Part I

32 0 0
                                    

Prologue

Ikaw? Oo ikaw nga?!

May isang tao ba sa buhay mo na minahal mo noon? Pero kayo’y nagkahiwalay nang di man lang malinaw kung ano ang kahihinatnan ng inyong relasyon?? Paano kung isang araw siya ay nag balik, at pilit na inaayos ang ano mang meron kayo nung nakaraan? Pero sa isang iglap magbabago ang lahat, sa di inaasahan at di maipaliwanag na dahilan? Medyo magulo diba.? Siguro basahin mo nalang ang kwentong ito nang ikaw ay malinawan…

-----------------------------------------

Chapter One

Hi! Ako nga pala si Sofia, 19 years old, turning 3rd year na sa college, isang summer ang hindi ko malilimutan sa aking buhay, ang akala ko noon na isang simpleng bakasyon, ay magkakaroon pala ng isang malaking parte sa aking buhay at pagkatao…

April 14, 2009 – kakatapos lang ng aming final exam para sa school year na yun, dali dali kong pinasa ang aking test paper sa aming guro at sabay binuhat ang aking bag palabas ng classroom, dahil sa araw na yun ay excited na akong magbakasyon, whew! Summer na! yan ang sigaw ko noong nakarating na ako sa bahay, agad akong nag impake at nag ayos ng gamit ko.,

“nay! Nakita mo ba ung pink ko na travelling bag?” – tanong ko sa aking ina.

“nanjan sa tabi ng cabinet mo anak! Hinanda ko na rin ung mga damit mo, para di ka na mag hanap pa at baka matagalan ka lang”

“ah sige nay salamat!” – hehe siya si nanay Gloria, ang napakabait kong nanay… siya lang maiiwan sa bahay at si papa, kasi kaming dalawa ng kapatid ko ang uuwi sa probinsya namin sa La Union para magbakasyon

“oh hali na kayo! Handa na ba yung mga gamit niyo? Nag hihintay na yung tito niyo sa labas!” – sigaw ng aking tatay Gerry

“opo tay! Eto na! hoy Jeron! Dalian mo nga jan! naghihintay na si tito Edward sa labas oh, buhatin mo na tong mga bag! Ibaba mo muna yang phone mo at mamaya mo na kausapin yang girlfriend mo.” – pasigaw kong sinabi sa aking kapatid na si Jeron!

“oo na ate! Eto naman oh! Matagal ko ngang hindi makikita si Steph (GF ni Jeron)” – sagot ni Jeron

Agad na kaming sumakay sa kotse ni tito Edward at nag paalam na kami ni Jeron kina mama at papa

“oh mga anak mag pakabait kayo dun sa probinsya ah! Ikaw Jeron! Haan ka nga agaramid ti kalukwan ijay ah (wag kang gagwa ng kalokohan doon) – wika ni itay kay Jeron

“Wen pang! Ni manang ah ti pangibagaam ti kasta ta sumayet! ( Opo ita’y pero kay ate mo sabihin yan, baka lumandi lang siya dun) – sagot naman ni Jeron

“Aba at ako pa ang malandi ngayon?!  - sagot ko kay Jeron”

“Oh tama na yan! Sige na at lumakad na kayo baka gabihin pa kayo!” – wika ni nanay Gloria

Agad na kaming lumakad at lumuwas papunta sa La Union, medyo matagal ang naging biyahe namin, inabot kami ng 6 na oras sa biyahe, 10:00 am na kami nung umalis sa Maynila at 4:00 pm na nung nakarating kami ng La Union.

“Ate! Welcome to BAUANG na oh!!! Ung dalawang tulay nadaanan na natin! Yung isa bukirin agt yung isa naman ay ilog!!!” – wika ni Jeron sa akin

Medyo nakatulog ako at nagising na lamang nung sumigaw si Jeron

“oo alam ko! Excited ka masyado eh!”  - sagot ko naman kay Jeron

“oh malapit na tayo sa bahay! Excited na rin yung mga pinsan niyo na Makita kayo” wika ni tito Edward

“oo nga tito! Ako din! Sigurado ako masarap yung ulam doon! Pinakbet at yung pinapaitan! Whew!- wika ni Jeron

Hanggang WakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon