SHADOWS 4

22 4 0
                                    

Tazara's POV

Alam naman ni Lance kung daan papunta sa bahay nila kaya ako naman at si cookies ay sumusunod lang sakanya. Actually ang cute nung gawi niya ngayon. Naka hawak siya sa patpat niya habang dahang dahang nag lalakad na may matching lingon lingon sa paligid niya. 

Marami namang street lights patungo sakanila at medyo malapit ngalang talaga ang bahay nila sa park. No wonder kung bakit napadpad siya dun.

"We are here cookies!" Masayang anunsyo niya dito.

Nakita ko ang kabuoan ng bahay at ang laki neto. Siguro planadong planado talaga silang dalawa at ano ako? Epal. Kaya nawala ako eh. 

Napabuntong hinga nalang ako sa mga iniisip ko.

"Hey lady ghost! Let's go inside." Pag yaya niya dito at hindi paman ako nakasagot ay nagsimula na siyang pumasok.

"Hey Lance! Hintayin mo naman ako." Sabi sabay takbo para maabutan sila ni cookies.

Ang laki ng bahay nila. Sobra. 

"Hey lady ghost! Let's go inside sa room ko." Pabulong niyang sabi at sinenyasan niya ako na sumunod sakanya.

Aakyat na sana kami ng hagdan ng biglang may tumawag sakanya. At kilalang kilala ko ang nag mamay ari ng boses na yon.

"Lance? Where have you been?" Sa tono ng pananalita niya ay parang hindi niya talaga namalayan na nakalabas ng bahay any anak niya.

"Sa garden daddy." Mailing sagot into at nagtatakbo na si Lance sa kwarto niya.

"Psst lady ghost in here!" Pabulong padin siyang tumatawag sakin.

Ng makapasok na kami sa kwarto niya ay labis ang pagkamangha ko. Marami siyang Lego na collections. Robots at mga paper planes. At ang kama niya naman ay pwedeng pantatlo. I must say he's a very oriented boy. Siguro pag lumaki na itong batang to ay maraming magkakandarapa sakanya.

"Lady ghost?" Pagtawag niya muli sakin pero this time ay nasa normal na lakas na iyon.

"You're a very tidy boy alam mo yun?" He just nodded at nagsimulang maghubad ng T-shirt niya.

"Lady ghost turn your back I'll just take a bath." Padang nahihiyang sabi pa niya.

"Haha wala pa naman ako diyang masisilip ah!" Namula ang tenga niya at pumasok ng tuluyan sa banyo. He's so cute and adorable.

It took him just 10 minutes at nakalabas na siya na naka pantulog. Mga little arkanghel ang nasa pajamas niya at plain white sando naman ang pang itaas. 

Aabutin na niya sana ang aircon ng kwarto niya pero hindi niya ito maabot. Kaya kumuha siya ng stool para maabot ito. Yung remote kasi neto ay nakapatong din sa taas ng aircon.

"Lady ghost you can sleep beside me. And si snow ay sa sofa matutulog" he said while tapping the bed space beside him.

Lumapit nalang ako sakanya at nahiga nadin. He's so adorable talaga. Pinagmasdan ko kasi siya habang pinipikit ang mata niya. 

"You know what lady ghost? You're pretty." He said in closed eyes. 

That means he can't just hear me. But he can also see me. 

Nagising ako dahil sa kaluskos ng pintuan. Si cookies pala yun baka gusto ng maihi sa labas. Lumbas ako at nahawakan ko din naman ang door knob kaya nabuksan ko iyon.

Naunang bumaba si cookies samantalang ako naman ay hinay hinay sa paglalakad para hindi makagawa ng anumang ingay.

"Snow, good boy." Narinig ko iyon na nanggaling sa may kusina kaya napasilip ako para kompirmahin na si Aze nga yon.

"Up" sabay talon ni cookies para abutin ang tinapay na winawagay way ni aze sa ere.

Namula naman ako bigla sa nakita. He's topless. And I admit he's sizzling hot with those 6 pack abs. Siguro galing siya sa jogging dahil basang basa ang buong katawan neto sa pawis.

