- 10 -

10 3 0
                                    

Miruelle

Masaya akong tumulong kay Tiya Mona sa paghahanda ng mga ingredients tulad nalang ng brown sugar, muscovado sugar, buko juice or pwede din water, calamansi, sesame seeds, banana leaves at syempre ang…

“Ito na ang buko palangga.” Sabi ni Tiyo Lando ang papa ni Matt na kakapasok lang bitbit ang kinayod na buko—ang main ingredients ng bukayo.

“Salamat palangga.” sagot naman ni Tiya Mona at ginawaran ng halik sa pisngi ang asawa.

They are so sweet.

Ngayon ko mas nakilala kung anong ugali ni Tiyo Lando. He is reserved. Hindi masyadong nagsasalita ngunit pagdating kay tiya Mona ay napaka-sweet nito at palaging pinapatawa ito.

“Oh nandito ka pala Elle.” Bati sa akin nito.

“Ah opo. Magpapaturo ako kay Tiya Mona magluto ng bukayo.” Magalang na sagot ko dito.

“Mabuti kung ganun. Alam mo bang paborito ni Matthew ang bukayo.” Nakangiti nitong sabi sa akin.

“T-Talaga po?” hindi ko akalain mahilig pala sa matamis yung lalaking yon. Di ko naman kase siya nakikitang kumakain ng matatamis eh kahit ng bukayo.

Tumango si Tiyo Lando at mamaya ay nagpaalam na rin dahil magsisibak pa daw ito ng kahoy upang may panggatong kami.

Oo nga pala, dito sa kanila ay hindi uso ang stove. Ang gamit nila pangluto ay kahoy. May apat na batong may saktong laki ang nakapabilog tapos doon ipapatong yung kawali. Sa ilalim nun ay lalagya ng kahoy at sisigahan ito. Ang astig diba.

Bagong kaalaman na naman Miruelle.

At least pag ako na trap sa isla ay marunong na ako magluto gamit ang kahoy at bato.

“Naku, kulang itong kalamansi. Kailangan kong kumuha muna sa hardin.” anunsyo ni Tiya Mona kaya napatingin ako sa kanya.

“Ah gusto niyo po ako napo muna ang magbantay dito. Huwag po kayong mag-alala kaya ko po itong sigaan.” sabi ko sabay turo sa gatong.

Hindi ko kase alam papuntang garden nila kaya mas mabuting ako nalang ang mag siga kesa ang kumuha ng kalamansi.

“Sigurado ka ba jan hija?” nag-aalangang tanong ni tiya Mona.

“Opo sigurado po.” pag-aassure ko na kalaunan ay napatango na din si tiya Mona.

“Sige maiwan muna kita dito. Bibilisan ko nalang ang pagkuha.”

“Take your time po tiya.” Sagot ko naman ng nakangiti. Nang makaalis si tiya Mona ay hinarap ko na yung kailangan ko sigaan.

Napakamot ako sa ulo dahil sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko. I never been tried doing this thing in my entire life.

Hingang malalim Miruelle. Kaya mo yan.

Mapapaapoy mo yang kahoy nayan.
Nakita ko naman kung paano magsiga si Lola Mareng kaya gagayahin ko nalang siya. Inayos ko ang pagkakalagay ng kahoy. I make sure na magkakadantay ang mga gatong kong kahoy ng sa ganun madali itong umapoy tapos naglagay ako ng tuyong dahon sa ilalim nito pero konti lang naman para kahit papaano ay may lalabasan parin ng usok.

Next ay kumuha ako ng posporo. Kiniskis ko ito sa lalagyan niya upang magkaapoy at sinindahan ang dahon na hawak ko. Nang nagkaapoy na ang dahon na hawak ko ay agad ko itong itinapat sa gatong ko. Unti unti ay nagkakaapoy na din ang siga ko. Pero di rin nagtagal ay namatay ito.

“What the!?” gulat na sigaw ko.

“Oh great. Relax Elle. First attempt pa lang iyon. Don’t give up.” Pagkausap ko sa sarili ko at sinimulan muli ang ginawa ko kanina.

When Summer BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon