here, sabi ng nurse mas okay daw na eto muna laman ng tyan mo para hindi ka mabigla."

            "Thank you. Officially, wala na kami." May lungkot pa rin syang nararamdaman, pero hindi na katulad dati dahil nasa tabi nya si Kiel.

             "I know, nasa likod mo lang ako ng mga panahong iyon. So?"

             "Tanggap ko na Kiel, kahit wala akong nakuhang paliwanag mula sa kanya. Tanggap ko na." Tumingin sya sa malayo.

             "Tumawag ang Mommy mo, tinawagan daw sya ng nurse. Worried sya sayo, sinabi kong ihahatid na lang kita sa inyo mamaya." Umupo ito sa upuan malapit sa kama nya.

             "Oh, Kiel. Paano ako kung wala ka? Thanks for being at my side all the time." Hinawakan nya ang pisngi ni Kiel.

             "I'm here, no matter what. At handa akong maghintay kahit gano katagal Mikail Sirafina Alfonzo."

             "I don't know. Please let's not talk about that muna?" Hindi sya makatingin dito.

             "It's okay, princess." Ngumiti ito. 

              Umuwi na sila matapos macheck ng nurse ang kalagayan nya, gumawa na rin ito ng excuse letter para sa 2 days absent nya.

              Si Kiel ang kumausap sa Mommy nya pagdating sa bahay nila. Dumiretso na lang sya sa kwarto nya at ibinagsak ang katawan.

              "Okay ang Kiel na yon, mabait anak. O sige na tatawagan ko si Clint para malaman ang kalagayan mo," Kinuha nito ang cellphone nya.

              "Mom! Wag na! I mean, ako na." Hindi nya masabi dito, gusto nito si Clint para sa kanya. Pero hindi nya masabing wala na sila.

              "O sige iha, hahatiran ka na lang dito ng pagkain mamaya ng daddy mo. Magpahinga ka na, umuwi na din si Kiel anak." 

              "Thanks Mom.." Maya maya pa ay tumunog ang phone nya.

              Please take care.

                           love, Kiel_pogi

               Napangiti sya. At ang simpleng mensahe na yon, ang pagpagaan ng loob nya.

               You too. Well, see you, then? :)

                Mabilis itong nagreply.

                No. See you tomorrow, anong gusto mong food?

                Sandali syang nag-isip, at saka mabilis na nagtype.

                Hmm. Pizza, yung pinakamasarap na alam mo :)

                May limang minuto din ang lumipas bago ito nagreply.

                Okay, a Pizza for tomorrow is perfect. I hate it, gusto pa kitang ka-text. Pero hindi pwede,dahil kailangan mong magphinga. Sleepwell, Princess. Me ♥ you. Hwag ka nang magreply, pumikit ka na. ;)

                 Hindi nya alam kung saan galing ang kiliti sa puso nya pero kinilig sya sa pagiging thoughtful ni Kiel. And it made her think about what Happen to her and to Clint.

                 I guess it's really over. I should start a new life, and live with no regrets.. Acceptance, is the first way to move on.

Ang Boyfriend kong BaduyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon