Kahit kailan hindi pa ako nakakita ng multo. Nung bata ako, masyadong malakas ang imahinasyon kaya akala ko totoo, at napapakwento ako sa mga kaibigan ko na nakakita na ako ng multo. Ayun tuloy, naging sinungalin pa ako.
Hindi naniwala ang mga kaibigan ko sa'kin. Mula non, nilayuan nila ako at naging biktima na rin ako ng mga bully. Tinawag nila akong sinungalin, baliw, at kwento-imbento. Wala nang naniwala sa'kin.
Habang lumalaki ako, unti-unting nagbabago ang paligid ko. Mas naging matured ang mga tao sa paligid ko, at nawawala na rin ang mga nambu-bully sa'kin. May mga bago akong tao na nakikilala, at dahil hindi nila alam kung sino ako nung bata, ramdam kong handa silang magtiwala sa'kin kung sakali mang kaibiganin ko sila.
Pero meron pa ring mga hindi nagbabago, kagaya ko. Dala-dala ko pa rin ang trauma nangyari sa'kin. Nung una, sila ang hindi nakikipag-kaibigan sa'kin, pero ngayon, ako na ang hindi nakikipag-kaibigan sa kahit na sino.
Andiyan din yung mga chismosa na sinisiraan ako sa mga taong gustong makipagkaibigan sa'kin. Minsan nagtatagumpay sila, minsan hindi. Hindi naman lahat kasing lebel nila ng pag-iisip.
"Ano ba kayo, syempre mga bata pa kayo non, natural lang naman na malalawak ang imahinasyon natin nung bata tayo kaya kung minsan hindi na natin alam kung ano ang totoo, at kung ano ang hindi," wais na sumbat ni Alendra kina Jassy.
Si Jassy, isa yan sa mga kaibigan ko nung bata ako. Si Alendra, baguhan siya dito sa lugar namin. Child actor siya pero pinili siyang pag-aralin ng parents niya.
Gusto talaga akong paringgan nina Jassy kaya sinadya nilang kausapin si Alendra malapit sa'kin, kaya naman narinig ko lahat ng pinag-usapan nila.
Kilalang-kilala si Alendra sa buong paaralan kahit bago lang siya dahil sa makulay niyang nakaraan. Lahat ng tao, mapa-guro man, panay ang pagpapapansin sakanya, puwera sa'kin.
Kilala din ako sa buong paaralan bilang neurotic, psycho, at may mental illness. Isang beses sa isang linggo ako dinadala ng awtoridad sa guidance counselor, palagi nilang sinasabi sa'kin na dapat makipag-interact ako at makipagkaibigan.
Noon, ang dahilan kung bakit ayokong makipagkaibigan ay dahil na-trauma ako, pero sa pagdaan ng panahon, na-realize ko na masaya pala maging mapag-isa.
Oo nga't huhusgahan ka ng ibang tao, pero hindi naman masakit kase hindi ka na nag-ee-expect, kaysa naman kung may kaibigan ka, kung kailan mo siya kailangan, dun siya mawawala, at dun ka niya tatalikuran.
BINABASA MO ANG
Bakit nakakatakot ang multo [¿?]
FantasyWalang pakiramdam, makasarili, hindi nakukuntento, natutuwa sa kamalasan ng mga tao, at gustong-gustong kontrolin ang damdamin at galaw ng mga tao, yan ang mga katangiang naglalarawan ng isang multo. -Tanga_One