Unti-unti akong naluha habang inaalala lahat ng nangyari sa'ming dalawa. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa gan'tong punto.
Napatingin ako sa mga tao sa loob nitong simbahan, at nakita ko kung paanong lahat sila ay masaya para sa araw na 'to. Katulad ko, ang tagal din nilang inantay 'to.
Tuloy-tuloy lamang sa pagbasak ang mga luha ko sa hindi ko rin malaman na dahilan. Napatingin naman ako sa kan'ya, at nakita ko kung paano tumulo ang luha sa kan'yang mga mata habang nakatingin sa'kin. Ngumiti na lamang ako at tumango. Kahit umiiyak s'ya ngayon ay alam ko naman na sa kabila no'n, sobrang masaya s'ya.
"ITIGIL ANG KASAL!!!!"
Tila natigilan ang lahat ng may biglang sumigaw. Napatingin kaming lahat sa pintuan ng simbahan, at nakita ko ro'n ang isang lalaki na nakatayo, hapong-hapo at diretsong nakatingin sa'kin.
"Vince..."