Chapter 6 - Start of Moving On II

10 1 0
                                    

You may think moving on is easy as long as you planned to do it. But when you're already in the situation.. it's hard

++ CynethIsTheName ++

"Anung ginagawa mo dito Troy?"

Napakamot lang siya sa ulo tapos ngumiti.

"Wala dito si Ate. May guesting. Ikaw? Hindi ka ba busy?" Tanong ko ulit ng hindi siya sumagot sa una kong tanong.

"Hindi naman siya ang pinunta ko dito. Ikaw. Uhm.. pwede ba kitang yayaing lumabas? Sunday naman." Nag aalangan niyang tanong.

"Ayoko. Baka dumugin tayo ng fans mo. I hate attention. Alam mo yan"

"Magdidisguise ako. Please." Nagpacute pa. Hindi naman cute.

"Ayoko nga sabi. Inaantok ako" Nilagpasan ko siya. Aakyat na sana ako sa kwarto ko kaso pinigilan niy ako sa braso.

"Sige na Chel. Namimiss ko na yung bonding natin e." Mukha siyang maamong tupa. Wala akong nagawa kundi pumayag.

"Maliligo lang ako. Hintayin mo ko."

"Sige. Makikigamit na din ako ng guest room para makapagpalit"

Tumango lang ako. Alam na naman niya kung nasaan ang guest room dito. Doon kasi sila madalas nag i stay ng mga kaklase niya pag nag o overnight sila dito. Classmates kasi sila ni Ate Cheska.

Naligo lang ako, tapos naglagay ng konting powder. After an hour. Lumabas na ako.

"Nasaan si Troy?" Tanong ko kay Clarence na kasalukuyang nanunuod ng TV sa sala.

"Nauna na daw sa kotse"

What? Napaka ungentleman talaga nun. Wag ko kaya siyang samahan. Hmp. Pero sayang naman ayos ko, kahit simple lang ayos ko. Nag effort pa rin ako mag prepare, kaya naman nakasimangot akong lumabas ng bahay.

 Nag effort pa rin ako mag prepare, kaya naman nakasimangot akong lumabas ng bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit nakasimangot ka? Napipilitan ka lang ba talaga? Pero okay na rin yan. At least andito ka pa din."

Hindi ko siya sinagot kasi natawa ako sa itsura niya. Haha.

Naka gray na wig siya tapos naka shades. Kung titigan, mukha pa rin naman siyang si Troy. Hindi lang masyadong pansinin kasi natatakpan ng cap.

"Daig mo pa ang kidnapper" di ko mapigilang kantiyaw.

Namula siya. Sarap talaga asarin neto. Close naman kami kaya lang naiinis ako sa kanya sa mga role na pinoportray niya. Pag hindi kontrabida. Badboy. Kagaya na lang sa movie nila ni Ate. Badboy na naman datingan niya. Ganun kasi talaga siya yubg itsura niya pero kung makikilala mo sa personal. Kabaliktaran ng mga roles niya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko habang nagdadrive siya.

"Sa mall. Kain tayo sa Jollibee.." Napataas naman ang kilay ko. Pero bago pa ako makapagsalita "Namimiss ko na kasi kumain sa fastfood. Nakakasawa na mga pagkain sa mga resto"

The Day We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon