Chapter 1 ❤️

70 2 2
                                    

Hi! Im Jessica Tolentino, 3rd Year High School na ako ngayon sa Sta. Lucia High School, Catholic School yun kaya mejo Strikto sila samin! Pero kahit sobrang strikto na nila sa mga students, marami parin ang magjowa/magsyota na nagkalat sa Campus namin. Nakakainis nga eh, pano ba naman nakakaingit sila kelan naman kaya ulit ako magkakaron ng lovelife?

Hayyss!

May pasok na bukas first day of 3rd year high kaya eto excited akong nagaayos ng mga gamit ko sa School. At dahil nga excited ako maaga din akong natulog para bukas.

5:30 AM

Heto na! Ang aga ko namang nagising, hindi naman halatang sobrang naeexcite ako! Hahahaha. Wala natatawa lang ako sa sobrang OA ng gising ko, eh kasi naman sobrang lapit lang ng School samin. Pero Ok lang para makapag ready pa ako ng konte. Pagkatapos kong Kumain, Maligo, Mag toothbrush at kung ano-ano pa. Pumasok na din ako sa School...

"Goodmorning kuya" bati ko sa school guard namin. Friendly kasi ako, nginitian lang nya ako saka pinapasok na agad. Oh diba! Di na chineck yung bag.

Pagpasok ko marami nang tao, hindi lang pala ako ang excited ano?

Ayun! Nakita ko agad yung mga old classmates ko and unfortunately ayun.. Nandun yung ex boyfriend ko na ngayon ay kasama yung bago nyang lolokohin! Nakaka Asar talaga mukha nitong taong to! Argh!!! =____="

Ilang minuto pa pinapila na kami sa Quadrangle nag flag ceremony tapos dineclare na nila na pwede na ngang pumasok sa mga rooms namin.

Pag-akyat ko, hinanap ko na yung name ko sa pinto ng 3rd year rooms at agad ko namang nakita.

"Shit!!!"

Napamura nalang ako nung nakita ko sya. At oo, yung dakila kong ex boyfriend ay classmate ko ngayong school year na to! Kamalasan nga naman!! Pero nakita ko din naman yung bestfriend ko si Camille kaya mejo gumaan yung inis ko, classmate ko din kasi sya. Nagtabi na kami at agad chismisan.

"Nakakainis naman baboy! Kaklase natin sya? Hindi pa ako nakakamove on nuh, napaka awkward naman neto" Oo nga pala, baboy ang tawagan namin ng bestfriend ko kabaliktaran kasi ng sexy. Hahahahaha!

"Ano ka ba naman baboy! First day of class natin ngayon pwede bang itigil mo muna yang kaka drama mo sakin tungkol kay Xander" yun... Yun ang pangalan nya! Xander. "Kung gusto mo matulog ka nalang sa bahay sa Friday, tutulungan kita" sabay kinindatan nya ako.

"Wow ha! Kung makapag-aya ka, akala mo madali ang magpaalam? At ano nanamang tutulungan... Saan?"

"Edi wag!" Sabi nya yan, hindi ko na sya pinansin kasi dumating na rin yung first teacher namin.

Tinititigan ko lang si Xander kaya biglang pumasok sa isip ko na kailangan ko nang maghanap ng ipapalit sakanya para hindi naman mashadong halata na nasasaktan pa ako diba? Ewan ko, ang sama ko ata para mang gamit pa ng tao para makalimot. Pero hindi ko kasi kakayanin nang walang tulong eh, kaya kailangan ko to!

Pagkatapos ng klase nagmadali na akong lumabas... Bakit? Dahil maagang lumalabas yung ex boyfriend ko at madalas tumambay sa gate ng school. Maaga ako para hindi ko sya maabutan dun. Naglalakad na ako sa hallway nang may biglang humila ng bag ko.. Si Cams, bwisit talaga tong babaeng to, alam ba nyang nagmamadali ako?, at bakit hawak nya dibdib nya na parang hinihingal pa?

"Sabay na tayong uwi baboy?, nagaway kami ni Cedric bumalik pa ako dito sa loob para sayo kaya wag na wag kang hihindi!" Hinihingal na sabi ni Cams. Si Cedric nga pala yung boyfriend nya, hindi na yun nagaaral kasi mas matanda sya ng 4 years samin kaya tambay sya ngayon, lagi nyang hatid sundo si Camille sa school, malay ko ba dito kung anong nangyari at hindi ata sinundo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Starting AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon