ALY POV
Tok...tok...tok...Napabangon naman ako ng marinig ko na may kumakatok sa pinto ng condo ko ang pinagtataka ko lang may doorbell naman itong condo.
Tok....tok...tok....
"Sandali lang!" sigaw ko kung sino naman ang kanina pang kumakatok sa pinto ng condo ko.
"Hi.. Good morning! 😁"
Baket nandito sila? Ang aga aga naman nito silang mambulabog ng natutulog pa. Tsk
"Anong ginagawa nyo dito" tanong ko kila Ai.
Halos lahat kase sila nandito pwera lang kay Dennise. Baket kaya di nila kasama yon? 🤔
"Di mo ba muna kame papapasukin sa loob?" sabi naman ni Ai at sumangayon naman yung iba kaya naman tumabi ako at agad naman silang pumasok. Agad ko naman isinara ang pinto at sumunod sa kanila sa living room.
"Wow! First time kong makakita ng condo ng lalake na malinis" sabi ni Jirah at pinagmamasdan pa ang kabuuan ng condo ko.
Ayaw ko kase ng makalat hindi kase ako komportable kumilos .
"dyan muna kayo maliligo lang ako saglit kung gusto nyo kumain meron jan sa ref" sabi ko at pumunta sa cr ng room ko.
Mga ilang minuto ay natapos na din ako maligo at pumunta sa living room kung saan nandon sila Ai.
Nakita ko sila na kumakain at printeng naka upo sa sala ng living room ko.
"Amyr akin yan!" biglang sabi ko dito na agad nakakuha ng attention nila.
Kinakain kase ni Amyr yung strawberry ko fav ko kase yon. Agad ko naman kinuha yung isang tray na strawberry .
"Ang damot mo dude" --Amyr
"Favorite ko kase to eh " sabi ko dito at kumain na din ng strawberry ng makaupo ako sa tabi ni Greg.
"Pahingi nalang ako" sabi nito at lumapit pa ito saken kaya naman binigyan ko na naman sya.
"Oo nga pala baket pumunta kayo dito pati baket wala si Dennise?" tanong ko sa kanila at tinignan ko sila isa isa.
"Ayiieeee namimiss nya" tukso naman nila saken.
"Baket nga kayo nandito?"
"Baket ayaw mo ba na nandito kame sa condo mo? Tutal nakabihis na naman din tara na umalis kase may pupuntahan tayo diba guys?" --Ai
"Yes" sagot naman nila Greg.
Nagtaka naman ako kung baket isasama pa nila ako sa lakad nila.
"Baket kasama ako?" tanong ko sa kanila.
"Yon kase ang sabi ni Besh kaya wag ka ng umangal dahil baka malagot lang kame don" --Ella.
"Eh saan ba tayo pupunta?"
"Basta. Wag na madaming tanong dude tsaka nga pala dude mag dala ka ng panglaro ha" --Greg