"ARF!" Nagulat naman ako ng biglang tumakbo si Cookies patungo sakin. 

"Cookies tumahimik ka. Baka matakot yang amo mo!" Pagbabanta ko sakanya. Pero tila bang mas nasiyahan pa ito dahil nagpaikot ikot ito sakin kaya nung balingan ko ng tingin si Aze ay takang taka ito kung sino ang nilalaro ng aso.

"Hon, ba't ang ingay ni snow?" Napatingin naman ako sa hagdan at nakita ko Liah na naka robe lang. Halatang bagong gising.

"Hindi ko alam. He's acting strange." Nagsalin naman ng tubig si Aze at binigay iyon kay Liah. 

Hindi ko alam kong ano tong nararamdaman dahil halo halo eto. Nagagalit na na lulungkot na naghihinayang at may konting.... tuwa.

"Ba't ang aga mong nagising?" Hinapit naman ni Aze and bewang neto rason para mapasandal si Liah dito.

"Ang ingay kase ni Snow." She said in a seductive voice. Argh! Now this time alam kong nagseselos ako!

"So what do you want for breakfast?" Mas lumapit naman ang mukha ni Aze kay Liah at ilang pulgada nalang ay maaring magtama ang mga labi nila.

"Hmm, you?" Parang nakikiliting sabi niya. Ang landi niya! I never did that to Aze before! Well maybe sometimes. But not this .... Argh wala along madugtong.

Then by that their lips met. 

It was just a smack pero parang nasamlapak ang puso ko sa lakas ng impact.

Nararamdaman ko nalang ang sarili ko na tumatakbo palayo sa bahay na iyon. I won't ever go back inside that house. Bawat hakbang na tinatahak ko ay mas naiibsan ang sakit at galit sa puso ko. 

"Patay na ako diba? Patay na! Pero bakit yung pagmamahal ko sakanya buhay na buhay pa!" Napaupo nalang ako sa gitna ng daan habang patuloy na umiiyak. 

"Bakit ba kase dumating kapa? Bakit pa kase dumating tong letcheng sakit ko!? Hanggang pagsisisi nalang ba ako?" Sobrang lakas na ng pagsisigaw ko pero ang mga taong nag dadaan sa tabi ko ay parang wala lang. 

Who am I to be heard? I'm just a soul. Nothing more nor nothing less.

Tatayo na sana ako pabalik sa park nang may truck na tinatahak ang daan kung saan mismo ako nakaupo. Namamatay din kaya ulit ang patay na?

Tumayo ako and I spread my arms on both side just like rose did sa titanic. I started to close my eyes waiting for something to hit me pero wala. So I decided to open my eyes. Tamang tama at nabangga na ako ng truck pero yung katawan ko? Parang naging usok ay nung nakalampas na lahat ng truck sakin ay parang may magnet na nabuo ulit ako.

Kinapa ko ang sarili ko at eto ako. Buhay na patay. Damn is it even possible!? At dahil medyo napagod na ako ay bagsak na balikat akong bumalik sa park. Lunes na pala bukas kaya pupunta nalang ako sa cathedral.

Nang nakarating na ako sa park ay nakita ko ang dati kong kaibigan. 

"Qrystyll!" Pagtawag ko sakanya pero hindi niya man lang ako natignan. What do I expect? Na haharap siya? I'm stupid.

Maya maya ay may lalakeng umakbay sakanya at namumukhaan ko siya. It was his boy best friend.

"Bryle baby ang tagal mo!" Ngumuso naman si Qrystyll kaya nahalikan ito ni bryle agad agad.

"Buti pa sila. Magkakasama noon hanggang ngayon. At tadhana mga naman. Sila pala talaga ang para sa isat isa." Sa mga sinabi kong yun ay bumalik lahat ng paghihinayang ko. Paghihinayang sa pagkakataon na mabuhay.


_TriaChie_

Shadow LoveWhere stories live. Discover now