This is to inform you my dear readers na nakaligtaan ko pong ipublish ang Chapter 62 kaya late ko na po siyang naipublish after I publish Chapter 67 kaya po sa hindi pa nakakabasa ng Chapter 62 pwede niyo pong balikan and I want to say sorry for that.
----------------
Alexander Pov!
Apat na araw na simula ng makidnap si Lory at apat na araw na rin kaming walang maayos na pahinga lalo na ang pamilya ni Lory sa pag.aalala. Araw.araw ding bumibisita ang parents ko sa Daddy ni Lory at handa silang maglabas ng pira kung sakaling tumawag ang kidnapper para pangransom kay Lory. Makakauwi na rin siya mamaya.
Napatigil ako ng makatapat ako sa Room ni Mike. Tatlong araw na rin siyang under coma at hindi man lang ako nakahingi ng tawad bago pa man siya mawalan ng malay. Halos gusto ko ng magpakamatay ng malaman ko na ako ang dahilan ng pagkawala ni Lory. Ang bigat na ng kalooban ko na parang pakiramdam ko pasan ko ang mundo.
Pinihit ko ang doorknob ng pinto pero nasa loob pala ang magulang niya at isang babae na kausap ni Thea. Halata sa kanilang mga mata ang kalungkutan.
"Magandang araw po." pagbibigay galang ko. Kilala na nila ako dahil ipinakilala na ako ni Thea noong isang araw ng madaanan ko sila sa hallway.
"Pasok ka." anyaya sakin ng Ama niya.
"Salamat po. Bibisitahin ko lang po sana si Mike." tumango lang ang mga magulang niya. "Gusto ko lang po sanang makausap si Mike kahit alam ko po na hindi niya ako maririnig."
"Naiintindihan namin. Maiwan ka muna namin." inakbayan ni Tito si Tita at si Thea at yung kausap niyang babae sumunod na rin sa kanila.
"Gusto ko nga pong humingi ng tawad sa ginawa ko sainyong anak. Patawarin niyo po ako."
"Alex masakit para samin ang ginawa mo sa anak namin pero sapat na samin ang paghingi mo ng tawad." sagot sakin ni Tita.
"Alam ko na kapag narinig ni Mike mapapatawad ka niya."
"Maraming salamat po." iniwan na nila ako at sinara ang pinto. Lumapit ako kay Mike at umupo sa upuan sa tabi ng kama niya. Malaki ang pinagbago ng itsura niya. Halata na may iniinda siya sakit dahil sa pagbagsak ng katawan niya kahit ang kulay niya nag.iba rin. Kung tititigan siya para na siyang tunay na bangkay.
"Mike..." alam ko hindi ko siya naging kaibigan at hindi maganda ang huli naming pag.uusap pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapaluha kahit sabihin pa na lalaki ako pero sa sobrang bigat ng nararamdaman ko kusa ng pumapatak ang mga luha ko.
"Kaya mo ba iniwan si Lory noon dahil sa sakit mo? Ang tanga ko lang Mike kasi nagpaubaya ka para hindi masaktan kapag nawala ka pero ako naman hinayaan ko siyang mawala at ako ang dahilan noon." napatingala ako saglit para pigilan ang emosyon ko pero wala pa ring silbi."Mike hindi ko na alam ang gagawin ko. Magpagaling ka at gumising para makahingi ako ng tawad sa pananakit ko sayo at pananakit ko kay Lory. Kung hindi ako gagong lalaki sana hindi nakidnap si Lory...ng dahil sa akin nasasaktan ko ang pamilya niya. Tulungan mo ako Mike. Ang daya mo kasi pare bigla ka na lang nagpahinga." napapunas ako ng luha ko.
"Huwag kang mag.alala pare hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap si Lory...pare mahal na mahal ko siya pero kapag naibalik ko siya ipinapangako ko na ipapaubaya ko na siya ulit sayo para hindi na siya malagay ulit sa peligro. Hindi ako karapat.dapat sa kanya dahil minsan ko na siyang nasaktan ng dahil sa ibang babae. Alam ko hindi ko mapapantayan ang pagmamahal at pag.aaruga mo sa kanya kaya kahit masakit pare kakayanin ko at hahayaan ko na siya sayo. Patawarin mo sana ako Mike." hinintay ko muna ang sarili ko na makabawi bago ako tumayo at lumabas. Nadatnan ko si Tita na umiiyak habang yakap.yakap ni Tito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...