"Ahem. Nakakahiya naman atang nakikita ko ang paglalampungan nyo. At habang kumakain pa talaga. I can't believe this."
At napalayo kami ni Orriz sa isa't isa.
"Pwedeng kumain muna?" dagdag pa ni Chrollo. Hindi ko maiwasang mamula sa pagkapahiya.
"Im sorry dude." ani Orriz kay Chrollo at bumaling saken. "I'll wait for you outside,Kendall. Gusto kong malaman kung san ka nakatira." aniya at umalis na.
"P-pasensya na." ani ko ng maupo na ulit. Nakakatakot talaga tong si Chrollo.
"Its okay. Pasalamat kayo at hindi ako nawalan ng gana. Medyo nakakairita talaga." aniya at nagsimula ng kumain. Hindi na lamang ako umimik dahil ayokong masira ang unang araw ko dito sa labas.
"Susundan ko na lang kayo." ang sabi ni Orriz ng makalabas na kami ng restaurant ni Chrollo,ngumiti at tumango lang ako at sumunod na sa iritadong si Chrollo.
"You look epic. Hindi ka ba kumakain sa kulungan?" komento ni Chrollo kaya nilingon ko sya.
"Hindi. Pag kumakain ako dun nagkakasakit ako." ang sagot ko at itinuro na sa kanya ang direksyon papunta sa bahay ko.
"Dont do anything na bawal sa batas para hindi ka na bumalik doon." aniya at iniliko ang sasakyan papasok sa subdivision.
Napanganga ako. Ano daw? Iniisip pa din ba nya na hanggang ngayon ay ako ang kriminal?
Imbis na magsalita ay tinikom ko na lamang ang aking bibig hanggang makarating sa tapat ng bahay. Bumilis ang tibok ng puso ko,finally Im home.
Nakita ko sa sideview mirror na umatras ang kotse ni Orriz at tuluyan ng umalis. Nagkibit balikat na lamang ako,babalik naman siguro sya,ngayon pang alam na nya ang bahay ko.
Bitbit ang mga bag ay nauna akong lumabas at lumapit sa pinto. I still have the keys na itinago ko sa gilid ng paso.
"Tumuloy ka muna at magpahinga." alok ko kay Chrollo at binuksan ang pinto.
"Kailangan ko talagang magpahinga. Galing pa ako sa isang probinsya at dumiretso ako sa city jail para lang ayusin ang mga papel mo at masundo ka." sagot nya. Pumasok kami,naupo sya sa couch. Napangiti ako. Hindi naman pala sya ganun na pusong bato.
Pumunta ako sa kusina at tiningnan kung anong pwede kong ma offer sa kanya. Bigla kong naalala na naka baba nga pala ang main switch ng kuryente at paniguradong hindi ko sya makakanawan ng juice.
Itinaas ko na ang main switch at nagka kuryente na. Pagbukas ko ng ref,walang laman. Tiningnan ko yung mga tukador. May mga sachet pa ng juice at kape.
"Nagkakape kaya yon kahit hapon na?" ang tanong ko sa sarili.
"A black coffee will do." sabi ni Chrollo mula sa sala.
Nadinig nya ba ako? Agad ko ng isinaksak ang pang init ng tubig,naghugas ng mug at kutsara. Ng kumulo na ang tubig ay tinimpla ko na ang kape nya.
"Pasensya na at ito lang. Alam mo naman." nahihiya kong sabi at nilapag sa lamesita ang tasa ng kape ng makabalik ako sa sala.
"I understand. Kailangan mo na din mag general cleaning. Matagal na hindi nagamit ang bahay mo." aniya at humigop na ng kape.
"Plano ko nga iyan bukas. Magsisimula ako ng umaga para pag tanghali ay tapos na ako." ang sagot ko at agad nya akong nilingon.
"Wala ka talagang kasama?"
"Wala,si Leila lang kaso yun nga. Pero baka tulungan ako nina Quad at Eunice." ang sagot ko. Natutuwa ako dahil ito ang unang pagkakataon na nag usap kami ng tuloy-tuloy.
BINABASA MO ANG
Love Above The Law
General FictionBOYXBOY BROMANCE GAY | Isa kang mabuting mamamayan,may magandang trabaho,may magandang set of friends. At kahit kabilang ka sa 3rd sex ay tanggap ka ng lahat. Paano kung isang araw ay magising ka na isa ka ng suspect sa isang krimen? Paano mo hahara...