Chapter 16

18 0 0
                                    

WEDDING DAY.

Ang bilis ng araw, parang kahapon lang noong may mangyaring mapusok sa pagitan namin ni Ghelo, ngayon ay ikakasal na ako... hindi nga lang sa kanya. Nalungkot ako sa kaisipang iyon pero natatanggap ko naman na kahit papaano. Malaking tulong ang closure na nangyari sa amin.

Araw ng kalayaan. Para sa lahat, itong araw na ito ay ipinagdiriwang dahil naging malaya ang laht ng mga Pilipino, ngunit kabaliktaran sa kaso ko, ako ay makukulong sa isang kasal na hindi ko gusto at kailanman ay hindi na makakalaya pa.

Nagkausap muli sila tito Andy, tita Ava, mom, dad, at ang mga kuya ko kasama kaming dalawa ni Andrew. Napag usapan ang tungkol sa sakit ko, at ang pagbabawal sa akin ng doktor na magbuntis. Kahit malungkot si tita Ava ay wala syang nagawa dahil naiintindihan nya. Ang nakapagpahaba ng usapan ay ang hindi nila pagpayag sa pananatili ko sa bahay. Sa huli ay sumang ayon ako na sa mansyon ng mga Dela Cruz tumira dahil sa pag kuwestyon ni tita Ava kung bakit si Andrew pa ang titira sa akin, sya raw ang lalaki kaya dapat ay ako ang ibahay nya. Dahil wala syang alam ay normal lang ang reaksyon nya kaya naman pumayag na ako. Nakapagusap naman na kami ni Andrew at sana, maging maayos ang pagtira ko sa kanila.

Maya't maya ang kuha sa akin ngphotographer at videographer, hanggang sa matapos ang pag aayos sa akin at pagbibihis ay nakasunod parin sila. Hanggang sa makarating ng simbahan ay naroon sila.

Nakatayo na ako ngayon sa pinto ng simbahan, pumikit ako habang nasarado pa ito at unti unting nagmulat kasabay ng pagbukas niyon.

Ano kaya talaga amg pakiramdam kapag sa mahal mo ikaw ikinasal?

Bago ako maglakad, pinagana kong muli ang imahinasyon ko. Agad akong napangiti nang makita ko si Angelo na nagaantay sa dulo ng altar. Mukha nya ang nakikita ko kahit na alam ko kung sino talaga ang nandoon. Unti unti ako naglakad hanggang sa marating ang gitna at sinalubong ko ng ama ko. Niyakap nya ako at bumulong.

"Anak, patawarin mo ang daddy ha? Patwarin mo ako at kailangan pang mauwi ang lahat sa ganito." Ang narinig kong mga salita sa gumagaralgal na boses galing sa kanya ang nakapagpatulo ng luha ko. Higut sa sarili ko ay ang pamilya ko ang importante. Kaya gagawin ko ito para sa kanila.

"Dad it's okay. I'm gonna be okay" humiwalay ako sa yakap at pinunasan ang mukha ni daddy. Kapagkuwa'y sinabit ang kamay ko sa kamay nya at nagpatuloy sa paglalakad. May nagpupunas ng luha at naantig sa tagpo naming mag ama, kung alam lang nila ang totoong istorya, malamang ay wala sila rito ngayon.

Nang malapit na sa dulo ng altar ay nakita ko ang mga kapatid ko, namamasa ang mga mata nila at mababakas ang sakit at lungkot. Bumitaw ako kay daddy para lumapit sa kanila.

"Don't cry brothers, ang papangit nyo nakikita kayo sa camera" binulong ko iyon sa kabilang tatlo at natawa naman sila ng bahagya, saka nila ako isa isang niyakap at tumuloy na ako sa lalaking mapapangasawa ko. Huminga ako ngmalalim bago tuluyang lumaput sa kanya. Hindi na ako umatras at pumalag pa. Ikinasal kaming dalawa.

PAPASOK kami ngayon sa sasakyan namin papuntang reception. Ang lahat ay nagsasaya at nagdiriwang, puso ko lamang ang hindi.

Si Andrew ang nagmamaneho habang ako ay nasa passenger seat. Hindi ko maiwasang maluha nasasaktan parin ako khit na tanggap ko na. Malalayo na ako sa mga kapatid ko, at hindi ko na makikita si Ghelo. Napakasakit sa akin ang kaisipang iyon pero wala akong magawa dahil nangyari na, tapos na ang kasal at hindi na para umatras pa.

BUONG reception ay soot ko ang maskara ng pagpapanggap. Pekeng ngiti ang ipinakita ko sa lahat, mababakas sa mga mukha nila ang kasiyahan ngunit sa akin ay hindi. Kakaunti lang naman kaming nakakaalam ng totoo kaya hindi ko sila masisisi.

Forever 'Till Eternity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon