Chapter 1: Beginning

19 0 0
                                    

Elisha's POV

Naglalakad-lakad lang ako sa tabi ng kanto. Katatapos lang kasi ng enrollment sa school namin.

"Yey! sa wakas fourth year high school na ako! I am officially enrolled. " sabay talon at kaway sa mga lower years.

Ano pa nga bang inaasahan mo kapag enrollment? Siyempre mga kaklase mong sobrang kulit at sobrang bungangera. yung tipong hindi na kailngan ng microphone sa lakas. Kaya kapag may secreto ka, HUMANDA na at makinig ng pagbrobroadcast nila.HAHA

Sabi nila fourth year na daw kaya i-enjoy at sulitin ang mga nalalabing buwan sa highschool. Gawin mo ang lahat ng gusto mo. Bigla tuloy akong napaisip at natanong ang sarili.

"Ano bang meron sa highschool ang hindi ko pa nagagawa?"Habang iniisp ko ito. Laking gulat ko nang may nagtakip sa mata ko sabay sabing...

"Kumusta na ang pinakamamahal kong bestfriend na napakapangit." ARAY naman ako dun.

Siya si Greg "tigger" Dimaunahan. Ang boy bestfriend ko na sobrang gwapo, matangkad at napakagaling sa math. Nakakabobo nga kasama eh. Tawag ko nga dito Albert Einstein.Biruin mo natutulog sa klase tapos biglang magrerecite at tama naman ang sagot. Kapag quiz naman hindi siya nagrereview samantalang ako hindi mapakali sa sobrang kaba. As usual at the end the quiz, siya ang Highest at ako na nagpupuyat hanggang12 midnight, second to the highest minsan pa nga pangatlo.

"Ano ka ba naman GREG DIMAUNAHAN. Akala ko kung sino na.

"Hoy. Late ka nanaman! Iayon mo naman yang apelyedo mo sa pagdating sa school, Tapos na akong nagpaenroll. Dapat ikaw ang pinakauna. Pero okay lang kahit papaano sa ganitong paraan natataasan kita." Habang sinasabi ko ito, sobra ang titig niya sa akin. bigla akong natahimik at nanlamig.

"HOY TIGRE! bakit ganyan ka makatingin. aminin mo na kasi namiss mo ako no?

Narerealize mo na ba na ang ganda ganda ko?

o di kaya ililibre mo ako ng milktea? 

Ay kuripot ka pala, kahit lugaw lang doon sa kanto, okay na ako."

Hindi parin siya sumagot hanggang dumating si Jari. Ang pangalawa sa mga ka-close ko na kaklase.

"Aba! Aba! Matinde ito. Anong kaguluhan ang nangyayari dito. Nagsanib pwersa nanaman ang tigre at ang dragon. oh sige. Mauna na ako Elisha. see you sa pasukan."

"Opppss! JAARRRIII !  may nalimutan ka, siyempre beso-beso muna bago ka umalis. "Sigaw ko para makaiwas sa tingin ni Greg.

Naiwan akong kasama si Greg na nakatitig parin sa aking napakagandang mukha. CHaarott.  sa totoo lang ngayon ko lang siya nakitang ganoon ang mukha ...

"Bestfriend, baka mapanisan ka na ng laway jan? Ganito nalang kapag hindi ka nagsalita ililibre mo ako ng Minute burger! sige ka. (Ano ba ito napakaawkward na moment. Bakit ganun siya makatingin?)

"hay naku. Ayaw mo magsalita edi wag.! para akong ewan na dada ng dada dito."(kunyari galit para intense) tumalikod papalayo at bigla niyang hinila ang aking kamay.

"aaahhhhhhhh" Napasigaw ako sa kaba at sobrang lakas ng tibok ng puso ko. nagkalapit ang aming mata at nagkatitigan mga 5 minutes na ganoon ang eksena sa harap ng 7-eleven.

-------------

Sino ang gustong ituloy ko pa ang story na "Perfect Imprefections"?

Leave a comment and please vote  :) Thank you so much for reading this chapter. please continue reading :) exciting ang mga susunod na mangyayari.

ABANGAN>>>> kaching-kaching.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect ImperfectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon