Miruelle
Kinagabihan, maagang pumasok sa kanya-kanyang kwarto ang mga matatanda dahil kailangan nilang gumising ng maaga. Alas-otso pa lamang ng gabi kaya gising na gising pa yung diwa ko.
Samantalang si beshy naman ay naghihilik na sa kwarto, napagod yata sa paggawa ng banig kanina. Yeah right, gumawa kami ng banig kanina pagkatapos namin magtanghalian. Ang saya nga eh. Kahit hindi ako marunong pero madali ko naman natutunan, salamat kay Matt. Tinuruan niya kase ako. Kanina ko nga lang din nalaman na gumagawa pala sila nun.
Ayon kay lola Mareng hobby lang naman daw talaga nila iyon. Pero ansaya kaya ng hobby nila. Parang bonding with family's na din kase which is find so cute and sincere.
Unlike how other family bond.I mean its like, kung hindi ba kayo makakapunta sa mga beach, malls, mga lugar na malalayo like Baguio, Boracay etc ay hindi na pwedeng magkaroon ang bonding ng pamilya?
Unlike here in province, simpleng salu-salo lang kahit nga sa hapag kainan lang pero yung family bonding makikita mo talaga sa kanila. Hay nako, bakit nga ba ako nakikialam sa iba, eh kung ganun talaga sila mag-family bonding.
Ikaw talaga Miruelle pakialamera. Hmp.
Iyong mga nagawa naming mga banig ay ibinebenta daw sa syudad, minsan naman ay may umuorder din kaya talagang kahit nasa bahay ka lang, may pagkakakitaan ka dito. Iba't ibang sizes din kase ang ginagawa nila tulad nalang ng single bed size, double, queen at king size. Pero pag malaki syempre mas matagal siya gawin.
At dahil hindi pa ako inaantok kung kaya napagpasiyahan ko na lumabas ng bahay at pumunta ng kubo dala-dala ang sketching pad ko. Matapos ang pagmumuni-muni ay nagsimula na akong iguhit ang kalangitan.
Isa sa mga paborito kong gawin tuwing gabi dito ay pagmasdan ang mga bituin. Maliban sa gustong-gusto ko ang nakikita ang mga bituin ay mas nakakamangha ang bituin dito. Hindi katulad sa Manila na kakaunti lang ang makikita dahil sa polusyon sa hangin na dulot ng usok ng mga sasakyan at pabrika. Dito sa probinsya, dahil nga masyadong mababa ang porsyento ng polusyon ay kaya naman kitang kita ang nagniningning na mga bituin.
"So you're an artist ha?"natigilan ako sa ginagawa ko ng makarinig na pamilyar na boses galing sa likod ko.
"No wonder madali kang natuto kanina kung papaano maghabi ng banig." I gave him a looked at saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Anong ginagawa ng lalaking ito dito.
"Hmm. In fairness you got a talent there." Aniya. I don't know if matutuwa ba ako sa sinabi or maiinis. Kaya imbes na sagutin siya ay inirapan ko nalang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Naiinis pa rin ako sa kanya. Matapos lang naman kase ang tanghalian ay napuno na kami dalawa ng tukso. Kahit nung gumagawa kami ng banig.
"Tsk. Sungit." Bulong niya sa sarili ngunit dahil matalas ang pandinig ko kaya hindi ito nakalagpas sa akin.
"What did you say?" kalmang tanong ko sa kanya.
"What? Did I say something?" painosente nitong sabi. Is he playing with me? Tss. Ang bakla lang.
"Whatever.....Mr. Gay." Banat ko naman sa kanya.
Bakit ko siya tinawag na bakla? Well nababaklaan kase ako sa kanya. Isama mo pa ang palaging pag-irap niya sa akin. Kaya masarap siyang tuksuhin na bakla. And guess what, effective naman.
BINABASA MO ANG
When Summer Begin
RomanceIn Every girl's life, there is a boy she'll never forget... And a summer it all began.