CHAPTER 1
Zara's POV
Hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari. How i wish it was just all some freaking nightmare.
Naglalakad ako ngayon sa park kung saan dito kami palagi namamasyal ni Aze. Dito din kami unang nagkita. I remember that day, every inch of it.
"What a day" nasambit ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Nang hindi sa kalayuan ay may nakita akong asong kulay cookies and cream."Asan na kaya si zero?"
Ang weird kasi dati nung nabubuhay pa ako palagi akong nanunuod ng mga ghost stories at palaging nandun na kapag patay kana ay may makikita kang kapwa patay or kaluluwa. Pero eto pala yun?
"Wala kang may makausap. Walang may nakakakita sayo at kung meron man baka kaluluwa nya mismo ang aalis." natawa ako sa sarili kung naiisip.
It's the day of my burial at syempre gusto ko yung masaksihan it's my lifeless body who's gonna be rotten underground.
Nakita ko na ang parte kung saan mananahimik ng matiwasay ang maganda kong katawan. Then important perons started to came.
Except from him.
Bakit wala siya? Hindi niya pa siguro tanggap ang nangyari sakin. I keep on convincing myself.
Maya maya ay dumating na ang coffin ko. And they started go open it up. Nagsimula nading umiyak si mama pati si papa.
"I'm sorry for not knowing myself even better. Dahil kung kilala ko ito ay bala naagapan ko pa 'tong sakit ko." I screamed in deep frustration.
The mass started so fast that it also ended so rapidly. Nagsimula nadin silang umuwi. Ganon lang yun? Uuwi na sila at iiwan na ako dito. Siguro nga babalik sila, pero kailan?
I was about to go back sa park nang may batang lalake na naiwan dun mismo sa harap ng puntod ko.
Nilapitan ko siya para mas makita ang mukha nya. Pero nabigo ako dahil ni hindi ko man lang siya mamukhaan.
"Alam mo mabuti kapa. Mararanasan mo pang mabuhay. Makapag aral ng matagal at... At makasama ang mga taong importante sa buhay mo." I was talking to him as if he would hear me.
"Huh?" Napalingon ang batang lalake sa aking gawi.
N-naririnig niya ako? Siguro totoo nga na may ma taong nakakakita at nakakarinig ng mga kaluluwang katulad ko.
"Teka bata! Wag kang matakot." Pagpipigil ko sakanya dahil aakma na siyang tatakbo.
"No! Mama! The voices are coming back." Mangiyakngiyak niyang sabi.
"Shh! Wag kang umiyak." Pero imbis na tumahan ay mas lumakas ang kanyang paghikbi.
"Mama!" Tumakbo siya sa aking gawi at lumusot lang siya sakin. Lumingon naman ako sakanya at nasa likuran ko na ata ang mama niya. Ata?
"Shh. Don't let them scare you Lance. They're just your imagination." Nagulat ako sa sinabi ng 'mama' niya.
She doesn't believe him. Poor boy. But I pity myself even more.
Nagsimula na silang umalis dahil nagsimula nading bumuhos ang ulan.
Was that possible? Nakita niya ako? Narinig? Habang iniisip ko ang mga bagay na ito at parang naiibsan tong sakit na nararamdaman ko. Kahit sa ganitong paraan man lang.
As usuall. Nandito padin ako sa park. Nagmamasid. Umaasa na babalik so Aze dito. Natawa naman ako bigla ng maalala ko ang kapalpakan na nagawa niya noong first monthsary namin.
Napunta lang naman lahat ng cake sa mukha niya dahil inambahan ni Zero ang cake na tinatago niya sa kanyang likuran.
"Epic niya dun, pft." I said while I try to keep on remembering.
Sa eighteen years na namalagi ako dito sa mundo at napakasaya ko. May problema nga na dumadating pero nabibigyan din naman agad ng solusyon.
Pero tignan mo nga naman. Kaya pala siguro ganon dahil ay matatapos din pala agad.
Nagpatuloy ako sa aking paglilibot at sa bawat sulok ng park na ito at para bang may nakalaan na alaala naming dalawa. Ngunit bakit wala siya kanina? Hindi naman siya siguro nakalimot diba? Oh baka naman hindi niya pa tanggap.
Nakaplano na lahat dati. Na pagkatapos naming mag aral ay pupunta kami sa City of love. At dun daw kami magpapakasal. Then we will have our first night as husband and wife there. Ang layo na ng naplano namin. Pero siguro totoo nga sabi nila na kapag pinaplanohan, hindi yun natutuloy.
Weird, dahil hindi ako nagugutom. Hindi din ako napapagod. Pero may nararamdaman.
Natigilan ako sa pagiisip ng may lugar ako na naalala na palagi din naming pinupuntahan.
"Sa cathedral" pagsambit ko sa aking iniisip.
Medyo malayo ang tatahakin ko pero kaya din naman. Nung makarating na ako dun ay umupo ako sa isang bakanteng upuan at nagsimulang magdasal.
"JC! (Jesus Christ ) kamusta na kayo? Kailan niyo pa ako kukunin? Pero sana wag na muna ah? May tao pa kase akong binabantayan eh. Pwede 4 years pa ako dito? Para makita ko man lang na nakatapos na si Love. Na kahit siya nalang makita ko. Kahit siya nalang ang makakaapak sa entablado at nakasuot ng itim na toga. Kahit siya nalang" nagsimula ng tumulo ang aking luha pero nagpatuloy padin ako.
"JC, sana wag muna ah? Sina mama at papa. Gusto ko sana na mabantayan muna sila sa bahay. Ako lang naman ang nag iisang anak. Pero wala na." Tama, wala akong kapatid kaya dati buong atensyon ako na inaalagaan at minahala nila mama at papa.
"At sana kung dadating ang araw na 'yon. Na kukunin mo na ako. Sana mawala na ako sa kanilang mga alaala. Para hindi ako masaktan pag makita ko silang masaya na wala na ako sa piling nila." Ngayon ay nag uumapaw na ang luha ko dahil alam kong dadating at dadating ang araw na yun.
Ang maging masaya silang lahat kahit wala na ako.
Kung hindi sa park, sa cathedral. Dalawang destinations ko sa isang buong linggo. Hindi ko pa kase nadadalaw sila mama sa bahay. At hindi padin ako nakakabalik sa puntod ko. Cliché right?
I wanted to go somewhere. Like sa school? Or working place? Or kahit dito nalang ulit sa park.
I was busy watching lovers, family, friends, or persons passing by. At kahit isa ay wala pa akong may nakikilala. May bumibisita pa kaya sa puntod ko?
"ARF!" Napabalikwas naman ako ng bigla akong tinahulan ng aso. Teka? Ito yung aso na kulay cookies and cream na kamukha in Zero.
"Grr. ARF ARF ARF!" Patuloy niya na pagtahol kaya ang mga taong malapit sa kinaroroonan ng aso ay tila kinikilabutan dahil panay tahol nito sa wala. Ang iba pa nga ay nagsimulang lumipat ng pwesto
"Oy cookies and cream na aso tumahimik ka! Bala dakpin ka ng mga taga dog pound." Nilapitan ko ang aso dahil may nakita akong collar sa leeg neto.
"Oh so snow pala pangalan mo?" Kung buhay ako siguro napagkamalan na akong baliw dahil kinakausap ko tong si Snow the dog. Kaso patay ako eh. Wala naman sigurong mental hospital para sa kaluluwa diba.
"Snow!" Natigilan kaming dalawa ni cookies and cream nung may tumawag sakanya.
"Come here snow! Uuwi na tayo" pagtawag ng batang lalake.
"Familiar yung batang yun ah? Saan ko nga ba siya nakita?" Pag aalala ko.
"Tama! Sa puntod ko! Siya yung nakakarinig sakin. Siya si... Licn? Luhn? L-" hindi ko na natuloy ang pag iisip ko ng makita ko si...
"Aze?" I said in confusion.
"Daddy!" Pagtawag ni...
"Lance"
Anak niya si Lance? It can't be. He's too young for that.
But if that's the case. Sino? Sino ang mama ni Lance?
_TriaChie_