Two

411 5 5
                                    

Walang gana akong umuwi sa bahay nong gabing iyon. Ni pagkain ng hapunan nakalimutan ko na. Basta nakatulog na lang ako at nagising kinabukasan. Sa totoo lang matagal ng ganyan sakin ang asawa ko, aalis ng sa text o tawag lang magpapaalam na para bang sinasabing wala dapat akong pakelam sa mga lakad niya dahil asawa lang ako. Hindi rin kami madalas magusap sa bahay dahil gabi na siyang umuuwi tapos matutulog na lang. Kapag naman day-off niya aalis yan para pumunta sa barkada niya.

Sandy calling…

 

“Hello.” I answered as soon as I accepted the call.

“SEPTEMBER! BILISAN MO PUMUNTA KA DITO- ARGH! Wait nga lang kasi!- SEPTEMBER BILISAN MO AH.- PUTANGINA NAMAN WAIT NGA LANG!”

Kung sa iba sanang sitwasyon matatawa ako kay Sandy dahil likas na palamura yan pero kinabahan ako sa tono ng boses niya at pinamamadali niya ako. Tinapos ko na ang tawag saka nagmamadaling nagbihis ng isang t-shirt na hindi ko alam na meron pala ako saka shorts na maong. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan, shit! Sobrang kinakabahan ako, may kutob ako na may nangyayaring hindi maganda sa shop ngayon at kailangan ako ni Sandy.

Nakarating ako ng shop ng halos sampung minuto lang ang naging travel, saka ko lang napansin na hindi pala ako nakapagsuot man lang ng sapin sa paa dahil ramdam na ramdam ko ang init ng semento.

“Sandy! Anong nangyayari?!” Humahangos ko na linya ng makapasok ako ng shop.

Lumipad ang mga kamay ko sa naabutang eksena. Ang asawa ko na walang patawad at halos patayin na sa suntok ang lalake na ngayon ay punong-puno na ng dugo ang mukha at damit, Nakita ko rin sa isang sulok ang isang magandang babae na umiiyak, “TANGINA! SEPTEMBER PATIGILIN MO YANG ASAWA MO!” Matagal na kaming magkasama ni Sandy at iilang beses ko na siyang nakitang magalit sa iba pero ngayon ay iba, sakin siya galit at sa asawa ko na hindi maawat ng isang security guard.

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Tumulong ako sa paghila kay Lucas pero malakas ito kaya sinampal ko siya para magising. Lumingon ito sakin na punong-puno ng galit ang nakarehistro sa mukha, “Lu-Lucas…”

Tumayo siya. Akala ko ay lalapit sakin pero nagulat ako ng lumapit ito sa magandang babae na umiiyak sa isang gilid, hinalikan niya iyon sa noo at niyakap.

Sa eksenang iyon hindi ko alam ang mararamdaman. Gulong-gulo ang isipan ko. Nakita kong tinulungan ng isa kong staff at guard ang lalake kanina para isakay sa ambulansya, siguro upang gamutin. Muling lumipad ang tingin ko sa asawa kong naglalakad na palabas ng shop hawak-hawak sa bewang ang babae kanina.

“Lucas?” Tawag pansin ko sa kanya ngunit hindi man lang ito lumingon.

Ano yong nakita ko? Sino yung babaeng kasama ng asawa ko? Sino yung lalake kanina? Anong meron? Anong nangyayari? Wala sa sariling napahawak sa pisngi ko at hindi ko namalayan na umiiyak nap ala ako.

Napalingon ako sa kung sinong tumapik sakin, “Sorry kung nasigawan kita. Nakita mo?” Tanong niya sakin.

“Oo. Sino yun?”

Iginayak ako ni Sandy sa office. Inalok niya ako ng maiinom saka ikwinento ang nangyari.

“Hindi ko alam kung bakit sila nagsuntukan basta na lang nangyari. Tapos yung babae kasama niya yun pumasok dito. Kung hindi ko siya kilala iisipin ko na magsyota sila nun.” Ramdam ko ang sakit na gumuhit sa puso ko, ang bigat bigat ng nararamdaman ko.

“Hindi sa nangengeelam ako sa inyo pero may mali eh. Ano ba yan?! Bakit wala kang reaksyon! NAMBABAE ANG ASAWA MO!”

***

Hanggang sa makauwi ako ay yun huling sinabi ni Sandy ang tumatak sa isip ko.

Nambabae si Lucas? Yun ba ang business stuff?

Napailing ako at umagos na naman ang luha na kanina pa nagbabadya. Ano bang nagawa ko para gawin niya pa iyong bagay na iyon? Hindi pa ba ako sapat para sa kanya?

Unti-unting binalot ang puso ko ng galit sa asawa ko pero bakit ganoon kahit nag alit ako mayroon pa rin akong nakakapang pagasa na baka naman mali lang ang hinala naman kahit pa kitang-kita ko naman kanina. Ganoon nga siguro kapag mahal mo, mananatili kang bulag depende na lang siguro kapag dumating yung turning point kung saan magiging maliwanag na sayo ang lahat.

Ilang beses kong sinubukan tawagan si Lucas para marinig ang paliwanag niya pero nakapatay ang phone nito, halos hindi ko na nga mabilang kung ilang text messages na rin ang naisend ko. Nakatulog na nga ako sa paghihintay ng feedback mula sa kanya.

Masakit ang ulo ko ng magising ako at magang maga ang mata ko. Grabe lang! Para akong zombie sa itsura ko ng humarap ako sa salamin. Bwisit talagang Lucas ni isang reply wala! Inis na binato ko ang phone sa sahig, argh!

Natigil ako sa pagmomonologue ko ng tumunog ang doorbell kaya dali-dali akong bumaba.

Baka si Lucas na yan!

 

Bago ko binuksan ang pinto pinasadahan ko muna ng daliri ang magulo kong buhok.

Teka kung si Lucas yun bakit pa siya magdodoorbell?

 

Nalungkot naman ako sa naisip ko. Tanga lang, nang buksan ko ang pinto nakita ko ang lalakeng binugbog ni Lucas kahapon.

Napatingin ako ng maglahad ito ng kamay sa akin saka ngumiti ng malaki.

“Hi Embeng.”

SEPTEMBERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon