"Anak, ayusin mo ang pag-aaral mo para makamit mo ang mga pangarap mo," pangaral ni mama sa pitong taong gulang (7 years old) kong sarili.
Hindi man gaanong naintindihan ng isip ko ang mga salitang iyon, buong puso ko namang pinaniwalaan.
Ako nga pala ang panganay, at tatlong taon ang agwat namin sa sumunod sa'kin kaya ako palang ang pinapangaralan ni nanay dahil hindi pa naman nag-aaral ang mga nakababata kong kapatid. Tatlo kaming magkakapatid.
Anim na taong gulang (6 years old) pala ako nung pumanaw ang aking lola, ina ng mama ko, at ipinamana niya sa'kin ang lalim ng kanyang paniniwala kay Hesu Kristo.
Nung bata ako, hindi namin nakasama ng mga kapatid ko ang tatay namin dahil nagtatrabaho siya sa ibang bansa.
Lahat ng naririnig, nakikita, at pinagdadaanan ko nung bata ako, tumatatak sa buong pagkatao ko. Ang problema, hindi ko kayang piliin kung alin yung mananatili sa'kin, at alin ang buburahin.
Pangit man o maganda, masakit man o masaya, lahat ng iyon, naiiwan at tumatatak sa akin. Lahat ng 'yon tinatanim at dinidibdib ko.
"Nakakita na ba kayo ng multo?" tanong ko sa mga kaibigan ko.
Lahat sila, tahimik na umiling at halatang hindi interesado sa multo. Hindi ko alam kung bakit, baka nagsawa na sila.
Yung ang iniisip ko nung bata ako, pero ang totoo, kaya pala sila hindi interesado ay dahil sila yung mga tipong "To see is to believe" ang pinaninindigan. Alam nila kung pano tukuyin kung totoo ang isang bagay o hindi, isang katangian na wala sa akin nung bata ako.
"Ako, nakakita na ako."
Tinaas ni Jassy ang kilay niya at tinanong, "Saan? Pano?"
"Dito sa school natin. Pumunta ako sa C.R. non. Oras pa ng klase kaya mag-isa akong naglalakad..." tuloy-tuloy lang ako sa pagkwekwento. Kapag natapos ang isa, magsusunod nanaman ako ng panibagong kwento na may ibang oras, ibang lugar, at ibang pangyayari.
"...Mag-isa akong naglilinis sa classroom, tapos biglang may nahulog sa sahig, nung tinignan ko, isa itong maliit na antikong salamin. Tapos nakita ko yung multo na nasa likod ko sa pamamagitan ng salamin. Matangos ang ilong nung multo, ang balat niya, naaagnas na, mahaba yung buhok niya at magulo, halatang hindi nasuklay ng isang daang taon, ang mata niya, black lahat na parang napinturahan ng uling, ang bunganga niya, sobrang lapad at sobrang laki, mahahaba at matutulis ang kanyang ngipin, at gumagapang siya papunta sa'kin. Payat siya at patpatin at halos mukha na siyang kalansay. Punit-punit ang kanyang maduming puting damit na bestida. Ang itsura ng damit niya, parang hindi nalabhan ng isang libong taon. Pumikit ako at nanalangin, pagbukas ko ng mata ko, nawala na yung multo. Tinignan ko ang buong paligid sa pamamagitan ng salamin at hindi na lumitaw ang multo. Itinuloy ko ang paglilinis at umuwi na ako pagkatapos."
Napansin kong natakot sila sa mga kwento, puwera kay Jassy.
"Totoo ba lahat ng kwinento mo?" tanong niya.
"Oo, totoo. Pupunta ako sa impyerno kapag hindi."
"Humf! Talagang pupunta ka sa impyerno kase hindi naman talaga totoo ang mga kwento mo. Alam mo kung bakit? Kase kami yung nagbato nung salamin sa loob ng classroom nung naglilinis ka. Pag-aari 'yun ng teacher kaya kapag nabasag yon, gusto namin, ikaw ang mapagalitan, kaso swinerte ka at hindi nabasag. Nandon kami sa buong pangyayari at walang lumitaw na multo."
"Totoo ang sinasabi ko! Hindi nakikita ng mata yung mga multo puwera kung titingin ka sa loob nung salamin."
Tumawa si Jassy, "Kaya nga. Tumingin din kami sa salamin habang nakatingin ka don, alam mo kung bakit, dahil gusto naming makita kung nabasag yung salamin, saklap nga lang, hindi."
Hindi pa pumapasok sa utak ko na gusto pala akong ilaglag at pagtripan ng mga kaibigan ko. Ang nasa isip ko lang ay kung patunayan na hindi ako nagsisinungalin. Pero talong-talo na ako.
Maging ako man ay hindi makapaniwala na hindi pala totoo ang mga kwinento ko. Totoong-totoo sila sa pagkaka-alala ko.
Pinagkalat nila sa buong klase ang pagsisinungalin ko, at nilayuan na rin nila ako.
Lumipas ang maraming buwan at hanggang ngayon ay pinagkwekwentuhan pa rin nila ako, pinipiga lahat ng detalye ng mga katangahan ko. Kulang na nga lang, madagdagan ang mga subjects na pinag-aaraln namin sa klase para mapag-aralan namin ang "katangahan ni Pami Rangal Makahiyas", sigurado akong 100 percent grade nila don.
Dumaan ang ilang taon at nagsawa na rin silang pagkwentuhan yon, pero tumatak na sa buong utak nila na sa tuwing nakikita nila ako, ngumingisi sila at nakikita sakanilang mga mata na ako'y isang katawa-tawang nilalang sa paningin nila.
Tatlong taon akong nagdusa sa'king pag-iisa, pero natutunan ko ring masanay. Labing isang (11) taon na ang nakakalipas mula nung mangyari sa'kin lahat ng 'yon.
Grade 12 na ako, pati ang mga ka-batch ko na natutunan ko na ring indain.
_End of Chapter 1_
How was it reader/s?
Kahit isa lang ang magbabasa nito, tatapusin ko pa din. 😁
-Author
BINABASA MO ANG
Bakit nakakatakot ang multo [¿?]
FantasíaWalang pakiramdam, makasarili, hindi nakukuntento, natutuwa sa kamalasan ng mga tao, at gustong-gustong kontrolin ang damdamin at galaw ng mga tao, yan ang mga katangiang naglalarawan ng isang multo. -Tanga_One