Ako na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo. Nagising na si Kyungsoo…pero di ko pa rin nasasabi sa kanya ang kwento ko.
Kwento ng pag-ibig ko para sa kanya.
Nag-lalaro kami nila Tao noon ng soccer. Na kay Luhan ang bola na noon nang mapansin kita…nag-iisa. Gusto kitang puntahan nun pero paano?
Noon pa lang pala….crush na pala kita.
“Gusto mong lapitan ‘no?” usig sa’kin ni Tao na siyang pinakaclose ko.
“Gustuhin ko man, di ko rin magagawa.” Totoo naman eh, wala akong lakas ng loob.
“Ganito, Makisakay ka na lang sa gagawin ko ah? Pasensya na kung may magagawa man ako.” Paalam niya sa’kin. Hindi ko maintindihan yung sinabi niya. Sumigaw siya na sa kanya ang bola pero pinasa niya rin sa’kin, ako naman tumakbo medyo malapit sa lugar mo pero sa ‘di ko alam na pangyayari pero inaasahan talaga…
BLAG!
“Aray!” nasagi kita. Humanda ka sa’kin Huang Zi Tao!
"Hala sorry! Hoy Tao! Tignan mo ginawa mo! Nakasagi tuloy ako. Sorry talaga sorry." ‘Di na kita hinintay magsalita kasi baka magalit ka lang lalo….talakan mo pa ‘ko.
Hinabol ko na si Tao na nagsimulang tumakbo papalayo sa’kin pero masyado akong mabilis kaya naabutan ko rin siya.
“Ba’t mo naman ako tinulak?! Galit na ata sa’kin yun!” hinead lock ko siya.
BINABASA MO ANG
Moonlight (BaekSoo Fanfic)
RomanceA place where I can’t touch you and can’t even hold you What’s shining under the surface is not that person Your sad story that can’t come true The closer you go, the more you’ll hurt, so Just that love stop, stop, stop, stop, yeah Just that love st...