Prolouge:

3 0 0
                                    


Hayy... Saan ba parte ng mundo yung walang mga couples na nakakalat sa paligid? Yung tipong hindi ka magseselos or maiinggit? Oo na, tunog bitter na kung tunog bitter masisi niyo ba ako hindi ako pinalad sa love life samantalang yung mga kaibigan ko eh nahanap na nila ang kanilang Mr. Right ako kaya kailan?

Actually nahanap ko na siya kaso hindi niya ako gusto eh nandito nga lang siya sa harap ko at nakikipagharutan sa girl bestfriend ko na hindi naman siya pinapansin at tinatayaran lang siya. Iba naman kasi ang gusto niyan ng bestfriend ko gusto niyo sabihin ko? Syempre secret.

Kapag ako lang talaga ang gusto niya naku! Naku! Kung gusto niya lahat ng oras ko eh ilalaan ko lang para sa kanya. Ganon naman talaga diba? Gagawin mo ang lahat para sa mahal mo?

Ang sakit na nga ng mata ko dahil nakikita ko silang sweet huhu.. nagseselos ako dagdag mo pa ang sakit ng puso ko. Ouch! Double kill!

"Uyy ito naman niloloko ka lang eh" sabi ni Blaster mahal kay bestfriend kong si Euniqe habang sinusundot ang tagiliran. Si Euniqe naman eh iniirapan lang siya.

Nagulat ako nung tumingin siya sa akin. "Alam mo Michaela? Itong bestfriend mo ang suplada akalain mo yun tinatanggihan itong kagwapong gwapong nilalang sa harap niya?" Sabi niya sabay humalagapak ng tawa.

Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na itong si Blaster Dela Fuente ay isang mahangin na nilalang? Pero kahit ganyan siya may good sense of humor yan kaya nga nagkagusto ako sa kanya SINCE ELEMENTARY hanggang ngayong 4TH YEAR HIGH SCHOOL! san ka pa?

Ang girl bestfriend ko naman ay si Euniqe Ann Garcia matalino siya at laging napapabilang sa mga with honors simula pa elementary although ako rin naman.

Ako naman pala si Michaela Kylheen De Los Reyes. Masyado bang mahaba ang pangalan ko? Hayaan niyo na ganyan talaga kapag maganda.

Nginitian ko lang siya at sinabing "Siguro meron siya ngayon baka PMS lang " sabi ko.

"Meron ka ba? Kaya pala ang init ng ulo mo sa akin" sabi niya at tumawa habang nakalagay ang kamay sa ibabaw ng ulo at parang nagkakamot.

Wahh ^_^ ang cute niya omo! Pero back to the topic!

Tinignan ko naman si Euniqe aba ang bruha nag blush! Aba sino ba namang hindi maa-awkardan kapag pinag usapan na ang tungkol sa you know mga menstruation at iba pa.

"E-ewan ko sayo!" Sigaw ni Euniqe sa kanya sabay takbo palabas sa classroom pero bago siya makalabas nakita ko na may bumuo na matatmis na ngiti sa kaniyang labi.

Hayy...siguro gusto nila ang isa't-isa.

"Hahaha.. Michaela!" Sabi niya sabay kalabit sa balikat ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Gustong gusto ko talaga yan si Euniqe tulungan mo naman ako oh, gusto ko kasi siyang ligawan." Sabi niya na may magagandang ngiti.

Ngumiti ako sa kanya ng alinlangan. Nasasaktan kasi ako.

"Hmm.. pag iisipan ko" sabi ko at lumabs ng room.

Hayy...bakit ba ang malas ko?

..... Ako muli si Michaela Kylheen De los Reyes at ito ang masaklap kong pinagdaanan pagdating sa lovelife.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

We Can't BeWhere stories live. Discover now