Chapter 55
This chapter is dedicated to Hahazreamdn _AliyahReyene17_ ReynalynFerfas Danelle_7 ELIJAJUNGKOOK BANGTWICE_FEVER Paula_Angelica JLcheng ErlindaGacizano Mirai_Senpai09 frevelyngallos nhingqu LisaTzuyuSeulgiJimin geahmanansala nazarenemartin0901 jiniehyung anniefaiz27 kate_tan10
Rochelle's POV
Nakarating na si Kuya dito sa bahay at gulong gulo na ang make up niya hahaha. Di nagaya sa akin. Natural beauty lang, no make up needed. Foundation, Kilay at lip tint lang buhay na ako. Nagbabasa mga pala ako ng libro ngayon. Well, book lover ako eh. Lahat ng maganda, book lover kaya maganda tayong lahat. Joke, sa lahat ng book lovers si Author lang ang pangit. Nandidito pa rin si Lance sa salas at sina Yanyan, Shan, Yza at Maddie ay madaming tinatanong sa kaniya.
"May gusto ka ba sa bestfriend namin?" Tanong ni Maddie sa kaniya pero nagkibit balikat lang si Lance.
"Silence means yes." Sambit naman ni Yanyan.
"Yahh!!! May gusto ka kay Elle!!" Sabi ni Yza at nagtatalon.
"Psh, wag ka na umasa boy, taken na yan." Sambit ni Shan at tinapik sa balikat si Lance.
Nginisian naman ako nilang apat. Habang si Lance ay nanlalakong mata na nakatingin sa akin. Patay talaga kayong apat sa akin. Kami ni Kuya ang masusunod dito sa dorm kaya pwede ko silang bigyan ng punishment. Si Kuya naman, baka di niya ako payagan dahil kawawa daw ang tomboy babes niya. Psh.
"T-Taken ka na? Bakit di mo sinabi sa akin." Gulat na tanong niya sa akin.
"Sino ka ba para sabihan ng impormasyon tungkol sa akin?" Pagmamataray ko sa kaniya sabay taas ng isang kilay ko.
"Nagbago ka na nga." Sabi niya at umiling iling.
Bigla namang lumabas si Kuya sa kwarto niya na may bitbit na maleta. Sinamaan niya ng tingin si Lance na umiwas naman ng tingin. Bakit may maleta? Aalis ba siya? Tapos di man lang niya sinasabi sa akin. Binigyan ko naman siya ng nangangahulugang tingin at napabuntong hininga naman siya.
"Kaya ako may maleta kasi ako ang pinakagwapo-- Aray!" Sambit niya dahil binato ko siya ng librong binabasa ko. Jackpot pa dahil sa mukha tumama. Asintado kasi, maganda kasi ako.
"Babalik na tayo sa Pinas mamayang 7pm. Kaya mag impake na kayo." Sambit ni Kuya na ikinagulat namin.
"WHAT?!" Sabay sabay naming tanong.
"Oo, kaya ikaw lalake ka." Sambit ni Kuya at tinuro si Lance. "Lumayas ka, may gagawin kami." Dugtong ni Kuya at tumango naman si Lance.
"Bye guys." Paalam niya at tinanguan lang namin siya.
Napakamot naman siya sa ulo at unalis na sa dormitoryo namin. Nilakihan ko naman ng mata si Kuya at nagpapogi sign lang siya sa akin. Makakatanggap talaga toh sa akin ng batok mamaya. Pumunta na ako sa kwarto ko at nagsimula nang mag impake ng mga gamit ko. Hayst, magbabalik na uli ako sa Pilipinas. Napakadaming memories pero dapat di na binabalikan kasi past is past. Bakit kaya naisipan ni Kuyang bunalik sa Pilipinas? As in yung agad agad? Siguro may rason siya. Bakit di niya sinasabi sa akin? Kapatid niya ako for God's sake. Patay talaga yun sa akin mamaya. Babatukan ko yun at papaulanan ng sermon.
Natapos na akong mag impake ng mga gamit or rather mga damit ko at kinuha ko isa-isa ang mga poster ko na mga nakadigkit sa pader. Yes, nakadikit sa pader. Nakadikit kay Author. Nilagay ko ang mga BTS merch ko sa maleta ko. Pati na rin yung nga sapatos ko at heels. Hanggang sa isang gamit nalang ang wala sa maleta. Sumilip ako sa ilalim ng kama ko at nandoon ang isang box. Maalikabok na yung box na yun at hinipan ko yung alikabok palayo.
