Umupo ako sa bench at sinuot ang hood ng jacket ko. Papalubog na ang araw, ang gandang tignan.
Naaalala mo pa ba nung sabay tayong manood ng sunset? Naaalala mo ba yung mga pagtawa nating dalawa? Naaalala mo pa ang lahat lahat? Siguro ay hindi.
Tumugtog ang music sa earphones ko, at nung narinig ko ito ay napa-pikit ako. Inalala lahat ng nangyari.
--
"Hi Cha!" bati mo sakin habang naka-ngiti ka.
"Hi Kris!" pag-ngiti ko din sayo. Kumaway ka ng ilang bes sakin at bumalik sa pakikipag-usap sa mga kaibigan mo.
Alam mong crush kita, pero isinantabi mo iyon dahil gusto mong maging mas matatag pa ang pagkakaibigan natin.
Tuwing magkakasalubong tayo ay mag ngi-ngitian lang.
Isang ngiti mo lang sakin, okay na. Paano pa kaya kung inihaharang mo yung braso mo saken kapag dadaaan ako malapit sayo?
Titingin ako sayo at ngi-ngiti ka sakin sabay sabing "Cha, akala ko ililibre mo ako?" at kapag sinabi kong makapal ang mukha mo tatawa ka at papadaanin ako.
Sa simpleng kilos at salita mo, napapangiti ako. Palagi kana lang ganyan, kung minsan sasabay ka sa paglalakad sakin at magpapalibre. Lahat nalang kayo libre ang habol sa akin. Mga baliw kayo.
Naalala mo ba nung umiyak ako sa harapan mo?
"Sino ba yun?" nakangiti kong tanong sayo kahit hindi ako natutuwa.
"Secret!" sagot mo sa akin.
"Girlfriend mo yun noh?" tanong ko sayo. Pero imbis na sagutin iyon ay ngumingiti ka.
Palagi kanalang ganyan, ngingitian moko.
"Eh ano naman kung girlfriend ko siya?" kahit kailan talaga ang manhid manhid mo.
"Siyempre! Gusto kita eh! Nakakainis ka." at doon na ako umiyak sa harap mo.
Nataranta ka at niyugyog ako bigla. "Uy! Uy joke lang naman. Pinsan ko yun. Hahahaha! Maka-iyak naman 'to." gusto kitang sampalin nang panahon na yun, pero paano ko magagawa yun kung nalaman kong pinsan mo pala siya?
"Ewan ko sayo." sabi ko at umalis sa harap mo.
Hindi pa tayo nun masyadong close. Hanggang sa nawala ang feelings ko sayo. Hindi mo na kasi ako pinapansin nun eh. Wala na talaga akong pag-asa. Mas matanda ka sakin eh, kumbaga neneng palang ako nun at ikaw ay binata na.