Miruelle
Kasabay ng pagmulat ko ng mga mata ay ang pag-ubo ko kasama nun ay tubig na siguradong naiinom ko kanina. Hinahabol ko ang aking hininga habang ramdam ko ang malaking palad ang humahagod sa aking likod.
"Oh my God. Beshy okay ka lang ba."di ko man siya nakikita ay alam kong si beshy yun ang nagsalita.
"Hey, you okay?" tanong naman sa akin ni Matt habang inaalalayan akong makaupo ng maayos. Nangmahimasmasan ay saka na ako nagsalita.
"Y-Yeah I'm fine." Tugon at agad ko naman naramdaman ang mahigpit na yakap ni beshy.
"Sorry beshy ginulat ko kayo kanina. Akala ko talaga mawawala ka na sa amin. Hindi pwede mangyari yun maliban sa malalagot ako kay tito Martin, tiyak mawawalan na din ako ng trabaho. Sorry talaga beshy." Atungal ni beshy habang yakap-yakap ako. Ah oo nga pala, di ko yata nasabing OA din pala itong bestfriend ko.
"Ano ka ba. Ang OA mo na naman. Wag ka na nga magdrama jan. Ang dugyot mo tingnan." Natatawang sabi ko sakanya.
"Beshy!" sigaw niya sa akin. Ayaw na ayaw niya kaseng sinasabihan siyang dugyot. Kaya ayun pinagtawanan ko siya at nagtawanan kaming dalawa.
"Ehem."natigilan kami sa pagtatawanan ng marinig ang pag-igham ni Matt. Shocks, kasama nga pala naming si Matt dito.
"Parang okay na naman si....ya. Mauna na ako." Sabi nito at mabilis na umalis at iniwan kaming dalawa ni beshy.
"Anyare dun? Parang kanina lang alalang-alala siya sayo tapos ngayon balik suplado na naman. Bipolar talaga ang isang yung." Nagtatakang tanong ni beshy na ikinibit-balikat ko lang.
||||||
Parang bigla akong nakaramdam ng pagkadismaya sa ikinikilos ni Matt. Unang dahilan, bakit hindi niya mabanggit ang pangalan ko kanina? It's like he is disgust to mention my name. Pero nung nalulunod ako for the first time tinawag niya ako sa pangalan ko. Nakaka-inis siya.
Pangalawa, buong tanghali hanggang maghanpon ay hindi niya ako pinapansin.
Nandito lang naman kami sa dalampasigan malapit sa punot kung tawagin nila.
I don't know how do they call it in tagalog pero yung itsura niya kase ay yung black fishing net ay nakakabit sa mga kawayan. Tapos nakatusok naman yung mga kawayan sa buhangin ng dagat. Parang nakaform ng letter W at sa bandang gitna ay may pabilog.
Sabi ng papa ni Matt yung pabilog nabahagi ay dun daw nakukulong ang mga isda na siyang magiging huli naming. Oh diba ang galing? Ngayon ko lang nalaman na may ganitong paraan pala ng pangingisda.
"Beshy dun lang ako kay lola ha." Sabi sa akin ni beshy sabay turo kay lola Mareng na nagbubuhat ng bato. Wooh. Ang tanda na ni lola pero akalain mo yun ang lakas-lakas pa niya. Iba talaga ang mga matatanda dito.
Ako anong ginagawa ko? Kakatapos ko lang naman linisin ang lambat. Tinanggalan ko ng mga dahon na nakasabit. Yun na nga eh natapos nalang ako sa ginagawa ko pero si Matt iniiwasan pa rin ako. Nakakainis na siya ha.
Pero teka bakit ko ba pinoproblema ang hindi niya pagpansin sa akin. Ako si Miruelle naiinis sa kay Matt dahil hindi pinapansin? Teka lang muna, bago yata ito sa akin. Nakakainis. At dahil naiinis ako kailangan kong libangin ang sarili ko. Hmp.
Naisipan kong maglakad-lakad dito sa dalampasigan tutal mukhang marami pa naman silang ginagawa kaya lilibangin ko muna ang sarili ko. Sa paglalakad ko ay napadpad ako dito sa mabatong part ng dagat.
Low tide kaya napakalawak ngayon ng sakop na walang tubig dagat. Hanggang sa mapadpad ako dito sa isang picturesque part ng kabatuhan. Like wow! Mga kabatuhan siya pero sa bandang gitna ay may isang malaking batong dagat na tila parang trono ang dating. Kung may mermaid lang akong nakikita ngayon mapagkakamalan kong kaharian ito ng mga sirena.
BINABASA MO ANG
When Summer Begin
RomanceIn Every girl's life, there is a boy she'll never forget... And a summer it all began.