Miruelle
Nagising akong may ngiti sa aking mga labi. As in wide smile. Dahan-dahan akong bumaba sa kama dahil natutulog pa si beshy.
Agad akong dumiretso sa bintana at binuksan ito nang hindi pa nagsusuklay at naghihilamos.
Sa pagbukas ko ng bintana ay bumungad sa akin ang napaka preskong hangin at napaka-gwapong nilalang.
"Kuya Matt!"pagtawag sa kanya ng kapatid niya at may sinabi sa kuya niya.
Ang ganda ng umaga ko.
Sino ba naman ang hindi gaganda ang umaga kung kasing-ganda ng panaginip ko ang mapapanaginipan niyo. Isama mo pa ang dalawang gwapong nilalang ang bumungad sa aking umaga.
Sumandal ako sa gilid ng bintana habang pinagmamasdan si Matt, si Matt na naliligo sa poso. He is shirtless habang nakashort lang. Gosh yung mga muscle niya bumabakat sa tuwing gumagalaw siya. Ugh I think I'm drooling.
Sa panaginip ko niligtas daw ako ni Matt sa bad guy. Tapos bilang thank you niyakap ko daw at hinalikan ang pisngi ni Matt. Ang hot pa naman ni Matt sa panaginip ko kase shirtless siya tapos wet look. Just like what I am seeing right now.
"Wooh nice view you got there beshy."
"Absolutely beshy.Kanin nalang kulang busog nako."
Wala sa sarili kong sagot.
"Tsk. I never thought may pagka manyak ka rin pala Miruelle Adaya." Bulong sa akin ni beshy kaya napatayo ako ng tuwid.
"H-Hoy. Anong sabi mo beshy? Wala lang kaya yun." Mautal utal ko na sabi at sinundan si beshy sa harap ng cabinet.
"Anong wala."sabi nito na nakangisi. "Eh kung titigan mo si Matthew parang pinagnanasahan mo."giit pa nito.
"Ikaw, napaka-judgemental mo talaga Garet!" Irap ko sa sakanya.
"Beshy, hindi mo ba alam yung kasabihang ang sinong marunong bigyang halaga ang likha ng Diyos ay siyang pinagpapala." Alibay ko na ikinakunot noo niya.
"Teka, meron bang ganun?"nagtataka niyang sabi.
Napailing-iling ako sa kanya na parang di makapaniwala.
"Meron beshy. Tsk buklat-buklat din kase ng bible. Anyways, yun nga ang ginagawa ko kanina. I'm just appreciating God's creation." pagpapaliwanag ko sa kanya.
"At isa na dun si Matt?"
"Uh bakit? Gawa rin naman tayo ng Diyos ah?"balik tanong ko sa kanya.
"Ugh, whatever. Geh una nako sa iyo sa baba. Continue what you are doing." Sabi nalang nito at lumabas na ng kwarto. Nang saktong sumara ang pinto ay dali-dali akong tumungo ulit sa bintana ngunit pagtingin ko ay wala na doon si Matt.
Aish. Sayang. Tapos na yatang maligo si Matt. Hmp. Kainis naman kase si beshy. Panira.
At dahil nga wala na doon si Matt ay napagpasyahan ko na din bumaba matapos magsuklay ng buhok.
"Oh hija, mukhang maganda yata ang gising mo ngayon ah. Blooming eh." Bungad sa akin ni tiya Ema na kasalukuyang nagtitimpla nang kape para sa kanyang kabiyak na si tiyo Lito.
"Salamat langga." Wika naman ni tiyo nang iabot sa kanya ang kape.
"Ah hehe hindi naman po tiya. Mahimbing po kase ang tulog ko." sagot ko naman at nilagyan ng sangag ang pinggan ko. We're having breakfast.
"Buti naman kung ganun. Akala ko ay hindi ka makakatulog ng maayos dahil napansin kong nagtatakbo ka papasok kagabi galing sa labas." bunyag ni Lola Mareng na kakapasok lang galing sa likod. Bigla naman akong nabulunan buti nalang ay inabutan ako ni beshy na kakarating lang.
BINABASA MO ANG
When Summer Begin
RomanceIn Every girl's life, there is a boy she'll never forget... And a summer it all began.