My Memories with him
Binuksan ko yung box at bumungad ang napakadaming pictures namin ni Ezekiel. Nandoon din yung bracelet at kwintas na bigay niya sa akin. Yung teddy bear naman na bigay niya sa akin? Ayun nasa Pilipinas. Sinaraduhan ko yung box at inilagay sa loob ng maleta ko. Hindi na ako masasaktan. Nakamove on na ako. Nagbago na ako....
Lumabas na ako ng kwarto ko dala ang black na maleta ko. Pagkalabas ko ng kwarto ay naaubtan ko si Kuya na nakaupo sa sofa at tinabihan ko naman siya.
"Bakit biglaan naman ata ang pag uwi natin??" Takang taning ko kay Kuya at tumingin siya sa akin.
"Dahil sobrang gwapo ng Ku-- ARAY!" Sambit ni Kuya dahil binatukan ko siya.
Nagpout naman siya sa akin at tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
~POINK!~
"Aray! Bakit ka nambatok sa Maganda?!" Ungol ko at magpout kay Kuya. Nakita ko namang bigla siyang napangisi at tumingin sa akin na mapang asar.
"Yieeee nabalik na ang dating Xandra. Babalik na yan yieeee." Sambit ni Kuya at sinundot ang tagiliran ko kaya napaigtad ako. Napairap naman ako. Sumeryoso naman ang mukha ko.
"Hindi na maibabalik ang dating ako and I'm not the old Xandra you used to know." Sambit ko at tumayo. Tumayo naman din si Kuya at hinarap ako. Seryoso siya ngayon.
"Alam mo Xandra nasobra ka na!!!" Sigaw ni Kuya sa akin na ikinagulat ko.
"Kasalanan ko bang magbago ako!? Alam mo naman ang pinagdaanan ko Kuya diba?!" Sigaw ko pabalik sa kaniya.
"Kahit na! Sumubra na ang pagbabago mo! Hindi ka na rumerespeto sa ibang tao! Nanakit ka ng mga taong wala namang atraso sayo! Tama ba yun? Ha?!" Sigaw sa akin ni Kuya at halatang galit na siya. Naginit na din ang dugo ko.
"Kesa naman ako ang saktan nila?! Pagod na ako! Pagod na ako na laging ako ang nasasaktan! Kaya uunahan ko na sila bago pa nila ako saktan!" Galit na sigaw ko pabalik kay Kuya.
Huminga ng malalim si Kuya at halatang pinipigilan ang galit niya. Bigla nalang siyang umalis at napaiyak at napahikbi naman ako. Pumunta muna ako uli sa kwarto ko at sinubsob ang mukha ko sa unan at dun ko nilabas lahat ng luha ko.
Naalala ko yung mga sinasabi ni Kuya. Tunay bang ako na naman ang mali? Masama bang lumaban? Ayaw ko na namang masaktan ako kase subrang sakit na! Ginagawa ko lang ang mga yun para protektahan ang sarili ko. Masama ba yun?! Masama?!?!?! Ako na naman ang may kasalanan! Ako naman lagi eh. Wala naman akong ginagawang masama! Lagi ng ako. Ako na naman putek. Lagi na bang ako ang mali?!
Hindi ko napansing nakatulog na pala ako.....
****
Nagising ako ng luhaan ako. Pinunasan ko ang mga luha ko at ginala ang paningin ko. Hay, nice yellow na uli kulay ng kwarto ko. Humiga nalang uli ako at yinakap ang malaki kong teddy bear at pumikit ako.
Bigla naman akong natauhan. Teddy bear, yellow room, bts posters, bts merch. White King sized bed.
NASA PINAS NA AKO?!?!?!
BINABASA MO ANG
The Campus Badboy is my Fiance?
Teen Fiction(COMPLETED) [HIGHEST RANK: #1 IN CAMPUSCRUSH] Ang hirap maging anak ng mayaman noh? Mapapa arrange marriage ka pa -__- Pero ano ang gagawin mo kapag ang fiance mo ay isang campus hearthrob at certified bad boy pa?? Kakainisan mo ba ito o mamahalin...