One Shot:Too late

2 0 0
                                    

"Sino nanaman yan?" Tanong ng isang babae sa kan'yang kasintahan
"Wala'to kaklase ko lang, about'to dun sa project namin" sagot naman ng lalake

His POV

Minsan nakakainis ang mga kinikilos ni Rhea, di ko alam kung bakit lahat na lang ng gawin ko ay pinagseselosan n'ya. Ganun s'ya kaparanoid, alam kong playboy ako bago maging kami, hindi naman kasi maiwasan na mapatingin ako sa ibang babae, kasi lalake ako, hindi ko mapigilan. Maganda si Rhea, maputi, singkit, bagsak ang buhok, matangkad, red lips, pero meron pa din na ibang nakakakuha ng attention ko. Ang hindi mapapantayan ng iba is yung pagiging, caring, loving and sometimes understanding ni Rhea, she's so caring when it comes to me, she always want to be with me, sometimes she's annoying, but that's the reason why i love her. Pero unti-unti akong naguguluhan dahil lang sa pagseselos n'ya. Yes, nakakapagsinungaling ako sa kan'ya para lang makasama ang barkada at makapagbuhay single. I know its wrong, but i don't know what to do, i love her but i'm confuse to what should i do.

"Babe, date tayo" yaya sa'kin ni Rhea, sweet si Rhea, at lagi n'yang sinasabi na ako daw nakikita n'ya na kasama n'ya in the future.
"Sige Babe"

*Mall*

"Hi Erick"
"Hello Sheena"
"Sino yun?" Napatingin ako kay Rhea, kunot-noo s'yang nakatingin sa'kin
"Kaklase ko lang yun"
"Bakit may pag ganun?"
"Ano ba? Ganun ka ba kaparanoid para pagselosan lahat lahat ng gagawin ko? Pwede ba tumigil ka na, nakakasawa na kasi ehh, nakakairita ka na"

Her's POV

Ako si Rhea, isang Nursing student, and boyfriend ko si Erick na isang Electrical Engineering student. Nagulat ako sa ginawa ni Erick, matapos n'ya sabihin yun ay iniwan n'ya ako sa harap ng maraming tao na nakarinig sa pagsigaw n'ya. Napasobra nga siguro ako. Tama s'ya na sa sobrang paranoid ko ay ganun na lang yung mga kinikilos ko, masisisi n'yo ba ako kung nag-iingat lang ako na maagaw s'ya sa'kin? Alam ko ang mga lihim n'ya, alam kong nagsisinungaling s'ya sa'kin para lang makapagsaya kasama ang barkada. Play boy s'ya noon bago maging kami, at niloko na n'ya ako noon nung mahuli ko s'yang may kasamang iba at kayakap pa. Hindi n'ya itinanggi yun, pero pinatawad ko s'ya kasi mahal ko s'ya, pero di ko lang talaga maiwasang pagdudahan s'ya katulad ngayon.

****

Isang linggo ang nakalipas nung mangyari yung mall scene at hindi s'ya nagpaparamdam sa'kin, masakit, sobrang sakit, pero wala akong magawa, kasi alam kong nagkamali din ako. Tinitext ko s'ya pero di nagrereply, oo sinasagot n'ya ako sa t'wing tumatawag ako, pero iba, sobrang lamig n'ya. Naglalakad ako sa park, para malibang at mabawasan ng konti yung sakit na nararamdaman ko.

"Erick?"

His POV

"Erick?" Rinig ko na tawag sa'kin ng pamilyar na boses
"Anong ibig sabihin nito? Sino s'ya?"
"Rhea, sorry"
"Sorry, why? What happen Erick? Who is she?"
"I'm his new, so back off"
"I'm not talking to you, i'm talking to my boyfriend, and what the hell are you saying you're his new?"

Si Lyka ay nakilala ko matapos nung nangyari sa mall na sagutan namin ni Rhea. Nagpunta ako sa bar at dun naglabas ng sama ng loob ng lumapit s'ya sa'kin. Yung mga araw na di ako nagpaparamdam kay Rhea ay si Lyka ang kasama ko, at aaminin ko, nahulog ako sa maikling panahon na yun, malamig ang pakikitungo ko sa t'wing tatawag s'ya.

