Nakarating kami sa loob ng eroplano ng okay lang naman.
Magmula noong huminto siya sa tapat ng mga reporters ay hindi na siya nagsalita. Huminto lang siya saglit at saka nagpatuloy sa paglalakad.
Hanggang ngayon ay hindi pa kami nag-uusap. Ayoko din naman siyang iapproach dahil iba ang mood niya ngayon.
Ngayon ko lamang siya nakitang ganito. Ang mga mata niya ay malungkot at tila nasasaktan pero kapag nakikita niya ako ay nagiging blangko naman agad ito.
Hindi ko alam pero feeling ko may kinalaman ang pangalang Kate na binanggit kanina ng isang reporter. Magmula kasi ng marinig niya iyon ay nahinto na ito at hindi na muling nagsalita. Sino si Kate? At bakit siya nagkakaganito?
"You okay?" tanong ko sa kaniya ng hindi na ako makatiis. Mahigit tatlong pong minuto na kaming bumabyahe ngunit hindi parin kami nakakapagusap.
Tumingin naman ito sa akin at ngumiti ng malamya. Ang mata nito ay hindi mo makikitaan ng buhay, blanko ang mga ito. Ang mga ngiti ay hindi totoong masaya. Ang mga kilos nito ay tila pagod na hindi ko maintindihan.
"Yeah, I'm fine. Ahm, I just want to rest." saka siya pumihit patalikod sa akin.
Saglit akong natigilan at napatitig sa likod niya na nakaharap sa akin.
Unti-unting pumatak ang luha sa aking mga mata. Pilit ko itong pinupunasan ngunit kusang silang bumagsak. Hindi ko na napigilan ang maipaiyak.
Pumihit din ako patalikod sa kaniya at tinanaw ang bintana. Ang mga maliliit na ilaw ay naging blurred na sa aking paningin. Tahimik akong humikbi dahil naninikip ang aking dibdib.
Feeling ko ay hindi na niya ako kailangan. Feeling ko ay ayaw niya ako makausap at makasama. Feeling ko ay hindi na ako mahalaga sa kaniya. Naging mahalaga ba ako sa kaniya?
Hindi ko alam pero parang sa pagkakataon na ito ay nakilala ko ang Dave na itinago niya mula sa akin. Hindi kasi ito ang Dave na nakilala ko e. Hindi ito ang Dave na mahal ko.
Nang makitang palapit na kami sa airport ay inayos ko na ang aking sarili. Ayokong makita niya akong ganito ang ayos.
Nang idineklara na nasa airport na kami ay nilapitan ko si Dave. Nakapikit ang mga mata nito at mahimbing ang pagkakatulog.
Hinaplos ko ang mga pisngi niya, hinawakan ang mga mata, pababa sa ilong at labi. Ito ang lalaking mahal ko. Na sa maikling panahon ay pinatibok ang puso ko. Na bumuhay sa pagnanasang nararanasan ko.
Dumilat ito kaya agad akong ngumiti. Kinusot nito ang mata niya at saka tumitig na sa akin. Ngumiti ito. Ito ang totoong ngiti niya. Ito ang Dave na kilala ko.
"Hi?" awkward na bati ko sa kaniya. As much as possible ayokong ipakita na kanina lamang ay pinaramdam niya sa akin ang ganoong sakit. Sakit na ngayon ko lang nararanasan.
"Hi baby." matamis na sabi nito.
Parang hinaplos naman ang puso ko sa sinabi niya. Baby, tinawag niya muli akong 'baby'.
"Ahm. We're here."
Tumayo naman ito at luminga linga.
"Oh. I'm sorry. Nakatulog ako." tumayo ito at umunat unat na.
"Sir. Nasa labas na po yung service." sabi nung guard na kasama namin.
Kinuha nito ang kamay ko at pinagsaklop. Tahimik kaming lumabas at bumaba ng eroplano.
Pagkarating sa loob ng airport ay puro mga reports na naman ang naroon. Panay flash ng camera ang nakikita ko, nakakasilaw.
Hinapit naman ni Dave ang bewang ko at pinalapit sa kaniya. Mabilis kaming sumakay ng sasakyan ng makarating kami sa labas ng eroplano.