Andrea's POV
Bata pa lang ako, mahilig na akong sumali sa mga beauty contest, and I always win. Ayoko sa lahat 'yong matalo ako, kaya I do everything para manalo. People call me a heartless bitch, well hindi ko sila masisi. Aaminin ko, ang dami ko ng lalaking niloko. I'm just using them to get what I want vivian it. Its their fault kasi uto-uto sila. I don't care kung ano man ang isipin nila sakin. I love myself, and that's enough for me to live my life.
"Best, kinukulit na naman ako ni Marco. Magkita raw kami mamaya after ng duty ko."
Roanne: "Best ano ka ba, gusto mo bang mag-away na naman kayo ng boyfriend mo?"
" Wala naman akong paki sa kanya, at tsaka nambabae rin naman iyon."
Roanne: "Ewan ko sayo best, hindi ka ba naawa sa tao. Ang dami-dami ng nabigay sayo tapos ito pa ang igaganti mo. At tsaka may pruweba ka ba na nambabae sya? Ikaw nga 'tong kung sino-sino iyong kachat na lalaki."
"Anong magagawa ko, eh sa maganda ako eh. San pa sila makakahanap ng kagaya ko, maganda na sexy pa." Sabay harap sa salamin.
Roanne: "Ewan ko sa'yo, best friend kita at mahal kita. Ayaw ko lang dumating 'yong araw na baka makarma ka sa mga pinagagagawa mo. Kaya please lang magbago ka na bago pa mahuli ang lahat. Anyway una na ako, baka malate pa ko sa kakasermon sayo. Bye best."
"Bye best, ingat ka."
Bata pa lang kami, magkaibigan na kami ni Roanne. Ang dami ko ng friend na sumuko at naging mortal enemy ko dahil sa attitude ko. Kaya sobrang thankful ako sa kanya. Hanggang sa makapag-abroad ako, ginawa ko lahat para mapilit siya na sumunod sa akin. Sobrang lungkot kasi iyong naramdaman ko noon, wala akong kasama lumabas sa tuwing naboboring ako.
Dalawa lang kami ng best ko sa room, pero nahihirapan na kami sa gastusin. Kaya kelangan na naming makahanap ng isa pa, para mabawasan iyong bayarin namin sa upa. Sana naman may mahanap na siya this week kasi malapit ng magkatapusan.
After ng duty ko, nakipagkita pa rin ako kay Marco.
Marco: "Kumusta ka na? Ang tagal na nating di nagkita ah. Heto nga pala iyong pinapabili mo."
"Bakit tim hortons? Hindi ba sabi ko starbucks iyong kape na ibibili mo sakin?" Pagalit na sabi ko.
Marco: "Sorry ha, medyo malayo kasi sa bahay ninyo iyong bilihan ng starbucks, kaya sa tim hortons na lang ako bumili para mainit pa pagdating ko dito."
"Ang sabihin mo nagtitipid ka lang, see? Kaya ako nakipag-break sa'yo dati kasi ang kuri-kuripot mo."
Marco: "Pwede bang mag-thank you ka na lang sa effort na ginawa ko. Totoo iyong sinabi ko malayo talaga dito iyong bilihan ng starbucks. At tska diba dati nagalit ka rin sakin kasi malamig na kape iyong binigay ko sa'yo. Ayaw ko lang magalit ka ulit, I didn't expect na magagalit ka na naman."
"Whatever, umalis ka na lang kung wala kang magandang sasabihin."
Marco: "Look, hindi mo ba naintindihan iyong side ko?"
"I don't care kung ano man iyong side mo, bakit ba gusto mo pa 'kong makita?"
Marco: "I still love you, please bumalik ka na sakin. I know you don't love him."
"Bakit? Kaya mo bang higitan iyong mga binibigay sakin ng boyfriend ko ngayon?"
Marco: "Hindi pero alam mong totoo iyong nararamdaman ko sa'yo."
"Sorry pero hindi sapat sakin iyon."
Marco: "Ganoon lang sa'yo kadaling palitan ako? Ang hirap mong pakisamahan, alam mo ba 'yon? I did everything to satisfy your needs, but I felt like it's never been enough for you. Ang dami ko ng sinakripisyo para sayo. Lahat ng friend ko nawala ng dahil sa'yo. Iniwasan ko sila para makapag-focused ako sa relasyon natin. Even my family, naapektuhan na magmula ng maging tayo. Nagiging maramot ako sa kanila para lang mabigay iyong mga gusto mo."
"Hindi ko na problema 'yon. Kasalanan ko bang tanga ka?"
Marco: "You are so unfair. At first, you were so good to me, bakit bigla ka na lang nagbago? Hindi na ikaw iyong Andrea na dating minahal ko. Alam mo ba kung anong nakikita ko ngayon? Isa kang Andrea na sinaniban ng demonyo."
"I don't care kung iyan ang tingin mo sakin. I realized na hindi pala tayo compatible, so I'ved changed. At kahit kelan hindi ko na maibabalik iyon."
Marco: "Your impossible. Isa kang bangungot sa buhay ko. Tama sila about you, I should never trust you from the very beggining."
That's all, at tumalikod na siya at lumabas ng pinto.
YOU ARE READING
Opposites Attract (Narcissist vs Empath)Game of Love
RomanceMeet Andrea, selfish, arrogant, manipulative, drama queen, undeniable beautiful and sexy. Her outer beauty makes everyone adore her, but her inner beauty makes everyone hates her. She loves the admiration and attention that everyone was giving her...