President * Vice President

6K 107 3
                                    

Chapter One President * Vice President



NAGLALAKAD SI EIRA PAPUNTANG SCHOOL NANG UMAGANG IYON. Malapit lang naman ang bahay ng Tita Merdel niya sa pinapasukan. Kesa gumastos pa siya ng pamasahe ay nilalakad niya nalang papasok at pauwi. Nakakaipon pa siya ng pera.

"Good morning, Kuya Nard!" bati niya dito pagkapasok ng campus. Ngumiti naman ito pabalik at binati din siya. Nagpatuloy siya sa paglalakad papasok at napatigil lang nang may mga babaeng humarang sa dinadaanan. Sa tingin niya ay mga freshmen ang mga ito base sa string ng ID nila.

"Ate, pwede po pa autograph?" tanong ng mga itong kumikinang pa ang mga mata.

"H-Ha?" nagtatakang tanong niya sa mga ito.

"Idol po kasi naming kayo. We heard a lot about you. Kayo lang daw po ang kayanh tapatan si P-Pres." Saad ng isa.



Napatigil siya sa sinabi nito. Yes, it has been years. Noong unang salta niya dito ay sophomore pa lang siya, pero ngayon ay senior student na. and since then marami na ang nagbago. "H-Hindi naman." Pero dahil sa mapilit ang mga ito ay wala siyang nagawa kundi pirmahan ang autograph nila. Nagpaalam naman kaagad ang mga ito kaya tumuloy na siya sa paglalakad.

Maraming nagbago sa nagdaang taon. Gaya nang naisip ni EJ, tinulungan siya nitong magkaroon ng confidence sa sarili, na nagawa niya naman. She did her best para mag-excel sa academics kaya nung junior years nila ay agad siyang nalipat sa A-class kung saan naging kaklase niya si Arjhun. Akala niya magiging madali ang lahat, pero mahirap pala talaga. Pero dahil ginusto niya ay kailangan niya gawin. She finally caught his attention, pero tingin naman nito sa kanya ay isang threat sa valedictory spot nito. Inisip niya nalang na mas okay ang ganito kasi nagagawa niyang kunin ang atensyon ni Arjhun. Sa tingin niya rin ay hindi nito maalala na minsan nang nagkrus ang landas nila.

Ngayong nasa huling taon na sila ng high school, he was elected as the student body's president at siya naman ang ginawang vice president. Takot kasi silang maging bise dahil kay Arjh. Intimidating daw at pakiramdam nila eh walang tamang lalabas sa bibig nila kapag si Arjh ang makikinig. At dahil ako lang daw ang may kayang suwayin ito, they ended up electing me. Hello? May mga kaibigan kaya si Arjh. Iyon nga lang sa tingin niya ay ayaw din ng mga itong maging bise ni Arjh. Because he takes his tasks too seriously.



Napatigil siya sa paglalakad nang mag-vibrate ang cellphone. She took it out from her pocket and looked at the caller. Napangisi siya nang makita kung sino iyon. "Hello?"

"Eira! Kumusta ka na diyan? Hindi mo na ako tinawagan nung nakaraan ah!" pagmamaktol nito.

Natawa siya nang maisip na nagpa-pout na naman ito sa kabilang linya. "EJ... namiss kitang bruha ka." Aniya sa kaibigan. Nag-migrate na kasi si EJ sa Canada noong junior nila. But they've remained best of friends and had constant communication. "Sorry na. Marami kasing pinagawa yung presidente namin dito."

Tumawa ito. "Forgiven. So, kamusta na si Arjh sungit? Grabe ha? Natatagalan mo talaga? Haha!"

"Oo naman. Nag-e-enjoy nalang din ako. Think positive the!"

"Think positive. Ilang beses mo na bang sinasabi sakin iyan? Wala pa rin bang progress?"

Napabuntong hininga nalang siya. "Wala pa rin eh." Napatigil siya papasok ng student council's office nang makita si Arjh na nakapikit habang nakaupo't nakasandal sa swivel chair nito. He looked calm. Ang sarap niya talagang tingnan kapag tulog. Mukhang anghel.

[Barkada Series] Falling for the Ice Genius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon