Love Me Not

285 3 0
                                    

CHapter one

Napabalikwas si Elise nang marinig niya nag napakalas na ring ng kanyang alarm clock.

“Today is the day!”  malakas na sabi niya sa sarili. Magkahalong lungkot at excitement ang

nararamdaman niya dahil ito ang araw na pag alis niya papuntang United Kingdom.

“Anak gising na kailangan mo pang maghanda. Bumangon ka na at kakain na” narinig niyang sigaw na kanyang mama.

“ Sige po ma, lalabas na po” balik niyang sagot sa kanyang ina. Napatitig siya sa mga maleta na

nakatayo sa tabi ng kanyang kama. Ilang buwan ding naghintay si Elise na maaprubahan ang

kanyang application para maging working student sa United Kingdom. Doon ay mag - aaral siya

habang nagtratrabaho sa isang pamilya. Aalagaan niya ang isang three year old na bata at

pagsisilbihan nya ang pamilya nito na siya namang magbibigay ng kanyang allowance habang

nag-aaral.

 Ito ang unang pagkakataon na mawawalay si Elise sa kanyang pamilya dahil mula ng bata pa siya

at hanggang sa magdalaga  di siya iniwan ng mga ito. Si Elise ay pangatlo sa apat na

magkakapatid. Ang ate niyang panganay at ang kuya niya ay may kanyakanya ng trabaho

samantalang ang kapatid niyang bunso ay malapit na din magtapos. Si Elise naman ay nais na

may mapatunayan sa kanyang sarili, kaya naman tinanggap niya ang trabahong iyon at the same

time its been her dream to travel sa iba’t ibang bansa at isa ang trabahong ito sa mga dream

adventure niya.

“Anak mag iingat ka dun ha. Tatawag ka lagi.“ nanggigilid ng luhang nagsalita ang kanyang ina.

Isang matamang ngiti lamang ang kanyang naisagot. Natatakot na naeexcite at di nya malaman

kung ano ang kanyang nararamandaman sa mga oras na iyon. Nasa Airport na sya at ilang minuto

nalang ay magchecheck in na siya.

“ Hala , aalis kana baka mawala ka dun, panu ka na lang hindi ka panaman marunung mag

english panu yan“ pabirong hirit ng kanyang kuya niya habang papalayo siya papunta sa pila para

makapag check in na sa eroplano.

“Excuse me I know how to speak english and for your information uno as in one ang grado ko sa

english nung college noh! like eeewee bloody nose” sagot niya  kapatid habang naka british accent.

“Panu kung di ka sunduin nang mga host family mo? o Kaya kamag anak pala ni Fredie Krugger

yung family.” patuloy nito.

 Irap lang isinagot niya. Asar na siya sa kaptid dahil hindi ito matinag sa pananakot sa kanya.

“O kaya naman kamukha ni chukie yung alaga mo. kawawa ka naman.” hirit uli nito sabay tawa.

 Naiiyak na siya ngunit sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi nang marinig ang turan ng

kanyang kuya. “Che! tigilan mo nga ako. Nag eemote na ako eh.“ saka siya nagbelat.  wag kang

aasa ng padala galing sa akin ha, dahil sa mga ginagawa mo sa akin ngayon palang

kinakalimutan nakita” nakangiti at tumatawa siyang lumayo sa kanya pamilya.

Love Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon