Chapter 4

1.3K 24 0
                                    

           

"SHIT, I'm late!"

Aksidenteng napatingin si Blaster sa relo. Akala niya lunchbreak pa din. May klase siya ng ala-una. It was already fifteen minutes past one. Agad siyang kumalas kay Vivien. "I have to go," wika niya saka kinuha ang bag.

"What? Already? Will you see me after school?" naglalambing na tanong nito sa kanya. Her red lipstick emphasizing her pouting lips.

He smiled at her. "We'll see,"

Nang makarating sa klase ay laking pasasalamat niya nang makitang wala pa ang Prof nila at may kanya-kanyang pinagkaka-abalahan ang mga blockmates niya. Natanaw niya si Shane na nakikipagkwentuhan kay Dane, ang rookie player ng basketball team ng school at kaklase nila. Sila Sylvia naman ay abala sa paglalagay ng kung anong kolorete sa kuko. Napasulyap siya kay Ramona. Tulog ito. Agad siyang napangiti. Dahan-dahan siyang umupo sa silyang katabi nito.

Blaster had always thought Ramona was a beautiful girl. Mas lalong lumalabas ang ganda nito kapag hindi siya nito inaangilan. If it wasn't for what he did during enrolment, she could've been friendly to him. Mukha naman itong hindi talaga galit sa kanya, she only hated his guts. She thought he was this entitled heir who believed he can have the world at the palm of his hands. She was so wrong about that.

Noong inakala nitong nag-cut siya ng line ay dahil iyon na ang bilin ng Head ng Registrar na siyang kaibigan ng Daddy niya. Their family is one of the biggest donors of the school. Alam niyang mali, but he thought to himself, he could use the extra time to go out once he's done with enrollment.

Sa panahong magkakilala sila ni Ramona ay hindi miminsan niyang naiisip just how extraordinary she is. She was not like the girls who used to follow him around. She was not like Vivien. She was simple yet she has this certain glamour he can't explain. Ramona's smart, naniniwala siyang malayo ang mararating nito sa buhay. He was almost sure of that.

Napangisi siya sa naisip, biglang may kinuha sa bag at sinimulan ang naisip na gawin.

"I HATE YOU! I HATE YOU!"

Sobra-sobra ang galit na nararamdaman ni Ramona kay Blaster. Sobrang pagkapahiya ang inabot niya nang dahil sa kalokohan na ginawa nito sa kanya.

Nang magising siya sa pagkakaidlip ay agad niyang inayos ang sarili. Dumating na kasi ang Prof nila at magtatawag na ito para sa reporting nila. Hindi pa man nakakapagsimula ang Prof nila ay napatingin ito sa kanya habang nakakunot ang noo. "Miss Zarate, what's on your face?"

Nang magtinginan ang mga kaklase niya ay agad nagtawanan ang mga ito. Nang makita ang sarili sa salamin na kinuha niya sa bag ay gusto na niyang magpalamon sa lupa sa sobrang kakahiyan. May drawing ang kanyang mukha!

Nang tapunan niya ng tingin si Blaster ay kita niya ang pigil na pagtawa nito. Agad niyang kinuha ang mga gamit at saka lumabas sa klase. Nagkulong siya sa banyo habang sabay na tinatanggal ang drawing sa mukha at pagpahid ng luha sa kanyang mga mata.

She never thought Blaster could go this low. She was so wrong to think of that. Kung kailan unti-unti nang nawawala ang inis niya rito ay saka naman nito naisipan na pagkatuwaan siya at ipahiya sa buong klase. Galit na galit siya dito.

Matapos matanggal ang drawing sa mukha ay nag-desisyon siyang umuwi. Nagulat pa nga ang tiyahin niya dahil maaga siyang umuwi. Ang alam nito ay hanggang alas-siyete pa ang klase niya ngayon.

"M-masama lang po ang pakiramdam ko, Tita. Ipapahinga ko na lang po." Iyon lamang ang sinabi niya at saka umakyat sa kuwarto niya. Doon siya umiyak nang umiyak. Noon lang siya napahiya nang sobra-sobra.

The One for RamonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon