*Isang simpleng binata ang itinangi
Nitong aking pusong pihikang pumili
Nagulat pa nga ako ng mapagtanto
Na ang puso ko pala'y di nagbibiro
*Pano kasi kapag siya'y nakatingin
Puso ko'y eksaheradang tumatambling
Subra na kapag sya sa kin ngumiti pa
Siguradong ako'y hihimatayin na!
*Sana kapag ito'y kanyang matuklasan
Wag naman sana niya akong iwasan
Dahil kapag sya'y lumayo ng tuloyan
Puso ko'y lubusan na ngang masasaktan
*Dahil sa likod ng makapal na lense
Ng suot-suot niyang salamin palagi
Nakatago ang tunay na sinisinta
Ng puso kong nagmamahal ng talaga
*Sa kanya'y di ko na hihilingin pa
Na ako rin ay pahalagahan niya
At kung siya'y may minamahal ng iba
Ayos lang sa akin basta mahal ko sya
*Itong tula ko ay para sayo sinta
Simple man ang salita at corny pa
Sana magustuhan mo ito't mabasa
Ng lihim na pag sinta ko'y yumabong pa