Jigger's POV
"WHAT.. "
"What are you doing?.. " aniko nang maabutan si Levi sa may kusina.
"You're happy, I'm not.. pabayaan mo ako sa gusto ko. "
"Tsk. What's that drama? " Nilagpasan ko ito, na nakaupo sa may dining table at naglakad ako papuntang lababo.
Agang-aga..
Nagtimpla ako ng dalawang kape para sa aming dalawa, saka ito binalikan sa may lamesa at naupo sa katabing stool.
Hindi ko alam kung ano namang drama ngayon ng isang ito. It's only six in the morning and he's already drinking some beer. This idiot.
"My heart is aching.. " anito at tinapik-tapik ang dibdib. "I'm broken hearted. I'm f*cking miserable and.. Ahaha. This is the end of my stupid life. "
"Here.. " inisod ko rito ang itinimpla kong kape para sa kan'ya.
".. thank you. "
"I'm going to the rest house after this. Are you coming with me? "
"Sure.. " mukhang lasing na talaga ang isang ito. Tinititigan n'ya lang yung ini-abot kong kape.
"Dude.. "
"Yeah? "
"Again, I'm sorry. "
"Ah.. yeah. "
Saglit kaming natahimik pareho.
"Promise, I'll do my best now to be a good man for her. "
"Good. Very good.. " lalo itong nagyuko ng ulo.
"I won't make her cry again. "
".. better. "
"And I will never disappoint my best friend again, promise.. "
"... Yeah, try me again and I'll make sure that you'll never see the light of happiness after. "
"Tsk. Lasing ka ng gago ka. " Nginisian ko ito at bahagyang pinitik sa ulo.
"Hoy! " Bigla naman itong nag-angat ng tingin. "Hindi porque sinagot ka na ng taong mahal mo ay may karapatan ka nang gan'yanin ako! "
"Stupid. What are you saying?.. hindi pa kami ni Cheska. " Inilingan ko s'ya ulit.
"Huh. 'Wag mo akong ngitian d'yan. Nakakapikon. " Inirapan ako nito at naghalumbaba sa lamesa. "Sa'yo na lang iyang isang bote. Hindi ko na kaya. "
Lalo akong napangisi. "Agang-aga kasi. "
"I'm a unique person. What do you expect? "
Hindi na lang ako muling umimik at dinampot yung isang bote sa gilid n'ya. Pagbibigyan ko na lang ito sa kan'yang kayabangan ngayon. Mahirap na at baka biglang umiyak.
But seriously.. hindi ko pa rin alam kung paano ito tatratuhin ng normal, yung kagaya ng dati. Nahihirapan ako sa mga ikinikilos nito ngayon.
BINABASA MO ANG
May The Best Jerk Win
General FictionAyokong makitang masaya si Cheska noon. Hindi ko gustong nakakaramdam ito na may isa pang nagpapahalaga sa kan'ya, bukod sa mga magulang ko. Naging selfish ako at pilit na inilayo ito sa presensya ni Levi. Nagawa ko iyon dahil sa matinding galit. Pe...