Cedric's POV
Pagkayuko ko at wala naman akong maramdaman na kahit anong sakit o kagat mula sa mga aso. Dumilat ako at nakita ko na napapalibutan ako ng bubble. Lumingon ako at nakita ko si Mark na nakatransform at gumawa ng Cascade Bubble na nag protekta sa akin sa mga aso.
Salamat Mark! Pasasalamat ko sa kanya
Cedric magtransform ka na, hindi magtatagal at bibigay din ang bubble. Sabi ni Mark at nakikita ko na unti unti na nawawala ang bubble at nasisira na ito. Kaya naman ay sinambit ko na ang Magic Wing Arise!
Nakapag transform na ako at lumipad na ako paitaas at lumipad din paitaas sina Xiara at Mark. Agad akong gumawa ng digital room na dinagdagan ng floral booster ni Xiara at water molecules ni Mark upang mas lalong tumibay.
Kailangan nating talunin ang mga asong iyan, hindi ko alam kung saan galing yan pero mamamatay tayo pag hindi natin agad pinuksa iyan. Sabi ko sa kanila.
We'll each take one Cedric, ako na sa pulang aso tapos si Xiara sa itim at ikaw naman sa puti. Sabi ni Mark na sinang ayunan naming lahat. Pumuwesto na kami at naghiwa hiwalay na bumaba.
Nang makababa na kami ay agad sumugod ang mga aso at handa na ang bawat isa. Kaya nagsambit kami ng spells namin
Digital Blast!
Magical Vine Wrap!
Aqua jet!
Sabay sabay namin na itinira ang aming mga spells pero nakailag ang puting aso ng mabilis, ang pulang aso naman na target ni Mark ay nakailag na papalapit na tila jet na tubig. Ang itim na aso naman na target ni Xiara ay kinalmot ang mga vines ng walang kahirap hirap. Mukhang ang bibilis at ang lalakas ng mga ito.
Tumalon sila ng sabay sabay pero nakapagtataka na sa akin lang ang direksyon nila. Nagulat ako pero agad akong nakagawa ng Digital Room upang hindi ako malapa ng mga aso. Kalmot sila ng kalmot sa digital room.
Water Bolt! Tila sumuntok si Mark ng enerhiya sa dalawang nakayukom na kamao at may lumabas na dalawang enerhiya roon. Natamaan ang puting aso ngunit agad ding bumangon at kinalaban ulit ang digital room ko. Bakit hindi niya pinansin ang atake ni Mark?
Dance of Leaves! Nakita kong naglabas ng mga malilikot na dahon si Xiara at tinamaan silang lahat pero bumangon ulit sila at di pinansin si Xiara at pinag diskitahan ulit ang digital room. Nanghihina na ako sa mga kalmot ng aso at anumang oras ay maari nang bumigay ito.
Guys di ko na kaya, masisira na ang digital room ko. Pagkasabi ko noon ay nawasak na ang digital room ay bunagsak ako at pinagkakakalmot ako ng mga aso.
Ahhhh! Sobrang hapdi ng mga kalmot nila dahil sobrang tutulis ng mga kuko nila. Hindi naman ako makalipad dahil pinagkakalmot na nila agad ako.
Cedricc!!! Rinig kong sigaw nina Dianne, Bryce at Anne. Paglingon ko sa itaas ay may lumawit na tila lubid na vine na bumaba mula sa isang puno.
Cedric kumapit ka riyan! Wala na akong inaksayang panahon kaya tinaboy ko ng ubod lakas ang mga aso at nagmadali akong kunin ang lubid. Pagkahawak ko naman ay automatic na umaandar ito pataas. Nag aangilan ang mga aso sa ibaba at nanggigigil ang mga ngipin.
Inilapag ako ng vine sa isang puno at lumipad patungo sa akin sina Xiara at Mark.
Gosh Cedric! Ayos ka lang ba? Tanong ni Xiara na nag aalala.
Masakit ang mga kalmot nila Xiara akala ko talaga mamamatay na ako. Sabi ko sa kanila at nakita ko na puro kalmot ang braso at binti ko at umaagos ang dugo mula rito.
Ngunit bakit ikaw lang ang puntirya nila? Maging sina Bryce ay hindi nila pinapansin kahit naroon sila sa baba. Pahayag ni Mark na nakasilip sa baba. Nanghihina kong tiningnan ang baba at nakaabang pa rin ang mga aso at nakalitaw ang mga pangil nila. Hindi pansin ang mga ibang kasamahan namin. Nakapagtataka naman.
