Patuloy parin ang laban sa pagitan ng Santo Domingo at Shiozuka, lamang ng tatlo ng Shiozuka at may natitira pang 8 minutes sa ball game.
"Kah kah kah" naghihingalo na si Rodney dahil halos babad siya sa larong ito, madali rin siyang napagod dahil sa kanilang match up ni Matthew.
"Mukhang pagod na si Rodney, pagkakataon na namin ito" ang nasa isip ni Matthew, gusto niyang pagsamantalahan ang kahinaan ni Rodney.
Pero patuloy parin ang mahigpit na depensa ng Jaguars kay Jamir at Jerson.
"Ibato mo captain!" –Matthew
Ibinato ni Jamir ang bola kay Matthew, bantay siya ni Rodney at kunyari ititira niya ang bola, alam ni Rodney na pwersahan lang ang ginagawang shot ni Matthew kaya chinallenge niya ito kahit pagod na siya pero nagkamali ito.
"Bantatua fakes over Miller" aatake na sana si Matthew pero binantayan siya ni Robin, sinubukang bantayan ni Robin si Matthew pero naikutan siya nito.
"Bantatua spins over Gelvero and scores! Lions are down by 1 point"
"Ang husay niya talaga, naiwasan niya ang depensa ni kuya" –Nessan
"Si Matthew lang talaga ang maaasahan nila ngayon sa puntos, no doubt na isa talaga siya sa mga magagaling na rookies" –Bernard
Muling bumalik sa opensa ang Shiozuka, pagkapasa ng bola kay Rodney at inatake niya ito pero agad siyang nasupalpal ni Mickey.
"Bankole says not in my house tonight" nakuha ni Jamir ang bola at ibinato ito kay Matthew.
"Tayo naman!" –Jamir
Pinilit habulin ni Rodney si Matthew pero hindi na niya ito maabutan dahil na rin sa pagod na si Rodney, hinabol ito ni Robin at sinubukang pigilan ang batang player.
"Sige kuya kaya mo yan, mas matanda ka sa kanya" –Nessan
"Robin vs Matthew, sino kayang mananalo?" –Boogy
Dahil alam ni Robin na easy basket lang ang gagawin ni Matthew ay finoul na lang niya ito pero "Bantatua scores a layup, gets the basket may kasama pang foul!" biglang pumasok ang layup ni Matthew at lamang ulit ang Santo Domingo.
"Kuya Robin" –Nessan
"Pasensya na Kuya Robin" humingi ng tawad si Rodney dahil sa malamyang depensa niya at sa pilit na atake niya kanina.
Napansin ni Robin na hinihingal na si Rodney kaya nilapitan niya ito. "Pagod ka na ba Rodney? Kaya mo pa ba?"
"Oo kuya, kailangan nating manalo" –Rodney
Binigyan ng bonus freethrow si Matthew dahil sa foul ni Robin, pumasok ang kanyang freethrow at naging dalawa na ang lamang ng Santo Domingo.
"2 point lead by the Lions"
"Ano ba iyan, 4th year na yung Gelvero tapos 1st year lang si Bantatua pero pinaglalaruan lang ng 1st year ang 4th year" biglang nainis si Nessan at napatingin sa kanyang likuran.
"Hoy mukhang mali ka ng taong binubunggo ahh" hinarap ni Nessan ang antipatikong lalaking nanlait sa kanyang kuya.
"Huh? Sino ka ba? Girlfriend mo ba yung Gelvero?" kabadong sagot nung lalaki, lalong nayamot si Nessan. "Girlfriend? Mukha ba kaming magkaedad ni Kuya Robin? Pigilan niyo ako kukutusan ko ito"
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
AcciónSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...