Score:
Shiozuka Jaguars: 56
Santo Domingo Red Lions: 48
Salamat kay Rodney ay lumaki ang lamang ng Shiozuka kontra sa San Agustin at may natitira pang 6 minutes sa 3rd Quarter.
"Kailangan nang magtimeout ng Santo Domingo, delikado sila kapag pumuntos ulit ang Shiozuka" sagot ni Joseph Gabales ng Jousei Falcons, dumating sila kasama ang ilang players upang makita at malaman ang kanilang makakalaban sa parating na semifinals.
"Hmmm yung #13, balita ko siya ang isa sa mga best rookies ng Shiozuka" turo ni J.K. kay Rodney. "Kung naglaro siya nung elimination round baka natalo nila tayo"
Naalala ni J.K. ang laban nila kontra sa Shiozuka noong elimination round at muntik pa silang matalo sa labang iyon, nanalo siya nang hindi naglaro si Rodney at Ian dahil sa natamo nilang suspension.
Sa kasagsagan ng laro ay nakaramdam si Matthew ng konting hiya matapos siyang paglaruan ni Rodney.
"Hmm nakabawi na ako pre"-Rodney
"Kailangan naming makapuntos, kailangan mahabol namin ang kanilang lamang" sabi ni Matthew.
"Defense! Defense! Defense!" mula sa bleachers ay sumisigaw ang mga supporters ng Shiozuka.
"Defense! Defense!" –Nessan
"Macalintal pass to Bantatua" gwardiyado siya ni Rodney at mahigpit ang pagkakadepensa ni Rodney kay Matthew.
"Bantatua post shot over Miller, spins and score!" naisahan ni Matthew si Rodney matapos niyang ikutan ito at isinalaksak ang bola sa basket.
"Nako, binawian naman ni Matthew si Rodney" –Erica
Mula sa opensa ng Shiozuka ay ibinigay nila ang bola kay Shabazz.
"Shabazz post move against Bankole" pagposte niya ay napalakas ang pagkaldag niya kay Bankole at bigla siyang pinituhan ng referee.
"Offensive foul para kay Shabazz"
"Ano!?" reklamo ni Shabazz sa tawag.
"Ok lang yun pre" –Robin
Muling bumalik sa depensa ang Shiozuka.
"Bankole holds the ball pass to Bantatua"
"Ayan nanaman, nasa kanya ulit ang bola" –Erica
"Sige bakawin mo lang! Wala naman iyan!" –Nessan
Bantay ulit si Matthew ni Rodney.
"Sige Rodney, kayang kaya mo siya" bulong ni Nessan.
Tumira ng three points si Matthew, agad itong sinabayan ni Rodney pero nag attempt lamang ito ng fakeshot para makaiwas sa depensa ni Rodney.
"Fakeshot lang pala yun" –Rodney
Agad na nakalibre si Matthew pero nandoon si Shabazz para bantayan ang ilalim.
"Hindi ka makakapuntos" sabi ni Shabazz mula sa isip niya.
"Bantatua jumpshot over Shabazz" tumira si Matthew malapit sa paint at pumasok ang tira nito, apat na lang ang lamang ng Shiozuka.
"Matthew Bantatua with a score, he's got 15 points already"
"Normal lang na magbakaw si Bantatua, pumapasok naman ang mga tira niya unlike ni Miller at San Jose" narinig nila Nessan at Erica ang rant ng isang fan mula sa likod niya, napatingin sila dito ng masama, umiwas na lang ng tingin ang mama.
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
AcţiuneSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...