"Rhea, sorry, di ko na kaya ehh" paliwanag ko sa kan'ya
"Ganun kabilis Erick? Huh? Please ayusin natin'to. You know how much i love you right?"
"Yes i know, but iba na ngayon"
"Erick please, i'm begging you, please stay and let's talk about this, let's talk about our relationship, please"
"Rhea, ano ba?! I said, enough! I don't love you anymore, at nagtitiis na lang ako sayo kasi naawa ako sayo, naiintindihan mo ba? Huh? Ayoko na!"
"Sorry huh? Sumobra ako sa pagseselos, naging paranoid ako, sorry. And i respect your decision, hindi naman na kita mapapakiusapan na magstay ehh." Lumuluha s'ya habang sinasabi yun.
"Alagaan mo s'ya huh? Mahalin mo s'ya, kasi mahal na mahal ko s'ya" nagulat ako sa sinabi ni Rhea habang nakatingin kay Lyka.
"So this is it Erick, stay strong. I love you, good bye"

Matapos n'yang sabihin yun ay tumalikod na s'ya at naglakad papalayo. May kirot akong naramdaman, pero sabi ko, awa na lang yun.

****

4 na b'wan ang lumipas at naninibago ako sa relasyon namin ni Lyka, hindi s'ya katulad ni Rhea na sobra kong magselos, s'ya go lang. Kung nagsisinungaling ako, wala s'yang pake, pag di ko s'ya nabibigyan ng oras okay lang sa kan'ya. Hindi din s'ya ganun kaalaga. Nung unang buwan namin, oo ramdam ko pagmamahal n'ya, pero lumipas ang mga araw nagbabago. Alam kong masakit para kay Rhea yung naging pag-uusap namin sa huli, ramdam ko yun nung unang buwan, kasi friend pa din kami sa facebook at dun ko nakikita sa mga post n'ya.

"Lyka?"
"Erick?"

Nakita ko si Lyka may kasama at parang nagflashback sa'kin yung nangyari apat na buwan ang nakakalipas sa pagitan namin ni Rhea.

"Who is he?" kunot noo kong tanong
"Sorry Erick, he's my boyfriend, sorry"
"What? But i'm your boyfriend"
"Sorry, pero s'ya ang mahal ko, bye Erick"

Napako ako sa kinatatayuan ko, at bigla kong naalala si Rhea, yung babaeng sobra kung mag-alaga, magmahal sa'kin. Pumunta ako sa park kung saan natapos ang relasyon namin ni Rhea, at di ko inaasahan na makikita ko s'ya.

"Erick, hi" bati n'ya sa'kin ng nakangiti, yung ngiting totoo, yung ngiting sobrang saya at di ko pa nakita noon sa piling ko.
"Hi Rhea, how are you?" nakangiti kong tanong ngunit di umabot sa mata ko
"I'm good, and inlove" masayang sabi n'ya na ipinagtaka ko
"What? I mean what do you mean?"
"Hahahaha so how about you? How are you?" di n'ya sinagot ang tanong ko
"Rhea, sorry, sorry sa nagawa ko, please forgive me"
"Erick matagal na kitang pinatawad, at nagpapasalamat ako dahil nangyari yon."
"Huh? What do you mean?"
"Love" kunot noo kung tiningnan ang dumating na lalake at humalik kay Rhea
"Nagpapasalamat ako sa nangyari dahil dumating si Ryan, ang taong tumulong at nagbigay sa'kin ng pagmamahal. He's Ryan my boyfriend" ngiting ngiting sabi n'ya sa'kin at parang tinutusok ang puso ko
"So Erick, see you when I see you again hahaha, may date pa kasi kami ehh, bye"

Sinundan ko ng tingin ang papalayong paglalakad ng babaeng mahal ko, ngayon ko lang narealize na mahal ko pa rin s'ya. Ang tanga ko dahil pinakawalan ko pa s'ya. Hawak ko na, na sa akin na ibinigay ko pa, pinakawalan ko pa. Is it too late to say sorry? I think no, because i'm already forgiven. Maybe i'm too late to realize that i really love her, and i'm so stupid to let her go when the time that she's mine.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot:Too lateWhere stories live. Discover now