Miruelle
Araw ng Sabado at nandito kami ngayon sa bayan ni beshy. Napag-utusan kase kami ng mama niya kami nalang ang mamili ng grocery para sa lulutuin. Piyesta nga pala ngayon sa lugar nila beshy. And guess what? Instead na sa supermarket kami pumunta ay nandito kami ngayon sa palengke.
Sa totoo lang ito ang unang beses na makapunta ako sa palengke dahil sanay akong sa supermarket mamili ng groceries. Dinadadaan-daanan lang naman namin ang palengke dati. Pero ngayon? Here I am standing inside the wet market. Another new experience to me.
“Beshy dito ka muna. Nakalimutan ko palang bumili ng white sugar.” Sabi ni beshy na ikinatigil naming sa paglalakad. Malapit na kami sa terminal ng tricycle kung saan kami sasakay pauwi.
“Samahan na kita beshy.” presenta ko. Hindi pa naman ako pagod.
“Huwag na beshy ako nalang. Mas mapapabilis kung ako lang ang pupunta. Bantayan mo nalang ang mga pinamili natin dito. Okay?”
“Sige besh. Ingat.” Ayun at naglakad na si beshy papasok ulit sa palengke. Tama nga naman siya mas mapapabilis siya kase walang bitbit na mabigat.
Napalingon-lingon ako sa kabuuan ng palengke ng mapadako ang mga mata ko sa aleng nagtitinda ng mga kakanin. She’s pregnant at titig na titig siya sa akin.
“Kagwapa man nimo day uy.” Sabi nito na ikinagulat ko naman. Ako ba kausap niya? Napalingon ako sa likod wala naman tao bukod sa akin.
“Ah ako po ba kausap niyo?” tanong ko at tumango naman yung ale.
“Gwapa kayo ka. Unta kasing gwapa nimo ang akong anak pag panganak nako.” Sabi ulit nito naikinakamot ko ng ulo. Anong sinasabi niya. Di ko gets.
“Ah an----.”
“Ang sabi niya sobrang ganda mo daw at sana kasing ganda mo ang magiging baby niya.”Bigla akong natigilan ng marinig ang pamilyar na boses.
How I miss his voice.
“M-Matt.” tanging sambit ko at napatingin sa kanya na nasa tabi ko na. He’s wearing fitted knitted black shirt, maong pants at sneakers. He’s so damn hot. Napakabango pa niya.
“Kumusta Aling Lucy? Kanus-a ka manganak?” (Kelan ka po manganganak) sabi nito dun sa ale.
“Ok ra man dong. Sa August pa ko manganak. Maninoy ka dong ha.” (Okay lang hijo. Sa August pa ako manganganak. Ninong ka ha.) Sagot naman nung Aling Lucy.
“Sige po.” Masayang sagot naman ni Matt. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila kase naman hindi ko sila maintindihan.
“Unsa man nimo ning gwapa na dalaga sa imong tapad dong? Uyab nimo?” (Kaano-ano mo naman ang magandang dalagang ito sa tabi mo hijo? Kasintahan mo?) mahabang sabi ni Aling Lucy na may ngiti sa mukha at si Matt naman ay malapad din ang ngiting itinugon.
“Dili pa. Pero akoa ning pangasaw-on.” (Hindi po. Pero aasawahin ko po ang babaeng ito.) base sa expression ni Matt tila proud pa siya sa sinasabi niya. Ano kaya ang pinag-uusapan nila.
“Hala. Pagdasig dong basin maunahan ka pa.” (Aba. Bilisan mo baka maunahan ka pa.) Natatawang sagot naman ni Aling Lucy.
BINABASA MO ANG
When Summer Begin
RomanceIn Every girl's life, there is a boy she'll never forget... And a summer it all began.