Magpahinga ka na muna Cedric baka hindi mo na kaya. Sabi ni Xiara
Hindi Xiara, kailangang kong labanan ang mga asong iyan. Kung maari Mark at Xiara ay tulungan nyo na lang akong maghilom ng aking mga sugat. Sabi ko sa kanila. Tumututol sila ngunit napapayag ko rin sila kaya sa huli ay sumang ayon din sila.
Visicous Redblodcel Reverso!
Nagsambit si Mark ng isang spell na kung saan ang lahat ng dugo mula sa aking mga kalmot at bumalik lahat sa aking katawan.
Healeo Scarrus! Nagsambit naman ng healing spell si Xiara at naglabas ng berdeng enerhiya at nawala lahat ng marka ng peklat mula sa mga kalmot. Nagpasalamat naman ako sa kanila at lumipad na kami pababa. Nakatingin lang talaga sila sa akin at tila hindi pansin sina Xiara at Mark. Ako lang ba talaga ang puntirya nila? Pero bakit ako lang?
Gumawa tayo ng plano, dahil ako lamang ang target nila at tanging mukha ko lang ang gusto nilang patayin. Xiara magtago ka isang malaking punong iyon tapos ikaw naman Mark ay magtago ka sa malaking bato sa kanan na tapat za malaking puno ni Xiara. Pag narinig ninyo ang signal ko na GO! Ikulong nyo sila or bihagin nyo sila depende basta mahuli nyo sila. Pagplano ko sa kanila. Sumang ayon naman sila at kinuha nila ang glowsticks nila at naglaho patungo sa mga lugar na aking sinabi.
Nung nakita ko na naandon na sila ay sinimulan ko na ang aking plano.
Techno Ray Illusion! Naglabas ako ng ray sa aking daliri patungo sa tabi ng puno at lumitaw ang isang hologram. Agad namang nila itong napansin at sobrang nanggigigil sila kaya agad silang tumakbo at pinagkakalmot ito pero hindi nila ito nakakalmot ngunit patuloy pa rin nila itong ginagawa.
Pagkatapos ay naglabas ulit ako ng ray sa aking daliri at nagdrawing ng GO sa hangin. Nakita naman ni Xiara iyon kaya agad syang gumamit ng Magical Vine Wrap sa itim na aso at itinaas agad ito ni Xiara upang hindi makalmot ng ibang aso pero hindi talaga nila pinakialaman o sinulyapan ang asong itim dahil nandoon ang hologram ng target nila.
Winala ko na ang hologram at nagulat naman sila at nawala ito kaya hinahanap nila ito. Ginawa ko ulit ang hologram sa tabi ng malaking bato na pinagtataguan ni Mark. Agad naman nila itong napansin at pilit na kinakalmot ito. Nag drawing ulit ako ng GO sign at gumawa si Mark ng Cascade Bubble at naikulong nya roon ang pulang aso at pinalutang ito. Ang puting aso ay sadyang walang pakialam sa kasamahan dahil abala ito sa target nya.
Winala ko ulit ang hologram at ako na ang huhuli sa puting aso. Gumawa na ako ng Digital Room at ikinulong sya roon. Agad na nahuli ito dahil nahuli na rin ang mga kasama nya na maaring tumulong sa kanya. Ibinababa ni Xiara ang Vine at ang Bubble ni Mark sa lupa. Kawag ng kawag ang tatlo pero sadyang malakas ang kapangyarihan namin.
Ngayon na Guys! Puksain na natin ang mga asong ito!
Pinag sama sama ang mga aso sa aking Digital Room at pagkaraan noon ay agad nang nagsanib pwersa ang aming kapangyarihan.
Digital Blast!
Tidal Wave!
Dance Of Leaves!
Naghalo halo ang kapangyarihan ng technology, nature at water kaya napatahol sila sa sakit na natamo nila. Tahol sila ng tahol hanggang sa sila ay naglaho na. Natalo na namin ang mga aso.
Yesss! Natalo na din sa wakas! Tuwang tuwa na sabi ni Mark.
Natuwa din ako pero may biglang may bumalot na itim na aura sa katawan ko at umalis ito sa katawan ko at may nabuong number 11 tapos ay biglang nagkalat at nawala.
Ano yun?

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...