PRESENT DAY. 2018. UK.
Tahimik na nakaupo si Ramona at panaka-naka ay sinisipat ang relo. It was 11 in the morning. The cold was slowly creeping down the insides of her clothing. Madali niyang inayos ang scarf na nakapalibot sa kanyang leeg. Hindi na yata siya masasanay sa lamig sa London.
Makalipas ang ilang minuto ay narinig niyang tumunog ang school bell. Agad siyang tumayo at inayos ang shoulder bag na hawak. Iniluwa ng entrance hall ng eskwelahan ang mga batang nagmamadaling lumabas.
Kinawayan niya ang napakagandang batang babae na kakalabas lamang. Nakapig-tail ang buhok nito at halos magdikit na ang mga mata sa sobrang pagkakangiti.
"Hi, baby!"
Nang maabot ang bata ay hinalikan niya ito sa pisngi. "How was school?"
Inabot ng bata ang dala nitong bag sa kanya. "It was fine. Look, I got a star!" Inirolyo nito ang sleeves ng kanang bahagi ng braso at ipinakita ang star na nakatatak dito.
Niyakap niya ang bata. "Very good! Galing talaga ng baby ko. Come, we'll meet Tito Pancho for lunch." Hinawakan niya ang bata sa kamay at magkasamang tinungo ang parking lot ng eskwelahan.
Nang makarating sa isang restaurant ay agad nilang natanaw si Pancho na may ginagawa sa laptop nito.
"Tito Pancho!" bati ng bata rito. Niyakap naman ni Pancho ang bata. "Hey, princess. Mommy told me you got a star."
Proud na proud na inilabas muli ng bata ang nakatatak na star sa braso nito. "Yes, Tito!"
Hinaplos ni Pancho ang ulo ng bata saka iginiya ito sa upuan sa tabi nito. Sinulyapan naman siya nito pagkatapos. "Hey,"
"Hanggang dito ba naman nagta-trabaho ka pa din? It's lunchbreak," nakangiti niyang wika rito.
"I need to endorse a lot of things before we go," nakangiting sagot nito. Kung noon ay kailangan pa niya halos turuan ito ng Tagalog ay ngayon marunong na ito. Hindi man ito madalas magsalita gamit ang unang wika niya ay naiintindihan sila nito kapag kinakausap. Tinuturuan rin ito ng ina sa tuwing magkikita ang mga ito o magbabakasyon ito sa bahay ng ina. Saglit pa itong may ginawa sa laptop bago itago sa bag na dala nito. Tumingin ito sa batang katabi at saka kinausap. "What will the princess have for lunch?"
"Fruits and veggies!" sagot nito.
Natawa si Ramona sa pagiging energetic ng bata. Tinawag na ni Pancho ang waiter at saka umorder. Nang matapos ay sinulyapan siya nito. "Are you ready?"
Ramona sighed. "I don't know. It's been years, Pancho."
Hinawakan nito ang kamay niya at nagbigay ng reassuring na tingin. "It's going to be okay. Aalis tayo pagkatapos ng pasok ni Maddie this school year."
Tumango na lang si Ramona. Hindi niya alam ang mararamdaman sa muling pagtapak sa Pilipinas. It's been five years.
Two weeks ago ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Reyna. Umalis na lang daw bigla ang Tita Siony niya. Laking gulat niya dahil ang tiyahin ay hindi ang tipo ng tao na iiwanan na lang ang lahat nang basta-basta. Alalang-alala siya nang malaman iyon. Ilang araw lang ang lumipas ay nakatanggap naman siya ng tawag sa mismong tiyahin na nasa mabuting lagay naman daw.
"Nasaan ka, Tita? Alalang-alala na kami sa'yo!"
Narinig niya ang marahan nitong pagtawa sa telepono. "Relax ka lang, Ramona. Okay naman ako. In fact, masaya ako ngayon."
"Ano ba kasing nangyari? Bakit basta-basta ka na lang umalis? Natataranta na mga tao mo sa restaurant!"
"Basta. Saka na ako magku-kuwento sa'yo. May pakiusap lang ako. Puwede bang ikaw muna ang mag-asikaso ng restaurant? Ayoko naman na masira ang bait ng mga tao natin doon sa pagkataranta."
BINABASA MO ANG
The One for Ramona
RomanceBlaster and Ramona go way back. Mula sa inis ni Ramona sa pagsingit ni Blaster sa pila noong enrollment, hanggang sa pagiging magkaibigan, at hanggang sa isang araw ay nagising na lang si Ramona na gusto na pala niya si Blaster. Pero may Tiffany na...