9 JÄGERBOMB
Now Playing: Bright Lights by 30 Seconds to Mars
🎼Demon, where did my angel go?
Vacant, vapid, stupid, perfect,
You are the one
A new day, a new age, a new face, a new lay,
A new love, a new drug, a new me, a new you🎶
Umiinom si Cat ng tsaa nang dumating sila Cris at Rose sa pwesto nya.
Inumpisahan syang usisain ni Cris. "Kwento ka naman te. Anong nangyari sa inyo ni Papa Gael? San kayo kumain?"
"Good morning sa inyo! Ok naman. Doon kami kumain sa suite nya. Nagpa-prepare sya ng Italian food."
Nanlaki ang mga mata ni Rose. "OMG! Mayamanin pala talaga si Papa Gael. San mo ba sya nakilala, Cat? May kapatid ba sya?"
"Ha? Uhm...nakilala ko sya sa party nung barkada ko. Totoy pa kapatid nun."
"Ay ganun? Sayang naman. So ano pa ang ginawa nyo?" tanong ni Rose.
"Kumain lang at nagkwentuhan."
"Hindi kayo nag-sex?" tanong ni Cris.
Nabuga ni Cat ang iniinom nya.
"Uy Cris ano ba yang mga tinatanong mo? Ay nako Cat pagbigyan mo na. Palibhasa walang boyfriend." sabi ni Rose.
"Eto naman o. Bakit? Virgin ka pa ba, Cat?"
Napabuntong hininga si Cat. {Mababaliw ata ako sa dalawang to}
Bago pa sagutin ni Cat ang tanong ni Cris, dumating na si Mon. "Good morning, girls."
"Good morning, Sir Mon." sabay na bati ng dalawa tapos bumalik na sila sa pwesto nila.
---
Sa opisina ni Gael sa Makati, dumating ang ama nya. Pagkakita sa kanya, sinampal agad sya nito. "My stupid son. Jane's father threatened to pull all his company shares because of what you did. You have two days to make an apology and set everything straight."
Hindi na inantay ni Francisco ang sagot ni Gael; tumalikod na ito at umalis.
---
That afternoon, lumapit si Cris kay Cat. "Uy, Cat! May lakad ka ba? Videoke daw tayo later!"
"Wala pa naman. San ba? Saka sino-sino tayo?"
Nagbilang sa kamay nya si Cris. "Sa Red Box sa Makati. Ako, si Rose, Jess, Ken, Buboy, Martin, at Vince. Sige na, Cat. Sama ka na. Wala naman ata kayong date ni Papa Gael."
"Sige na nga."
"Yes! Ok sige balik muna ko sa pwesto ko."
---
That night, pinuntahan na nila Cris at Rose si Cat sa pwesto nya. "Cat, tara na!"
"Sandali lang. Nag-sshutdown pa yun PC ko."
"Ok na ya. Mag-ooff na rin yan. Let's go!"
"Sige na nga." Kinuha lang ni Cat ang bag nya tapos sumunod na sya sa kanila.
---
Sa Red Box, nag-order na ng drinks ang mga lalaki. Binigyan din nila sila Cat. Nag-try na tumanggi si Cat pero pinilit sya nila Rose kaya napainom na rin sya. Jagerbomb ang binigay sa kanya. Nakakailang shots na rin sya kaya medyo nahilo na sya. Nakaupo lang sya sa isang gilid.
---
"Where are you, Cat!?" Ilang beses na nyang tinatawagan ang phone ni Cat pero nagri-ring lang ito. May nag-text sa kanya.